4

2329 Words
Napakunot ang noo ni Marie nang mag-pop ang message request sa messenger niya. Timingnan niya ito, Gal Vensson ang nakalagay na pangalan. Nagkibit siya ng balikat at hinayaan ito. Hindi siya nag-aaksya ng oras makipag-chat sa mga taong hindi niya kilala. Kakatapos lang nila mag-chat ng kaniyang kapatid kaya ngayon day-off niya, magpapadala agad siya ng pera. “Maria...” Hindi siya sumagot. Naghintay siya ng susunod na sasabihin ni Judith. “Pagkatapos mo rito sa Japan, saan ka mag-aabroad sa susunod? Dito pa rin ba o sa America?” Panimula nito. “Matulog ka na.” “Pero gusto kong malaman kung saan nga.” “Sa bundok, magkakatol.” “Seryuso?” Hindi niya pinansin ang kaibigan. Pinatay niya ang cellphone at nilagay ito sa ilalim ng kaniyang unan. Matutulog na siya at hahayaan niya si Judith na magsalita nang magsalita hanggang sa mapagod ito at magdesisyon matulog. Kinabukasan, maaga pa lang. Naghanda na siya papuntang Green House. Nakakatamad pero wala, kailangan niyang kumayod. Papasok pa lamang siya ng Green House nang humarang na sa daraanan niya si Fidel, may dala itong instant coffee. “Hi, Marie! Ito nga pala coffee for you.” Tiningnan niya lang ang kapeng hawak ng binata at pagkatapos, nilagpasan ito. “Marie! Coffee for you galing from me. Accept it for me, coz I made this with love and honey.” Nagsalubong ang kaniyang kilay sa sinabing iyon ni Fidel. Ang aga-aga, ito agad ang binungad sa kaniya! Hindi niya ugaling magbunganga sa mga kabaro nito kaya tumalim lang ang kaniyang tingin sa lalaki. “Ayaw mo sa templa kong with love and sweet like brother?” Nilagpasan niya ulit ito nang muli siyang harangan nito at pilit binibigay sa kaniya ang tasang may lamang kape. “Marie! Tanggapin mo na.” “Isang tawag mo pa sa pangalan ko Fidel, malililigo ka sa kapeng tinimpla mo mismo.” Bigla itong tumahimik at tila isang asong bahag ang buntot na lumabas ng Green House. Napabuntong-hinga naman siya at nagpasalamat na tumigil din ito sa kakaalok ng kape. Wala pang oras para sa trabaho, pero nagsimula na siyang naglibot at nag-aayos ng mga halaman. Mamaya pa siya magkakape at kakain ng tinapay. Natigilan lang siya nung naramdaman niyang bumalik si Fidel at nasa kaniyang likuran na ito habang umiinom ng kape. Paano niya nalaman? Amoy na amoy niya ang brewed coffee na iniinom nito ngayon na humahalimuyak sa kaniyang buong sistema. “Coffee?” Mabilis siyang napalingon at ang inakalang si Fidel iyon, nagkamali siya. Hindi ito si Fidel. Si Gheron ang kaniyang nakita at ngiting toothpaste commercial ito sa kaniyang harapan. Inaalok siya ng dalang mug nitong kulay puti at mula roon, umuusok ang brewed coffee at langhap na langhap niya ang bango na nagmumula roon. “Ayaw mo?” Tinalikuran niya ito at hinarap ulit ang mga strawberries. Next week, doon na naman siya sa kabilang Green House na ibang prutas ang nakatanim. “In born na yata ang pagiging mataray mo.” Panimula nito. Habang siya ay nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Hindi niya pinansin ang binata. Kung okay lang rito ang walang ginagawa, sa kaniya hindi. “Maaga pa Marie. You still have time for coffee.” Wala siyang pakialam sa paligid. Nagpatuloy lang siya at sunod nang sunod ito kahit saan siya magpunta. Napangiti lang siya nung sabay-sabay na pumasok ang iba nilang kasamahan babae at mabilis na lumapit sa lalaki. “Gheron, alukin mo naman ako ng kape mo.” “O kaya ng pandesal mo.” Naghagikhikan ang mga ito na kilig na kilig sa presinsya ng binata. “Why not ladies? Here.” Mula sa kaniyang peripheral vision, nakita niyang inalok ni Gheron ng kape ang kasamahan niyang babae sa silid. Kilig na kilig naman itong inabot ang baso at marahan hinigop ang kape. Napakagat pa ng labi ang babae at ngumiti ng nakakaakit. “Ang sarap mo naman, Gheron.” “Talaga?” Natatawang tanong nito. “Oo sobrang sarap— ng kape mo...” Humagikhik ito. Naiiling na lamang siyang pinagpatuloy ang ginagawa. Umalis lang ang mga ito nung nagsimula na ang oras ng pagtatrabaho at naglilibot na ang kanilang Team Leader para tingnan ang hindi gumagawa at tatamad-tamad. Lumabas siya ng Green House nang tawagin siya ni Judith at nagpasama itong mamitas sa kabilang bahagi ng farm. Dahil tapos na rin siya sa kaniyang gawain, sumama siya sa kaibigan. Pareho silang may dalang basket kung saan nila nilalagay ang pinamitas na mga prutas nang sadyain siyang banggain ni Marienella. Ang kasamahan nila ito sa staff house at hindi niya gusto ang ugali nito pagdating sa kaniya. “Akin lang si Gheron, Marie. Tandaan mo ‘yan.” Mabilis itong nakalayo habang siya ay natawa sa sarili. Ilang araw pa lamang ang nagdaan at ganito na ang epekto ng lalaki sa kaniyang mga kasamahan. Kahit isaksak mo pa sa singit mo. Saiyong-saiyo ‘yan. “Tingin ko Maria, sa ‘yo may gusto ang Gheron ko.” Tiningnan lang niya si Judith na parang nababaliw ito. “Totoo nga, napapansin kong ikaw ang lagi niyang nilalapitan. Tapos ikaw naman itong walang pakialam sa kagwapuhan niya—” “Magsasaka.” Mabilis na putol niya. “Ha?” “Isang hamak na magsasaka. Tingin mo Judith, pumapatol ako sa parehas lang natin na isang kahig isang tuka?” “Kanta ba iyan, Maria? Alam ko ang lyrics niyan. Isang kahig isang tuka, ganiyan kaming mga dukha. Woooh oohh!” Napailing-iling siya at naunang maglakad kay Judith. Matino naman kausap ito minsan. “Wait lang, oi!” Humabol ito sa kaniya. “Bakit ba ayaw mo sa tulad natin na mahirap? Magsasaka rin naman tayo, ah? Lamang nga lang, malaki sahod dito sa mga magsasakang tulad natin. Matinong trabaho ang meron sa ‘tin dito, Maria. Matinong trabaho ang ginagawa ni Gheron kaya ano naman kung sakaling isa siyang magsasakang tulad natin?” “Hindi mo naiintindihan, Judith.” “Ang ano ang hindi ko maintindihan? Na mataas masyado ang standards mo kaya ka tumatandang walang boyfriend kahit isa? O masyadong mababa ang tingin mo sa ‘tin na OFW na mas piniling magtrabaho rito sa ibang bansa? Saan sa dalawa?” Hindi siya sumagot. Walang patutunguhan ang pag-uusapan nila ni Judith at kung meron man, hindi siya nito maiintindihan. Hindi nito alam ang buong rason kung bakit ganito ang kaniyang paniniwala. Mahalaga sa kaniya ang pera. Sa pamamagitan n’yon, makikita ng kaniyang pamilya ang tunay na halaga niya sa mga ito. Hindi lang iyon, may isa pa siyang rason at wala pa siyang lakas na loob na pag-usapan ang rason na iyon kung ano man ito. Bahala na si Judith kung ano ang iisipin nito laban sa kaniya. Kilala niya ang kaniyang sarili at hindi niya hahayaan na pakialam siya ng iba lalo na kung puso niya ang pag-uusapan. Siya ay may-ari ng kaniyangn sarili at siya lamang ang pwedeng magdikta. NAKANGISING pinagmasdan ni Gallagher ang kaniyang lumang cellphone na pwedeng i-donate na sa museum sa kalumaan. Pero sa casing lang ito mukhang luma, ang totoo niyan, latest iPhone ang gamit niya. Sinubukan niya ulit i-chat si Marie kahit alam niyang wala siyang makuhang reply nito. Hi! Ito ang unang pambungad niya. Nagbilang siya sa isip bago niya sinundan ulit ng panibagong mensahe. I know I sounds creepy, but I want you to be my friend. Walang sagot. Nagkibit siya ng balikat at nagpasyang pasukin ang data ng babae gamit ang kaniyang laptop. Pakikinggan niya ang pinag-uusapan ng mga ito sa loob ng silid kasama ang ibang staff. Hacking is one of his things. Pero oras na malaman ni Yx na ginamit niya itong kakayahan niya sa babae na naman, parusang assignment ibibigay nito. Kinuha niya ang kaniyang wireless earphone at kinabit ito sa kaniyang teynga. Nagtimpla muna siya ng kape at kumuha ng limang cookies. Paborito niya ang mga ito kaya hindi pwedeng matutulog ang araw na hindi siya nakakatikim ng cookies. Pakanta-kanta muna si Gallagher bago siya bumalik sa office table niya habang bitbit sa isang kamay ang tasa ng kape. Mamaya na siya pupunta sa staff house para magpahinga kasama ang ibang farmers. Nagpupunta lang siya sa kaniyang pribadong silid kapag gusto niyang mag-isip, at kausap ang Dark X. Si Mr. Yakoto ang nagbigay sa kaniya ng private room at malaki ang silid na ito. Kasinglaki ito ng dalawang staff house at fully air condition. Kompleto sa gamit at malapit lang sa farm. May secret door na siyang pinakagusto niya sa lahat. “Tingin mo Maria, may girlfriend na kaya si Gheron baby ko?” Ito ang unang narinig niya at kilala niya ang tono ng boses. Galing ito sa babaeng kilala niyang Judith. Naghintay siya ng sagot mula kay Marie. “Maria, ano na? Hindi ba napapanis ‘yang laway mo? Hindi ka na naman nagsasalita d’yan.” Napahawak naman siya sa kaniyang baba at napasandal sa swivel chair. Nakatutok ang kaniyang tingin sa screen ng laptop kung saan ang kesame lang ang kaniyang nakikita mula sa front camera nito. “Maria!” Muntik siyang napatumba sa gulat nang lumabas ang mukha ni Judith sa screen ng laptop. Nakatingin ito sa camera at mayamaya ay dinampot nito ang cellphone ni Marie. Kinalma niya ang sarili na ‘wag matawa sa mukha ng babaeng may clay mask. “Baka naman Maria palitan mo na ‘tong phone mo? 10 years na ‘tong pinaghahanap ng mga mambabakal, ah. Kulang na lang antenna nitong cellphone mo, pwede na ‘tong gawing satellite.” “Huwag mo nga pakialam ang phone ko!” Napangiti siya nang masilayan ang mukha ng dalaga. Pormal ang mukha at walang kangiti-ngiti na nakaharap sa front camera. Inabot naman niya ang kapeng nilagay niya sa ibabaw ng mesa at sinimulan inumin ito. Hmm, best coffee. Nakakalokong saad niya sa isipan habang malayang iniinom ang kape. May tiwala siyang papatulugin siya nitong kapeng iniinom niya. “Sagutin mo kasi ang tanong ko. May jowa na ba si Gheron?” “Bakit hindi ang taong ‘yon ang tanungin mo?” “Eh, ikaw kasi ang magaling kumilatis, eh.” “Wala siyang jowa pero maraming kinamang babae at magiging isa ka roon ‘pag nagpakatanga ka d’yan.” Woah! Napaunat siya at naibuga ang iniinom na kape. Wala siyang balak galawin ang kaibigan nitong si Judith. Pag-rerelax ang pinunta niya sa Hokkaido Japan, hindi pambabae. Wala sa isip niya ang gano’n— sa ngayon. Napangisi siya. Kakaiba ka, kakaiba ka Marie sa mga babaeng nakilala ko. Natawa siya nang maalala ‘yong nagbugbugan pa sila ni Magnar dahil lang sa babae. Kumuha siya ng isang cookies at kinain ito ng buo. “Kung sakali ba na manligaw sa ‘yo si Gheron, Maria sasagutin mo ba?” Naghintay siya ng sagot. Natigil ang pagnguya niya. Dapat niyang malaman ang sagot ng dalaga. “Hindi ako pumapatol ng kapwa magsasaka, Judith. Mahalaga sa ‘kin ang pera at hindi ko kailangan ng mga gano’n tipong tao. Magsasaka. Maghihirap kami pareho.” “Ang sama mo talaga, eh ‘no?” “Nagpakatotoo lang ako, Judith. Matulog na ako.” At naging itim na ang buong screen. Hinuha ni Gallagher, nasa ilalim na ng unan ng dalaga ang phone nito. Mabilis niyang pinatay ang laptop at napatitig ng matagal sa screen. Ilang sandali pa ay natawa siya nang malakas. Hindi niya akalain gano’n ang tingin ni Marie sa kaniya. Isang hamak na magsasaka na tingin nito ay isang malaking hadlang. Oh goodness heaven! Hindi ibig sabihin na gusto niya ito, gusto niya na agad makasama habang-buhay ang babae at bubuo sila agad ng pamilya. Sa uri ng kaniyang trabaho at sa edad niyang 33, wala pa siyang isang sineryuso. Wala rin balak na seseryusuhin. Mahalaga sa kaniya ang pagiging myembro ng Dark X at isa sa Constellation. Mayaman ang pamilyang kaniyang pinagmulan. Isa rin siyang Chef ng Silver Garden. Isang 5-star dining Restaurant na ang pinakababang presyo na nakalagay sa menu ay 315 USD. Pagmamay-ari niya ito at marami itong branches sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ngayon, nagpaplano siyang magbukas ng panibagong branches dito sa Hokkaido Japan. Maraming tao ang nagtatrabaho sa kaniya at wala ni isang nakakakilala na siya ang may ari ng Silver Garden. Pakilala niya sa mga tauhan niya, isa siyang simpleng part timer na paminsan-minsan lang pumasok. Let see, Marie. Let see... Isa lang akong hamak na magsasaka. Hmm… Ilang sandali pa ay tumunog ang kaniyang hologram watch at lumabas do’n si Magnar. Oh f**k! Mabuti at nasa kaniyang pribadong silid siya. “We have an urgent meeting.” “What” “Yx needs you.” “I’m f*****g having fun, man. Nanahimik buhay ko rito sa Hokkaido. Spare me for once.” Agad itong sumenyas ng dirty sign na tinawanan niya. “Meeting. Dark X quarter. 8 A.M sharp. See you in hell.” What? f**k! Napamura siya ng malakas nang mawala ang kausap. Napatingin siya sa oras at naiiling. Inabot niya ang cookies at kinain iyon bago nagpasyang umuwi pabalik ng Pinas. Urgent meeting at kailangan nando’n siya kung ayaw niyang maging tatlong araw na lamang ang kaniyang bakasyon. “Mr. Yakoto, I need to go back in Philippines now.” Saka niya pinatay ang phone. Agad siyang nagsuot ng pantalon at kinuha ang coat. Passport, pitaka at tanging phone lang niya ang kaniyang dala saka siya lumabas ng pribadong silid na iyon. Sa labas, naghihintay na ang kaniyang mamahaling sasakyan at nasa driver seat si Mr. Yakoto, nakapambahay at halatang matutulog na ito. “Good evening, Mr. Yakoto.” “Good evening, Mr. Winfrith. Here's the key.” “Thank you.” Tumango siya nang makuha niya ang susi. Walang nakakaalam sa tunay niyang pangalan at Gheron Winfrith ang isa sa mga pangalan na kaniyang ginagamit. “Have a safe trip, Sir.” Hindi na siya sumagot. Deretso na siyang pumasok sa loob ng sasakyan at binaybay ang daan papuntang airport.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD