2nd Blood: Maden Madness
“SHIE? Yuhoooo! Shieeeee! Oy! Pagbubuksan mo ako o susunugin ko itong bahay mo? Mahal pa naman bili ni Alex dito!
Tapos masusunog ka rin! ‘Pag minalas ka, mabubuhay ka kaso tustadong bebot ka na! Buksan mo ‘tooooooooo!”
Pinagpatuloy ni Vina ang pagkatok at pambubulabog sa harap ng pintuan ni Shie, ang kanyang pinakamatalik na kaibigan. Alam niyang naririnig siya ng dalaga, ayaw lamang talaga siyang pagbuksan nito ng pintuan.
Kaninang madaling araw lang siya nakarating ng Maden. Tumigil siya pansamantala ng dalawang araw sa Lake Salt sa isang inn doon. Dahil mabait iyong lalaki na kumakanta ng booba (sa hindi niya malamang kadahilanan) na binigyan siya ng apat na libo, pinagpasyahan niyang mag-enjoy muna doon sa inn.
Kaninang madaling araw ay umalis siya ng Lake Salt para pumunta ng Maden kung saan nakatira si Shie. Shie is human through and through. Hindi gaya niya na kalahating werewolf pero walang werewolf abilities. Sa palagay ni Vina ay namana niya ang lahat ng traits niya sa magulang niyang normal.
But see, that’s the most difficult thing to figure out. Because Vina never knew her parents.
She was basically just thrown into an orphanage sa loob ng teritoryo ng Archers pack na located sa dating Blue Bay, Dahlia na ngayon ay tinatawag na nilang Helena since the ascension of Dreasiana Colony. Wala as in wala kahit na sino ang nakakaalam kung sino at kung anong itsura ng kanyang mga magulang. Minsan nga iniisip niya na baka dyosa lang talaga siyang inihulog mula sa langit, na-reincarnate lang sa baby na binalot ng manila paper at itinambay sa labas ng orphanage ng Dahlia dati. Makes sense?
Probably not.
Paulit-ulit niyang kinalabog ang pintuan ng bahay ni Shie. “Shie! You make bukas-bukas the door because I’m going to make sira-sira this if you won’t make baba-baba to the stairs!”
Hindi niya alam kung paano natitiis ni Shie ng ganoon katagal ang pag-iingay niya sa labas ng pintuan. Well, kung sa bagay, natiis nga nitong maging kaibigan siya sa napakahabang panahon, eh.
Sa pagiging insistent ni Vina at siguro’y dahil naputol na rin ang pisi ng kanyang kaibigan ay bumukas na sa wakas ang pintuan. Bumungad sa kanya si Shie na umuusok na ang ilong sa galit.
“Utang na loob, Vina, hindi mo kailangang dambain ang pintuan ko na parang tinatakot mo siya. Pintuan lang ‘yan maawa ka. Wala ka bang kunsensya?”
Nangisi siya ng hindi sadya. “Nilalambing ko lang naman. Gumigiling nga ako sa kanya kanina para bumukas siya, eh.”
Her friend rolled her eyes at iningusan siya. “Dear Lord, pakikuha na po si Vina. Wala na po siyang silbi sa Earth. Baka sa heaven may matagpuan Kayong silbi niya.”
Kunwa’y ngumuso siya para sakyan ang banat ni Shie. “Oy h’wag kang ganyan. Marami akong silbi sa earth.”
Humalukipkip si Shie at tinaasan siya ng kilay. She couldn’t help but be reminded of that particular diapers commercial. Iyong malditang mahadera na tagatapon ng pera sa nanay?
“Anong ginagawa mo sa tapat ng bahay ko ng umagang-umaga?” nagtataray nitong tanong sa kanya.
“Nakatayo, kumakatok, naghihintay na mapagbuksan ng pintuan?”
“I should be fair and warn you, Vina. I’m very very pissed right now and I swear, konti na lang at malapit na kitang masakal!”
Shie appeared to be really mad. At dahil naman doon kaya’t mas lalo pa siyang natatawa. Nakalimutan niyang hindi nga pala morning person si Shie. Nagising ito marahil ng maaga dahil sa kaingayan niya.
But no problem. She knows how to deal with her friend.
“Chill, babe. Kapag namatay ako paano na lang si Jacob Black?”
Ngumiwi si Shie. “Tantanan mo ‘yang kaka-Jacob Black mo, ha!”
“At bakit naman? Jacob’s like… the most macho werewolf I’ve ever seen my entire life. Well… minus the face of course, I don’t quite like the face. But the body will do.”
“Jacob Black is probably no match with Tyler Woods of The Vampire Diaries. That man’s sexy. And Niklaus too. Have you seen him? Dude, he’s sinful! Yummy, I tell you, but you know—wait…” bigla itong natigilan nang tila may mapagtanto. Saka mayamaya’y nanlaki ang mga mata at hindi na napigilan ni Vina ang paghalakhak. “You trapped me into that conversation, you little brat!”
Hindi matigil sa paghalakhak si Vina. Pagdating talaga sa mga ganoong usapan, madaling bitagin si Shie.
“Man, you should see your face earlier!” tatawa-tawa niyang panunukso kay Shie. “At least you’re more than happy and willing to talk about your TVD guys that are better than my Twilight guys. Now, pwede na ba akong pumasok sa magara mong bahay? Promise, behave ako. May kailangan lang akong sabihin.”
She rolled her eyes again ngunit tumabi rin mula sa pintuan para makapasok si Vina. She jumped in excitement saka niya kinuha ang duffel bag niya sa doormat bago pumasok ng bahay ng kaibigan.
“So what’s your agenda?” tanong ni Shie na sinusundan siya patungo sa kusina. “Are you here because you want to tell me you’re giving up?”
“Wala bang almusal?” tanong niya na hindi pinapansin ang sinabi nito. “Cereal or something?”
“Corn flakes.”
“Koko Crunch.”
“Ugh.” She grunted in frutstration, Vina smirked.
Lumakad si Shie papunta sa fridge para ilabas ang fresh milk. Inabot nito sa cupboard ang box ng cereal then poured a load on the bowl. Naupo si Vina sa may dining table while she serves her. Agad niyang kinain ang cereal pagkalapag niyon doon. Shie on the other sat down across her chair at nangalumbaba.
“What brings you here?” muli na namang pang-uusisa nito.
“Bumibisita.”
“Unfortunately, walang maniniwala sa ‘yo.”
Vina rolled her eyes at saka binitawan ang kubyertos na hawak niya. Binalingan niya ng blangkong tingin si Shie. “Fine. I’m giving up. Masaya ka na? Tambling ka na.”
Ngunit imbis na tawanan siya nito’y napailing lamang ang dalaga na parang akma pang makikisimpatya sa kanya. “Right. What happened?”
“I’m kicked out.”
“At the bakery?”
“Ay hindi, sa palasyo ni Rapunzel,” sagot niyang puno ng pagkasarkastiko na inirapan lamang ni Shie.
“Seryoso. Bakit?”
“Sabi niya nawawalan daw siya ng lalaki dahil sa akin.”
Kilala niya si Shie. Her friend was never one to take light of something so serious. Maski nga kapag nag-aaway sila ni Alex kahit na sa isang maliit na bagay lang, palagi itong seryosong nagpapayo sa kanya. So when she did laughed at her expense, Vina was left in utter disbelief.
“T-teka lang…” hapong-hapo sa kakatawa na sabi ni Shie sa kanya. “Tatawa lang ako…” at saka muling nagsimula ang panibagong set ng paghalakhak nito.
Naningkit ang kanyang mga mata. “Shie.”
“Wait nga!” at saka na naman ito tumawa.
“Ring me when you’re done with your f*****g hysterical fits.”
Tumawa lamang si Shie. Tumawa ulit. Tumawa. At tumawa. At tumawa.
“Punyeta! Mananahimik ka o susungalngalin kita?”
Dahil sa kanyang pagsigaw ay agad na nanahimik si Shie. Itinikom nito ang bibig ngunit sa huli’y hindi rin napigil ang kumawalang mahinang tawa. “Seriously, all kidding aside, Vina. Napaka-immature naman ng baklitang ‘yon. Aba eh natural, anong inaasahan niya? You’re beautiful, intelligent, witty and funny. And he’s gay. Men will choose you over him any day.”
Vina acknowledged that with a tilt of her head. Bumalik siya sa kinakain at napailing-iling nang may mapagtanto.
“You know… I didn’t realized how f****d up my life really is until now.”
Napangisi si Shie. “Riiiiggghhttt… so should I tell Alex?”
Umirap siya. Pero alam naman na niyang iyon din ang susunod na mangyayari. Might as well get it over and done with. “Ako na ang magsasabi sa kanya. Patapusin mo lang ako sa kinakain ko.”
Tumango si Shie pero parang may something pa rin sa tingin nito sa kanya. Kinain niya ng kinain ang cereal. Pakiramdam niya’y ilang dekada siyang hindi nakakain ng maayos na pagkain. Iyong complimentary breakfast kasi na sine-serve sa inn ay panay exotic dishes. Malay ba niya sa lasa no’n. Para ngang nakakatakot kainin.
Mayamaya’y tumikhim si Shie kaya’t napatingin siya rito. Ngumisi ng pagkalapad ang kaibigan niya. “So tell me, Vina… kamusta na ‘yang…”
Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. “Ang?”
“…iyang…”
“Ano nga, Shie?”
“V-card mo. Was it popped?”
Namilog ang mga mata ni Vina at napaawang ang bibig sa sorpresa. Magpasalamat si Shie at kutsara ang hawak niya at hindi tinidor kaya nang ibinato niya sa dalaga iyon, safe itong tinamaan sa noo. “Sira ulo ka! What do you even think of me, a w***e? What popped? Ano ‘yon parang takip lang ng bote, pina-pop?”
Tumawa na naman ang kaharap. Seriously? May naimbento bang droga na nagpapatawa na lang ng basta sa tao? Anong d**o ba ang hinithit nitong si Shie?
“No, I’m sarreh, I’m joking. I mean your heart. Kamusta?”
“Wala akong problema sa puso, wala akong history ng cardiac arrests.”
“Tanga, hindi ‘yon. Ang sinasabi ko kung may nakapasok na bang lalaki sa puso mo?”
“Five-seven lang ang height ko, hindi kasya ang lalaki rito not unless kasing laki siya ni Thumbelina.”
It was Shie’s turn to roll her eyes. “Ang tanga-tanga mo. As in ang tanga-tanga mo. Ang sarap ulit-ulitin kung gaano ka ka-tanga. Tanga ka talaga.”
Ngumisi si Vina. Mas malakas nga yata talaga siyang mang-asar kaysa sa kaibigan. “OA na, mukha kang parrot.”
Umirap lang ito sa kanya. “So anong plano mo? I mean, you’re giving up, right? So what now? Independent ka pa rin naman, hindi nga lang sa sarili mong rules. Alex’s. So you wanna call him now?”
“Yeah yeah yeah. Alex, laging si Alex. The mighty Alex!”
Ngumisi lamang ito saka inilabas ang cell phone at iniabot sa kanya. “Call him. Sa kwarto ko na lang para may privacy kayo.”
Tumango si Vina pagkatapos ay tumayo. Pumunta siya sa kwarto ni Shie habang nagda-dial ng number ni Alex. Ni-lock niya ang pintuan ng kwarto. Truth be told, hindi talaga pinaririnig ni Alex ang kahit na anong conversation nila na magaganap sa harapan ni Shie. He has always been so secretive with Shie kaya pati ang pagiging werewolf nito’y hindi alam ng sarili nitong nobya.
“So let me guess. Either you called to yell all the holy profanities at me or you called to say you give up,” ang agad na bungad ng baritonog tinig sa kanya.
“Gamit ko ang phone ni Shie, paano mo nalamang ako ‘to?”
“Hindi ako tinatawagan ni Shie, Cookie. Common sense, nasa’n?”
She flipped the bird na parang nakikita iyon ni Alex. He might have guessed she did that kaya ito tumawa mula sa kabilang linya.
“So kamusta naman ang selda ng Shadow pack?” nakangisi niyang tanong.
Umismid ang binata sa kabilang linya. “Kinakamusta ka rin ng selda, layuan mo raw sila. Okay naman dito, tahimik, walang nanggugulo, walang babaeng matigas ang ulo, wala akong kasamang babae na hindi—”
“Manahimik ka, sasapakin kita,” putol niya sa sinasabi nito dahil alam naman niyang siya ang tinutukoy ni Alex. “Alam mo hindi ko talaga malaman kung bakit hinahayaan ka ng Alpha na gumamit ng cell phone sa loob ng selda, eh.”
He chuckled, as if to mock her. “They don’t hear. I’m even starting to think they don’t give a damn with their prisoners. This pack has no Alphiya, Cookie. So they probably don’t have the heart to be so neat and organized and smooth.”
Naaalala niya, sabi ni Alex gano’n raw ‘yon eh. Kapag ang isang werewolf pack ay walang Alphiya, malakas man sila at marami, hindi sila gano’n ka-organized. With Shadow pack’s case, brutal sila. As in brutal. Noong ikinulong nila si Alex four months ago, halos naghihingalo na ang loko sa sobrang torture na naranasan nito bago ito pakawalan at ikulong sa selda.
To think na malakas na ang taong-lobo na gaya ni Alex. But the thing is Shadow pack’s Alpha is really really brutal. He’s a beast, he knows no mercy. Sabi ni Alex malaki raw ang tsansa na magbago iyon kapag nagka-mate ang Alpha. So he’s holding on to that theory dahil baka maawa ang Alphiya ng Shadow pack sa kanya at pakawalan siya. Simple thing.
Pero sa ngayon d’yan muna siya.
“You know I heard,” napukaw ng tinig ni Alex ang kanyang atensyon. “…that the Alpha…”
“The Alpha?”
“The Alpha has… STD.”
Namilog ang mga mata ni Vina. “Weh? Tinatablan no’n ang mga werewolf?”
“Joke lang!” saka malakas na humalakhak si Alex. Tumiim ang kanyang bagang at naningkit ang mga mata. Damn this man. Hilig talaga siya nitong pag-tripan!
“Right now, Alex, ipinapanalangin kong mamatay ka na sa kulungan.”
Tumawa ang binata ng malakas. “I’m kidding, Cookie. You know I love you. So anyway, what’s your plan now?”
Noon siya nag-seryoso at mayamaya’y nagkibit ng balikat. “Start a new life. I just don’t know how. Nakakabagot nang laging nagta-travel. I mean walang reklamo, dati naman na nating ginagawa ‘yan kapag umaatake kayo sa mga pack at nagte-tresspass. Pero… nababagot na ako, I’m tired of being a rogue.”
“Vina, you’re not a rogue and I never considered you as a werewolf. You are a human and you’re precious to me.” For a moment there she smiled. Alam naman niya iyon sa kaibuturan ng kanyang puso. And she’s thankful for Alex and for Shie for that matter. “Okay, here’s the plan. Isama mo si Shie sa Alexandria, puntahan n’yo si Becka. Sa kanya ko ipinagkatiwala lahat ng cards, bank accounts at susi.”
“May pack si Becka ‘di ba? Saan ko siya pwedeng hanapin na hindi nagte-tresspass sa teritoryo ng mga taong-lobo?”
Saglit na nag-isip si Alex. Si Becka kasi ang pinagkakatiwalaan ni Alex sa mga ganoong bagay. Pero si Becka ay miyembro ng isang pack. Hindi ito gaya ni Alex na isang rogue. Hindi rin naman nagtitiwala ang binata kina Deidare, iyong mga ka-grupo nitong rogue rin. Mas nagtitiwala ito kay Becka dahil naging ka-fling ni Alex si Becka dati pa then they eventually become best of friends kaya’t naging kaibigan na rin ang dalaga.
“I know where.”
“Where?”
“Black Blood Academy.”
Black… blood? Kung hindi siya nagkakamali, it’s a school made for the supernatural humans gaya ng werewolves, vampires, sorcerers, witches, shifters, enchanters and such para makasalamuha at makasama ang mga ordinaryong tao. But actually, there’s something about that place na parang tinatawag ka. Na parang bumubulong sa ‘yo na lumapit ka sa gate nito at magtuloy-tuloy papasok.
She had been there before pero hindi siya pumasok. Masama kasi ang kutob niya. Hindi niya rin alam kung bakit pero…ah, ewan ba niya. Pero wala naman sigurong mawawala kung gagawin na lamang niya ang inuutos ni Alex for once in her life.
“Okay, we’ll leave for Alexandria today.”
“May bahay ako ro’n. Tatawagan ko si Becka mamaya to tell her every details. Remember, Cookie, hindi pwedeng malaman ni Shie ang bagay na ito. Kaya’t ikaw na ang bahalang gumawa ng kwento.”
“Right, I’ll take care of it.”
“Bye, Cookie. We’ll see each other soon.”
Sana hindi pa. “Bye. I missed you.”
“You too.”
Lumabas agad siya ng kwarto para puntahan si Shie. Nadatnan niya itong nagyo-yoga sa sahig. Tumigil ito nang mapansing nakatayo siya roon.
“Samahan mo raw ako sa Alexandria. Kukunin ko kay Becka ang cards ni Alex tsaka yung bahay.”
Kumunot ang noo ni Shie sa pagtataka. “Becka? Sino si Becka?”
She forgot. Hindi nga pala kilala ni Shie si Becka. Pero parang nahihimigan niya ng kakatwa ang tinig ng kaibigan. Woah, don’t tell me… “Nagseselos ka?”
“Luh! Hindi, ah.”
“Asuuus! Kunwari ka pa! Selos ka, eh. ‘Wag kang mag-alala, kaibigan lang namin ‘yon. May nakaraan sila ni Alex pero wala ‘yon, love na love ka ni Alex, eh.” Umirap lamang sa kanya si Shie na tinawanan niya. “But anyway, sa Black Blood Academy daw natin siya hanapin kasi hindi tayo pwede sa pa—err… bahay ni Becka kasi hindi ko alam kung sa’n ‘yon.” Muntik akong madulas letsugas!
“Oh. Okay.”
“Live with me?” pa-cute niyang tanong.
“Ano pa nga ba? Tsaka… parang iniisip ko ring mag-enroll sa Black Blood. That seems to be quite a place though.”
Napalunok si Vina. Of all things… Oh, heavens! H’wag naman sanang balakin ni Shie. Hindi niya talaga gusto ang lugar na iyon, eh!