Run Vina Run

3272 Words
3rd Blood: Run Vina Run NANATILI sila ni Shie sa hotel sa Zone Four ng Alexandria kung nasaan ang Black Blood Academy. Doon nila kikitain si  Becka  ayon sa instruction ni Alex. Sa hotel sila natulog. Nang mag-umaga’y namili sila ni Shie ng ilang mga kagamitan at mga damit. Palibhasa kasi’y mayaman si Shie kaya’t ayos lang itong gumastos para sa kung ano-anong hindi naman talaga nila kailangan.             Nasa loob sila ng rental car at pabalik na sana sa hotel nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Vina instantly felt like her stomach would turn upside down kaya’t iniwas niya ang tingin sa bintana at tumungo na lamang saka pumikit. Too bad she could still hear the rain on the car’s roof.             Ugh. What a great way to ruin my mood.             “Vina, okay ka lang?” untag ni Shie mayamaya nang mapansin nitong bigla siyang tumahimik.             Tila may bumikig sa lalamunan ni Vina kaya’t kinailangan pa niyang tumikhim bago makapagsalita. “Simply nauseous is all.”             “Ah.” Ani Shie na tila biglang nakaunawa. “November rain?”             Ngumiti na lamang si Vina at hindi na umimik pa.             Tanghalian na nang dumating sila sa Hotel. Hindi pa rin tumitila ang ulan kaya’t lalo siyang nawi-windang. Lahat naman na siguro ng taong nakakakilala sa kanya eh alam na ayaw niya sa ulan. Kung tao lang ang ulan matagal na niyang pinatay ‘yan at sinakal.             And she didn’t even know why.             “Kung nakakamatay lang ang tingin, durog na ‘yang sahig na ‘yan sa kakatitig mo d’yan,” puna na namang muli ni Shie sa kanya.             She rolled her eyes inwardly. Ang kulit nitong babaeng ito!             “Eh pasensya ka, hindi nakakamatay ang tingin eh. Kamao ko, nakakamatay. Gusto mo subukan ko sa ‘yo?”             “Inaano kita?”             “Ang daldal mo, manahimik ka r’yan.”               Nailing-iling si Shie. “Usually, ‘yan ang linya ko.”             Nangisi siya sa tinuran ng kaibigan. “Eh sorry ka, naunahan kita.”             “Ewan ko sa ‘yo, Vina. Pasalamat ka’t kino-consider ko ‘yang weird na hatred mo para sa ulan kundi kanina pa kita pinikon d’yan. Kung bakit kasi hindi mo i-try na maligo sa ulan? Malay mo, mag-enjoy ka. Mabawasan ‘yang aversion mo sa ulan.”             Ngumiwi siya bilang tugon. “I highly doubt that.”             “Hay naku, bahala ka na nga sa buhay mo.”             Sa hotel sila nananghalian. Para palipasin ang oras ay ginawa siyang barbie doll ni Shie at kung ano-ano ang ipinasuot nitong mga damit mula roon sa binili nila kaninang umaga. Hindi pa nakuntento’t nilagyan pa siya ng samu’t-saring kolorete sa mukha. Balak yata siyang pagmukhaing clown nitong si Shie.             Buti na lang talaga hindi kita kapatid dahil kung kapatid lang kita, matagal na kitang binaon sa lupa! Ngitngit niya sa isipan na hindi naman niya tuluyang maisatinig dahil pakiramdam niya’y naubos ang lakas niya sa dinaramdam kanina.             Pinatila nila ang ulan. Nang tuluyan iyong huminto ay saka lamang sila bumaba ng hotel room at sumakay sa kanilang rental car para magtungo sa Black Blood Academy. Dahil nga wala siyang sapat na lakas ay hinayaan niyang si Shie ang magmaneho.             Unti-unti namang nawawala ang dinaramdam niya habang papalapit sila sa matayog na eskwelahan. Ganoon naman kasi talaga iyon. Kapag nawala na ang ulan, para siyang spring na magba-bounce back ulit ang energy. Ang weird nga pala talaga…             Thirty minutes ang lumipas bago nila sapitin ang Academy. Sumalubong sa kanila ang pagkatayog-tayog na gate niyon na halos magpatulo sa laway ni Shie dahil sa pagkamangha.             “Kailangan mo ba ng basong pansalo?” pambubuska niya kay Shie na agad-agad isinarado ang bibig.             “Tse! Ang tangkad naman kasi! Grabe, ang laki pala talaga nitong school sa personal. Parang palasyo.”             Natawa si Vina. Hinila niya si Shie para makalapit sa gate at makapagtanong. May naka-uniform doon na lalaki—black polo shirt and a red blazer. May logo ang polo shirt nito ng pakpak na kinulayan ang kalahati ng pula at ang kalahati ay itim. Pagkatapos ay may arm patch ito sa kaliwa na puti na may pareho ring logo pero nakalagay ang pangalan ng eskwelahan. Black Blood Academy.             “Excuse me? Kuya, pwedeng magtanong? May imi-meet kasi ako na estudyante r’yan, pwede ba kaming pumasok?”             Tumingin ang lalaki sa kanya. Hinagod siya nito ng tingin mula pababa hanggang itaas. “Uhm… estudyante ba kayo rito, Miss?”             “Well… no. Pero may kilala akong nag-aaral d’yan.”             “Is she a black blood or a red blood?”             May ilang segundo bago nakasagot si Vina sa takot na baka bigla siyang tanungin ni Shie kung anong ibig sabihin niyon. “B-Black blood.”             Nakikita niya sa kanyang peripheral vision ang pagtataka ni Shie. Maybe she’s wondering kung anong ipinagkaiba ng black blood sa red blood. Ano kayang palusot ang maaari niyang sabihin?             “Well uhm… siguro bumalik na lang kayo sa susunod. May konting aberya kasi sa mga black bloods, hindi kami nagpapapasok ng mga taga-labas sa hallway ng black. Pasensya na talaga. Sumusunod lang ako sa utos.”             Nakakaunawa siyang tumango at ngumiti. “Sige, salamat. Pasensya na sa abala.”             Ngumiti rin ito ngunit medyo alangan. Para bang may kalakip na takot iyon. O talagang matindi lang ang imagination niya ngayong araw?             “Pa’no ‘yan?” tanong ni Shie habang naglalakad-lakad sila. Iniwan kasi nila ang rental sa may parke na katapat lang ng Black Blood Academy. Naupo muna sila sa bench na naroon habang siya’y nag-iisip ng gagawin. “Anong balak mo?”             “Tatawagan ko muna si Alex. Baka si Becka na ang pumunta sa akin.”             “Okay then.”             Dumaan ang munting katahimikan. Alam niyang may iniisip si Shie habang patuloy itong nakatitig sa Academy. Nakumpirma iyon ni Vina nang bigla siyang lingunin nito’t tanungin.             “Do you know what they say?” Bahagyang naningkit ang mga mata niya. It seemed very important at that particular moment for Vina not to give something away in her expression. “No, what about?”             “Why they called the school Black Blood Academy.”             Ano namang malay niya roon? Baka kasi itim ang dugo ng may-ari no’ng school. O kaya naman trip-trip lang. Makapanakot lang. O ‘di naman kaya’y napulot nila sa google. “Malay mo naman, otaku ‘yong may-ari.”             Naningkit ang mata ni Shie at napangiwi sa kanyang sagot. “Napaka-creative ng imagination mo, noh?”             Mapang-asar siyang ngumisi. “S’yempre naman. Matalino ako, eh. Gano’n talaga.”             “Seryoso nga kasi.”             “Oh ano nga kasi? Bakit daw ba?”             “Sabi nila hindi raw kasi kulay pula ang dugo ng mga extra-ordinary. Itim. Itim raw ang dugo nila at hindi pula.”             Umarko ang kanyang kilay. “So?”             “So why would they call an academy a Black Blood kung hindi mga beasts ang nand’yan?”             Tinawanan niya ng malakas si Shie. Who believes in beasts anyway? Yeah, human beasts. Iyong tipo ng mga tao na pumapatay o kaya eh iyong mga manyak. Iyong mga taong sinisisi ang biktima ng r**e kaysa iyong mga nang-r**e. Iyong mga taong binabato ng pula iyong mga suicidal at may clinical depression. Iyong mga taong walang puso.             That’s beasts are. That’s beasts are to her.             Well… sana lang nagtunog convincing siya sa sinabi niya.             Plock. Plock. Plock.             Napatingala siya nang maramdaman sa kanyang hita ang unang patak ng pamilyar na likidong iyon. Nagdidilim na ang langit. Parang slow motion na nahuhulog mula sa kalangitan ang mga patak ng ulan.             “Dammit! It’s raining again, Vina! We have to get into the car!”             Tumayo agad siya para sundan si Shie. Ngunit sa gulat niya’y may biglang humatak sa kanyang braso. Hindi iyon kalakasan ngunit sapat upang mapahinto siya.             “Miss?”             Nilingon niya ang pinanggalingan ng baritonong tinig na iyon. It made her wonder for a bit. Sa sandaling dumaiti ang dulo ng daliri nito sa kanyang balat ay parang na-ground siya ng mga maliliit na beryson ng kuryente ngunit imbis na masaktan ay nakiliti pa siya’t tila may mga nabuhay na paru-paro sa kanyang sikmura.             “Miss.”             Napalunok si Vina. Nababasa na siya ng paunti-unti ng ulan. Hawak pa rin ng lalaki ang kanyang braso. And his eyes were altering from dark to gold.             Holy s**t. Noooo…             “Rain! Hoy! Rain!”             Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya magawang mag-iwas ng tingin para tignan kung sino iyong hinayupak na nagtatawag sa ulan. She was too occupied with her scattered thoughts that a hysterical laugh was bubbling up inside her.             “Rain! What the hell are you doing? You’ll run in the middle of the heavy rain just because you simply want to grab a girl?”             “I didn’t grab her.”             Nanghina ang tuhod ni Vina nang marinig ang tinig ng lalaki. Pakiramdam niya’y natunaw siya sa boses nito. Ang gwapo na ng mukha, gwapo rin ang boses. Who the hell is this man anyway?             “Gusto mo i-rephrase ko? Ah. You’ll run in the middle of the heavy rain just because you simply want to harass a girl?”             “Shut up, stop being annoying, Spade.”             Sa gilid ng mga mata niya’y nakita niyang parang umikot ang mga mata ng isa pang lalaki. Noon niya napagdesisyunang magsalita. Ngunit dahil parang may nakabikig sa lalamunan niya’y tumikhim na muna siya. An awkward silence ensued after that.              “Ano… May… I help you, Mister?”             “What’s your name?”             “Eh?” tumaas ang kilay niya, hindi alam kung sasagot siya o hahayaan niya lang. Or better yet, tatakbo na lang…             “What’s your name?” ulit nito sa tanong.             “Vina. Vina Ray Castalia.” In the end, naunahan siya ng kanyang dila sa pagdedesisyon. Diyos ko! Paano na lang kaya kung ipa-salvage siya ng lalaking ito? O ipakulam? Paano na ang beauty niya kapag nagkataon?             Ang tanga-tanga mo talaga, Vina!             Kumalas siya sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Ngunit ilang dipa pa lamang ang nailalayo niya rito’y nakarinig na siya ng angil na siguradong siya hindi maaaring manggaling sa isang tao.             “Mine!”             What the…             Nanigas sa kinatatayuan si Vina at nanlalaki ang mga matang pinakatitigan ang lalaki. Maski ang kaibigan nito’y malinaw na nabigla rin sa biglang inasal nito.             “Hala. Rain, okay ka lang? Nababaliw ka na ba?”             Alam na ni Vina na hindi na maganda ang nangyayari. Kaya’t bago pa man lumala ang sitwasyon ay pinasya na niyang umalis. “Pasensya na, I have to go.”             Tumalikod na agad siya at naglakad ng mabilis palayo roon. Kinabahan siya nang hindi makita si Shie. Iniwanan na niya yata siya nito! Maski ang sasakyang dala nila ay hindi niya makita.             “Rain! Hoy! Sa’n ka pupunta?”             Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang tinig na iyon ‘di kalayuan sa kanyang likuran. Napagtanto niyang sinusundan siya ng lalaki. And that is not good at all!             Yari ka na, Vina! Yari ka talaga kapag nagkataon! Kaya ready… set… RUN!             Mabilis siyang kumaripas ng takbo. Narinig niya ang malutong na pagmura ng lalaki sa likuran niya na malamang ay nagulat nang bigla siyang nagtatatakbo.             Hindi na alam ni Vina kung saan siya pumupunta. Basta’t tumatakbo lamang siya sa kung saan pwedeng tumakbo. Naririnig niya ang sunod-sunod na yabag ng lalaking humahabol ko sa kanya.             OMG, Gwapong nilalang! Naman eh! H’wag mo na akong habulin! Mapapagod ako!             Pansin ni Vina ang pag-aagaw ng dilim at liwanag. Maghahapon na kasi. Nangangamba rin siyang baka kapag nagdilim ay lalo siyang manganib. She really didn’t like what’s happening.             At sa kasamaang palad, dahil sa katitingala niya’y nadulas siya sa slope na hindi niya akalaing mayroon doon at tumambling-tambling pababa. It took a lot from Vina para hindi sumigaw at tumili habang nagsi-circus siya mag-isa.             Right. Where the hell is she?             “Vina!” Napapitlag siya nang marinig ang boses na iyon. May parte sa kanyang tumibok dahil sa gwapo ng tinig nito. Pero h’wag niya sana akong matagpuan! “Vina! Where are you? You can’t stay in there, it’s dangerous!”             Luh! H’wag mo akong takutin, grabe ka naman!             Nagpalinga-linga si Vina, pilit na sinusubukang makakita sa dilim. And when she did, muntik siyang mapamura. Nasa gubat siya. And for everything that is holy, hindi niya malaman kung bakit may gubat sa lokasyon ng Black Blood Academy. Tapos isa pang walang kwenta itong iPhone niya. Nabasa lang ng ulan hindi na gumana.             “Fuck.”             Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na tinutop ang kanyang bibig. Kahit bulong lang iyon, maririnig iyon ng lalaki kung totoong taong-lobo ito. Napapikit si Vina habang nagdadasal sa lahat ng santo.             Utang na loob h’wag n’yo pong hahayaang matagpuan niya ako.             Unti-unti niyang idinilat ang isang mata. Naaaninag niya ang isang bulto sa ‘di kalayuan kaya’t agad niyang ipinikit iyon. Sumunod niyang ibinukas ang kabilang mata. Wala naman. Guni-guni niya lang ba iyon?             “I will not hurt you. Please come with me.”             Iminulat niya ang kanyang mga mata. At muntik na siyang matumba nang makita sa harapan niya ang lalaki at halos wala nang isang pulgada ang pagitan ng kanilang mga mukha. Nakasalamoak siya sa lupa habang ang tuhod ng lalaki’y nakaluhod din para lumebel sa kanya. They were not touching but his breath close to Vina was enough to sent tingles through her body. Napamura siya sa isipan. What the heck is going on?             “Vina. Breathe. You stopped breathing.”               Lumunok si Vina ng bongga saka pinakawalan ang pinipigilan niyang paghinga. Ni hindi niya namalayang pinipigilan niya pala iyon kung hindi lamang sinabi nito!             Nilagay ng lalaki ang isa nitong kamay sa may baywang ni Vina sa likuran. Ang kaliwa ay isinuporta nito sa kanyang bato sabay hila nito sa kanya pataas. Dahil naka-tank top siya ay ramdam niya ang katawan at init nito sa exposed niyang balat. Muli’y napamura siya sa isipan. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa kanya?             Iginiya siya ng lalaki paakyat sa slope na iyon. Ilalabas yata siya nito sa gubat na iyon. He seemed to know his way around here.             “Giniginaw ka?” untag ng lalaki mayamaya nang marahil ay maramdaman ang pagtataasan ng kanyang mga balahibo.             “Hindi, naiinitan.” Sarkastiko niyang sagot.             Hindi nagsalita ang lalaki. Mayamaya lang eh may naramdaman siyang tela na bumalot sa kanyang balikat. Ibinigay nito ang uniporme na pula na may tatak ng Black Blood Academy. Taga-Academy ang lalaki.             Kailangan niyang tumakas. It’s stupid but she needs to run.             So she sprinted. Wala nang lingon-lingon. Mamatay na siya kung mamatay h’wag lang— “Aaaaahhhhhh!!!”             Bigla siyang dinamba ng kung anong malaking hayop na iyon. She even saw her body twisted in the air and landed on her back. Pagdilat niya ng mga mata niyang naipikit niya sa takot, she was greeted by a white wolf na ginto ang kulay ng mga mata. s**t.             “H-h’wag po, koya! Pramis wala akong kasalanan, ‘di ko pinatay si Rizal! Kahit itanong mo pa kay Andres, close kami no’n!” she mumbled incoherently na parang nagpalito sa binata.             Umalis ito sa ibabaw niya. Si Vina naman ay agad na naupo. Pagtingin niya sa lobo, anyon tao na ito.             At nakahubad.             “Kung may galit ka sa damit, h’wag mo na lang ipaalam sa akin,” aniya habang tinatakpan ang kanyang mga mata.             Gumagapang siya ng tahimik paalis. Dahil alam niya namang hindi siya nito patatakasin, inaasahan niyang haharangin siya nito. But boy oh boy was she so wrong. Instead, he lifted her over his shoulders na parang sako lang ng bigas. Nagpupumiglas si Vina pero mukhang walang balak ang lalaki na bitawan siya.             At ito pa ang mas lalong nagpawindang sa kanya.             Nakikita niya ang hubad na pwet ng lalaki.             “Ano bang kasalanan ko sa ‘yo? Bitawan mo akoooooo!” sigaw niya habang nagpapapalag-palag “Bitaw! Arf-arf!”             “Hindi mo magugustuhan kapag binitawan kita. Tumahimik ka r’yan.”             “Pambihira ka naman, eh! Sana bago mo man lang ako binuhat nag-damit ka na muna! Mamamatay na nga lang ako magkakasala pa ang mga mata ko! Unfair namang buhay ‘to!”             “It’s free, all yours.”             Umirap siya. “Like I asked for it.”             “Good thing is that you don’t need to ask.”             Nagpupumiglas siyang muli. Tempted si Vina paluin ang seksing likuran ng lalaki kaso h’wag na pala at baka mapagkamalan pa siyang manyak.             Then he came to a halt. His body tensed.             Nagtaka si Vina. “Uh…”             Bigla siya nitong ibinaba. He tugged her to go behind him. Doon niya namataan ang apat na itim na lobo. Hamak na maliit sila kaysa roon sa lobong dumamba sa kanya kanina. And compared to the beauty of the white wolf, they are nothing. Gusgusin ang itsura ng mga iyon. And they’re gritting their teeth at the man in front of Vina.             “Stay back, close your eyes. And don’t run away from me.”             Napatango siya dahil sa kaba. Ni hindi niya nga alam kung nakita nito o hindi, eh.             Ngunit hindi niya maipikit ang mga mata niya. She saw him when he shifted back into the white wolf earlier and attacked the four wolves. Nakaramdam si Vina ng takot. Strange enough, she knew that the fear was for him. The fear of him being hurt. Then one word gave her a massive jolt that she felt down to her bones.             Mate.             Nanlaki ang kanyang mga mata at natutop niya ang kanyang dibdib. For God’s sake, I am a human and not a werewolf! Paano ako magkakaroon ng mate? Naaaning na ba ako?             From that moment on, naging solido ang kanyang pasya. She knew she isn’t ready for this kahit pa… kahit pa may isang parte sa kanya na gustong manatili roon at tignan ang susunod na mangyayari. Hindi lang kasi talaga pwede. Hindi pwede.             Huminga si Vina ng malalim. Then she ran away habang nakikipaglaban ang lalaki sa mga iyon. For a moment there parang gusto niyang umiyak. Iniwan niya ang lalaki. Iniwan niya ito sa ganoong ayos at sitwasyon. God…             And she felt the guilt all the more when she heard an ear-piercing howl from the forest. Naka-get over lang siya roon ng kaunti nang makita niya si Shie na may pag-aalala sa mukha na nakasandal sa rental car.             “Shie!”             “Holy cow! Vina! Sa’n ka nagpupupunta?”             Sumakay siya sa kotse. Pinaharurot kaagad ng kanyang kaibigan iyon na parang nararamdaman nito ang kanyang pagmamadali at matinding tensyon.             Vina sighed heavily. “I pretended to be red riding hood. Hayun, hinabol ako ng wolf.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD