Deretso siyang nagtungo sa isla kung saan ang pribadong quarter ng Dark X. Pagmamay-ari ito ni Yx at hindi hamak ang kayamanan meron ang lalaki. Secured ang buong isla at lahat ng mga nakikitang gamit at nakatayo sa isla na iyon ay high tech. Walang basta-bastang makakapasok na kahit sino.
“Hey?” Kunot ang noong napatingin sa kaniya si Maccabi. “You’re here?”
Napakunot naman siya ng noo. Naabutan niya itong nakahiga sa isang hammock at nagbabasa ng isang libro. Tumigil ito saglit at tiningnan siya na parang gulat na gulat sa kaniyang presinsya.
“Am I not allowed to step my ass here?” Asik niya kay Maccabi na pa-chill lang sa duyan.
Umiling naman ito at nagkibit ng balikat. “I’m busy reading this. Sorry, who you again?”
Tiningnan niya ng masama si Maccabi at dumeretso na sa loob ng opisina ni Yx. Maaga pa naman pero mag-rereport na siya sa lalaki at baka makatikim siya ng masakit na sipa nito. Mapanakit si Yx pero minsan lang at mapanakit lang pagdating sa kanilang apat na nagmamahal dito. Nandiri siya bigla.
“Taurus!” Nakangising mukha ni Magnar ang sumalubong sa kaniya sa hallway. Ang lawak ng ngisi nito na parang nanalo sa lotto at nakakama ng isangdaan babae sa isang gabi lang.
“Don’t call me that.”
Nagkibit naman ito ng balikat pero hindi pa rin nawawala ang ngising binigay sa kaniya. “My donut, where is it? Huh, where? Where?” Masiglang saad nito at umikot sa kaniya para tingnan kung may dala siyang box ng donut.
“Wala akong dala. Wala kang sinabi.”
“f**k it! Really?! We’re bestfriend and— damn you Gallagher!” Tiningnan siya nito ng masama at mabilis na iniwan sa hallway.
Napangisi na lamang siya sa inasal ng kaibigan. Nakalimutan niyang gusto pala nito ng donut. But f**k! Wala siyang pakialam. Kung gusto ni Magnar, pwede itong umalis ng isla at bumili. Salit niyang sinulyapan ang oras ng kaniyang writswatch. Madaling araw pa pero sa islang ito, parang umaga. Halos hindi natutulog ang mga tao.
Agad niyang tinungo ang opisina ni Yx kung saan ito nagbabasa ng mga dokumento sa mga oras na ito. Hiling niya na sana ay nagtitimpla ito ng kape at kailangan na kailangan niya ng kape.
“Yx!” bungad niya sa lalaki.
Tamang-tama ang kaniyang dating dahil nagtitimpla ito ng kape. Pangatlong kape nito kung hindi siya nagkakamali sa kaniyang kalkulasyon.
“I thought you wanted a whole damn month?” anas nito nang makita siya.
Hindi na ito nagulat at tulad ng kaniyang inaasahan, dalawang kape ang pinagtitimplahan ni Yx. Nakita na nito ang kaniyang pagdating mula sa mga CCTV’s na nakakabit sa bawat panig ng isla. Ang tanging walang CCTV sa islang ito ay ang mga banyo at mga silid nila.
“My coffee!” Ang lawak ng kaniyang ngiti nang iabot ni Yx sa kaniya ang mug na may brewed coffee at umuusok pa ito. Amoy pa lang ng kape, natatakam na siyang inumin ito kahit mainit pa. “Magnar called me,” saad niya matapos lasapin ang kapeng tinimpla ni Yx. “Ang sarap.” Umupo siya sa sofang nando’n.
Nagkibit naman ng balikat si Yx at tinungo ang upuan nito. Hindi lang ito basta isang upuan, kundi isang improvised chair na pwedeng gamitin sasakyan.
“I’m serious, why are you here when you told me you want a f*****g damn whole month?” Marahan nitong ininom ang kape at hinarap ang mga dokumento na nasa table nito.
Natigil naman si Gallagher at napatingin kay Yx. Nagbibiro si Yx, right? “Magnar told me.”
Napailing-iling naman ito at natawa. “I see, Magnar told you that we have a meeting.”
“Yeah.” Muli niyang ninamnam ang lasa ng kape.
“Then I’m afraid to say this, hindi totoong nagpatawag ako ng meeting.”
“That motherfucker!” Tigalgal siyang napatingin kay Yx. Seryuso itong nakatingin sa kaniya at huli niya ng maisip na naisahan siya ng kaibigan. “Cursed that bastard!”
“Gallagher—”
Nauna na siyang lumabas at tinakbo ang pasilyo habang bitbit ang tasa at iniinom ito. Kaya pala ang lawak ng ngiti ni Magnar nang salubungin siya nito at chill na chill sa kaniyang presinsya dahil may kasalanan pala ito sa kaniya.
“I’ll kill you man.” Sandali siyang huminto at uminom ng kape. “f**k this coffee is so f*****g good! I have this kind of feeling na balatan ang kaibigan ko at itali sa kahoy.” Napangisi siya.
“Hey man!” Si Tiverius.
“Coffee?” Alok niya saglit kay Tiverius pero umayaw ito at pinakita sa kaniya ang iniinom nitong dark chocolate.
“If you are looking for Magnar, here’s the tip. That bastard is with Maccabbi and laughing their ass out.”
Nanggigil siya sa narinig at gusto niyang manakal ng kaibigan ngayon din. Sandali niya munang inubos ang kapeng iniinom at mabilis na tinakbo ang duyan kung saan si Magnar. Lulumpuhin niya ang kaibigan.
“Yo here!” Binato siya ng boxing gloves ni Magnar nang makita siya nito. “If you wanna beat the hell out of me, then wear those gloves Gallagher. Dito tayo magpatayan.” Nakangising saad nito at may suot ng boxing gloves sa kamay. Wala na itong suot pang-itaas at may towel ito sa balikat. “Fight me!”
“Win-win!” Malakas na sigaw ni Maccabbi at may dala na itong whiteboard at marker. Sa whiteboard, nakaguhit doon sila ni Magnar. Stick na may ulo at may gloves na suot sa kamay ang drawing nito sa board. May mga pangalan pa nila ito ni Magnar.
“You f**k!” Galit na naghubad siya ng damit pang-itaas at sinunod ang pantalon. Tanging boxer na may guhit na cookies sa gitna ang iniwan niya na pinagtawanan ng dalawang kumag niyang kaibigan.
“Damn man, cookies? Hanggang sa boxer, addict ka sa cookies?” kantiyaw ni Maccabbi.
“Shut up!” asik niya sa kaibigan.
“Gallagher on his little cookie-cookies.” Sabay na nagtawanan ang mga ito.
“Let see who will cry after this like a baby.”
Ngumisi naman ang dalawa at nagsenyas ng okay. Lumapit sa kaniya si Maccabbi at ito ang nagtali ng gloves sa kaniyang kamay. Matapos nitong itali ang gloves, kinuha nito ang takip ng dalawang rice cooker na nilagay nito sa buhangin at ginawang symbals.
“Round 1. Fight!”
“Ouch dude! Ang sakit sa teynga,” reklamo ni Magnar.
“Relax man, walang-wala ito sa mga balang sinalo m—”
Hindi na naituloy ni Maccabbi ang sasabihin nang bigla niyang undayan ng suntok si Magnar sa mukha.
“Ouch!” Si Maccabbi na umarteng ito ang nasaktan sa ginawa niyang pag-atake.
“f**k you! Pinauwi mo lang ako para sa donut mong puta ka?!” Asik niya sa kaibigan at binigyan ito ng panibagong suntok.
“Ouch! Damn s**t. Fight back Magnar!” sigaw ni Maccabi na tumatawa habang naglilista ng punching score sa board.
Habang tumatawa lang ang kaniyang kaibigan baliw. “f**k Gal, I just missed you.” Pagkasabi nito sa salitang iyon, inundayan siya nito ng isang suntok sa tagiliran.
“Ouch! That’s f*****g hurt like hell, dude!” muling sigaw ni Maccabbi.
“Fight back, Gal!” nakangising saad ni Magnar.
Ngumisi naman siya at mabilis din itong inundayan ng suntok sa mukha. Magpapatayan sila nito!
“Ouch! Come on dude, fight back!” malakas na sigaw ni Tiverius kay Magnar.
Napatingin siya kay Tiverius na ngayon ay dala-dala pa rin ang dark chocolate nitong tinimpla. Dalawa na ang nanonood sa kanila at mas maganda iyon para kung magpatayan sila ng tuluyan ni Magnar, kaniya-kaniyang libing na lang ang mga ‘to sa kanila.
Para silang batang nagsuntukan ni Magnar sa buhanginan, madaling araw pa lang at para silang mga tangang nagtatagisan kung sino ang malakas at matapang. Habang ang dalawang kaibigan nila ay kaniya-kaniyang pustahan at pinagkikitaan sila. Sa bawat suntok na matatamo nila, nagpupustahan ang mga ito ng limang piso.
“Tangina! Tatlong tama kay Gallagher. Kinse pesos, Tiverius. Bigay mo na agad.”
“Utangin ko muna, pre. Nasa alkansya ko kasi.”
“Gagawin kong alkansya ‘yang katawan mo ‘pag ‘di ka agad nagbayad sa ‘kin.”
“Tangina mo talaga.” Agad naglabas ng kinse si Tiverius at binigay ito kay Maccabbi na ang lawak ng ngiti habang tuwang-tuwa sa kanila na nagpapatayan.
“Kung dinalhan mo sana ako ng donut, masaya sana ang pambungad ko sa ‘yo, Gal!” At sinisi pa siya ng kaibigan niyang baliw na addict sa donut.
“Alam mo ba na may trabaho ako? Pinauwi mo lang ako sa walang kwenta mong donut? Ang dami-dami mong pera, hindi ka makabili? Nasanay kang binibilhan ko, ah. Ang tipid mo masyado sa pera!”
“Pero iba ang donut na galing sa pera ng iba.”’
Bigla siyang natigilan sa sinabi ng kaibigan at hindi mapigilan matawa. Kaya siguro magkaibigan silang apat dahil iisa ang galaw ng utak nila.
“Who’s the winner?”
Sabay silang napalingon ni Magnar sa iisang deriksyon. Nakita nilang nakatayo si Yx at nakapamulsa.
“I guess I am.” Ngumisi siya at nagtaas ng kamay.
“It’s me!” Si Magnar na mabilis siyang binigyan ng sapak.
“You cheap bastard!” inis na pakli niya sa kaibigan. Akmang gaganti siya rito nang pigilan na sila ni Yx.
“It’s too early to kill a friend,” saad ni Yx, “Now that you are here, Gal, sumunod ka sa ‘kin sa office. I’ll offer you something dark cookies that you might like.”
Napangisi siya sa sinabi ni Yx. Binelatan niya ang kaibigan at mabilis na sumunod kay Yx na tanging naka-boxer lang.
“Hey Yx! What about me then? Wala ba akong something dark donuts d’yan?”
Nagtawanan naman si Macabbi at Tiverius sa sinabi ni Magnar na parang batang ‘di inayaya sa kainan ng birthday.
“Something black eye raw, Magnar.” Kangising bwelta ni Maccabbi.
“Shut up! Hindi na kita papahiramin ng libro ko.”
“Puta! Sinong umaway sa ‘yo, ha, Magnar? Ito ba’ng si Tiverius?” Hinarap naman ni Maccabi ang kaibigang si Tiverius at akmang sasapakin ito. “Bakit mo inaway ang kaibigan ko? Puta, pinapahiram ako ‘yan ng mga libro ni Vraiellajj! Umayos-ayos ka, Tiverius.”
“Ganiyan, dapat maging ganiyan ka sa ‘kin.” Ngumisi naman agad si Magnar.
“Vraiellajj, sino ‘yon?” inosenteng tanong agad ni Tiverius na hindi alam ang pinagsasabi ni Maccabi.
“Author ng Dominant Series. ‘Wag ka na magtanong! Dami pa tanong, eh.”
“You’re f*****g weird, asshole. May utang ka pa sa ‘kin limang piso, remember that.” Saka ito tinalikuran ni Tiverius na bitbit pa rin ang mug. “Iabot mo sa ‘kin ang limang piso pagpasok mo ng silid mo.”
“What?! Ikaw ‘yong may utang na lima, ah.”
“Pero ako ang naunang naningil.”
Natawa na lamang si Magnar nang magsimulang magsingilan ang dalawa. Tumalikod na rin ito matapos punasan ang dugong kumawala sa labi nito. Natalo ito ngayon ni Gallagher at tanggap ito ni Magnar.
“I NEED you to look this man in Japan.” May binigay si Yx sa kaniyang isang brown envelope. Sa gilid ng table nito ito umupo at matamang nakatingin sa kaniya.
“I thought I’m on leave?” Tanong niya nang maabot iyon at hindi nag-abalang tingnan kung sino ang taong pinapahanap nito sa kaniya.
“Yes, you are.” Ngumisi ito at alam na ni Gallagher ang ibig sabihin ng ngiti ni Yx. “Pero umuwi ka rito.”
Napamura siya ng wala sa oras. Ito na nga ang sinasabi niyang ibabato sa kaniya ni Yx. Gagamitin ni Yx ang linyahan niyang laging binabato niya minsan kay Magnar kapag nagsasagutan silang magkaibigan.
“One thing, kapag nahanap mo na ang taong iyan. Call me immediately.”
“Ano pa ba ang magagawa ko? Alangan naman na itago ko siya sa ‘yo.”
Natawa naman si Yx sa naging sagot niya. Umupo ito sa high tech nitong upuan at tumitig sa kawalan.
Napabuntong-hinga naman siya at umupo sa couch. Alam niya kung sino ang nasa isip ni Yx, si Odessa ito. Ang babaeng nagpatibok sa malamig nitong puso pero nagkaroon ng lamat ang pagmamahalan ng mga ito. Kung may magagawa lamang siya sa lalaki, ginagawa niya na. Pero alam niyang kaya itong lusutan ni Yx, lahat dito may formula at solution sa lahat bawat bagay.
“I need to go. May trabaho pang naghihintay sa ‘kin sa Hokkaido.”
“Tigil-tigilan mo na minsan ang pagpapanggap mo.”
“It’s part of our job.” Nagkibit siya ng balikat. Plano niyang buksan ang envelope ‘pag nasa plane na siya. Para lang siyang umuwi ng Pinas para makipagsuntukan kay Magnar. That bastard!
“I know what you are doing in Hokkaido.”
“Damn, Yx!”
Nagkibit lang ng balikat si Yx at hinarap ang table nitong ando’n ang hologram screen. “But I trust you. Sa inyong apat, ikaw ang mas responsable. Sa ngayon, hahayaan kita. But next time, I won’t let you. Warning palang ito.”
Mabilis siyang tumango at nagpaalam sa leader ng Dark X. Sa byahe na siya matutulog. Kumaway-kaway pa ang tatlong kaibigan niya nang sumakay siya sa kaniyang sariling chopper habang isang malutong na dirty sign ang binigay niya sa mga ito lalo na kay Magnar.
Nagpadala na rin siya ng mensahe kay Mr. Yakoto na babalik siya ngayon araw mismo at nagpahanda ng damit pang-magsasaka pagdating niya ng airport. Ayaw niyang paghinalaan siya ng iba niyang kasamahan sa Farm sa kaniyang suot.
Tiningnan niya ang hawak na envelope. Great! On leave siya habang may assignment na pinapagawa sa kaniya si Yx. Binuksan niya ito at binasa.
Joseph Sacario known as Fidel Ramos.
Height: 176 cm.
Weight: 166 pounds.
Age: 32
Eyes: Dark brown.
Hair: Black
Natigilan si Gallagher nang mabasa niya ang nasa unahang page na binigay sa kaniya ni Yx. Ang dali lang ng pinagaw nito sa kaniya. Nasa iisang farm lang sila ni Fidel at kasama niya sa iisang silid. Para lang siyang binigyan ng isang kendi ni Yx sa pinapagawa nito. Isang minuto lang tapos niya agad.
Nagkibit siya ng balikat at hindi na binasa ang tatlong pahina ng papel. Binalik niya ang mga ito sa envelope at pinikit ang mata. Parang gusto niyang maging magsasaka na lang ngayon taon. Natawa siya at napailing-iling.