4th Blood: Trapped
“SABIHIN mo nga. Bakit sa dinami-dami ng taong
pagkakatiwalaan ni Alex eh kailangang babae pa? Kung hindi ikaw, pwede naman ‘yong mga kaibigan niya. O kaya… o kaya ako.”
Gustong magpanggap ni Vina na hindi niya nariringgan ng selos ang tono ni Shie. Baka kasi kapag binanggit niyang nagseselos ito, bigla na lang nitong tapakan ang brake sa kotse pagkatapos ay tumalsik si Vina palabas. Pero hindi naman maiwasan ni Vina na pagkatuwaan si Shie.
Wala naman kasing kaibigan si Alex. Ang tinutukoy marahil ni Shie ay iyong mga rogue wolf na minsa’y kasa-kasama ng mokong kapag papasok sa isang pack. Mersenaryo si Alex, binabayaran para mag-assassinate ng kung sinu-sino. Kaya nga maraming pera ang loko, eh. He’s not technically a rogue but a werewolf assassinator. And every rogue knows that they have to stay away from Vina dahil siya lang naman ang tanging tao na pwedeng ilaban ni Alex ng p*****n.
Kaya kapag umaali-aligid ang mga lobo sa kanya, may motibo mang maganda o masama, deadbols ang mga iyon kay Alex.
Minsan naitatanong ni Vina sa sarili kung bakit ginagawa ni Alex ang ganoong kadelikadong bagay. After all, Alphas are not generally easy to take down. Ang alam lang naman kasi niya, may weird na galit si Alex sa packs at sa mga Alpha. Pero iyong pag-a-assassinate ng mga taong-lobo, hindi niya alam kung anong pinanggagalingan niyon. Sometimes she hates it. And sometimes, she didn’t know why she deals with it.
“Ewan,” sagot niyang may pagkikibit ng balikat. “Itanong mo sa kanya. Gusto mo tawagan ko na ngayon?”
“Kakalbuhin kita, Vina. H’wag kang magkakamali.”
Napahinga siya ng malalim at nailing-iling. “Calm down, Shie. Mabait si Becka, okay? Hindi ka aanuhin no’n. At saka isa pa, they flirted like… a long time ago. Wala ka namang dapat ipag-selos. Pinagkatiwalaan ni Alex si Becka dahil may napagkasunduan sila.”
Wala sa pack ni Becka ang gagalawin ni Alex.
Fair enough to Vina. Malakas ang Autumn Knight. Marami ring sabi-sabi na matalino ang Alpha niyon at may alyansa sa tatlo pang malalaking packs sa loob at paligid ng Alexandria. Ang kasunduan ni Becka at Alex ay para sa kabutihan ng dalawang panig kung tutuusin.
“Fine. Sige, sabi mo eh. Pero kapag nalaman kong nilo—”
“Hindi ka niloloko ni Alex.” Pwera sa sinabi niyang nasa States siya at wala sa kulungan ng Shadow pack.
Tumingin na si Vina ng deretso sa kalye matapos niyon. Hindi naman na muling naungkat ang usapan nila ni Shie at tahimik na lang din itong nag-pokus sa pagmamaneho.
Papalapit sila ng papalapit sa teritoryo ng Autumn Knight pack. Ang pack na kinabibilangan ni Becka. In all actuality, halos nakalimutan na rin ni Vina ang tungkol sa Autumn Knight, ang isa pang malaking pack sa Alexandria bukod sa Midnight. Napakatahimik naman kasi talaga ng Autumn Knight kumpara sa ibang pack na sadyang gumagawa ng ingay para makilala. They had a good reputation to the wolves. Organized. Peaceful. Safe. All that the Midnight pack is in contrast with.
Ramdam ni Vina na may malalim na iniisip si Shie. Wala siyang ideya sa itinatakbo ng isipan. But she guessed it was something along the lines of Alex and Becka’s relationship still.
But boy, was she so wrong…
“Vina… do you believe in werewolves?”
Oh, hell.
Kung may iniinom na tubig si Vina, malamang kanina niya pa naibuga iyon nang biglang magsalita ng ganoon si Shie.
“A-anong… anong sabi mo?” namimilog ang mga matang baling niya sa kaibigan.
“This Autumn Knight village. This actually sounds like a pack to me.”
Tumawa si Vina para itago ang tensyon at kaba niya, ang kaso’y ang resulta niyon ay para siyang tumawa ng isang nakaka-nerbyos na tawa. “Naso-sobrahan ka na sa panonood mo ng werewolf films and series, Shie. Anong pack ka r’yan?”
“You know me, Vina I believe in loch ness monsters, I believe in fairies, I believe in banshees and nymphs. I believe in pegasus and dwarfs. I believe in vampires, I believe in werewolves.”
Nailing si Vina. Mukha lang normal si Shie pero may mga ganoon itong paniniwala which actually freaks the hell out of her sometimes. If Vina doesn’t know any better, pagkakamalan niyang may alam din si Shie sa mga paranormal talents.
“That’s a joke.”
“Think so? Don’t dismiss it like it’s nothing, Vina. My Granny told me before that werewolves does exist. Hindi ko alam kung nakakita na siya or something but the way she describes werewolves? It’ll blow your mind as how accurate she is with it.”
Pinakatitigan niya ang kaibigan. Pasulyap-sulyap ito sa kanya at sa kalye. “Have you ever seen a werewolf, Shie?”
Umiling si Shie. “Hindi pa.”
“Well as for me, to see is to believe. And I bet you don’t even want to see a real werewolf at some point.” Vina unfastened the seatbelt then. “Pull out in there, it’s Becka’s house.”
Nag-pull out si Shie sa tabi. Pag-ibig niya mula sa sasakyan ay siya namang labas ni Becka mula sa bahay nito. The woman ran and greeted her with a huge bear hug while squealing. “You’re here! You’re real, flesh and blood, you’re here!”
“Becka, kung hindi mo ako papakawalan, babalatan ko ‘yang flesh mo saka ko sisipsipin ‘yang blood mo.”
Ngangang kumalas si Becka sa kanya at sa nakataas na kilay ay mapanukso pa siyang tinanong. “Kailan ka pa naging bampira?”
“Kung may kawali lang ako kanina ko pa hinampas ‘yon sa ‘yo.”
Tinawanan lamang siya nito. Then Becka’s gaze darted to Shie who’s standing beside Vina. May ngiti sa labi si Shie pero tipid lang kumpara sa ngiti ni Becka.
Probably testing the waters.
“Well this is Shie, Alex’s girlfriend,” pagpapakilala niya kay Shie. “Shie, si Becka, best friend namin ni Alex.”
Becka squealed in delight once again ngunit sa pagkakataong iyon ay si Shie naman ang inatake nito ng yakap. “Oh my gosh! I can’t believe I’m meeting you already! You’re so pretty!”
“Thank you! You’re pretty too.”
Napaikot ni Vina ang kanyang mga mata. De kayo na maganda. Mga plastik!
“Tara, pasok kayo sa loob,” mayamaya’y anyaya ni Becka sa kanila.
Magpo-protesta sana siya’t ayaw naman niyang makaabala’t magtagal pa sa pack. Ang kaso’y hinatak na sila ni Becka papasok ng bahay. Nadatnan nila sa may sala na may juice at cake nang nakalagay sa coffee table. Pinaghandaan yata talaga sila nito.
She gestured for them to sit in the couches. May inilabas itong mga papeles, key chains, at iba’t-ibang kulay ng debit at credit cards. “All Alex’s asset here in Alexandria. Nandito na rin ‘yong map papunta sa bahay na gusto niyang tirhan n’yo.”
Tinignan niya’t nirebesa ang mapa. “Sakop pa ba ito ng Autumn Knight?”
“No. It’s in the outskirt of the pa—I mean village,” Bahagya siyang napaalerto sa kamaliang iyon. Then Becka gave her a sharp look na tinanguan niya lang. “Safe dito. Also, Alex wants you to enroll at Black Blood para makakuha ka ng degree mo so you can go far with jobs while you’re still depending on him. Kung ako ang tatanungin mo, may punto siya. Marami kang makikitang trabaho kung ga-graduate ka sa prestige na school at may degree ka paglabas.”
Tinignan ni Vina si Shie. Tumatango rin ito sa kanya na tila sang-ayon sa plano ni Alex. Umirap siya. “Oh, fine. Ano pa nga bang magagawa ko?”
“That’s about everything, I guess. So… kailangan ko pa ba kayong samahan?”
Umiling si Shie habang nakangiti. “Hindi na, sobrang abala na sa ‘yo. Kaya ko namang kontrolin ang rabies nitong si Vina.”
Umarko ang kilay niya. “Rabies?”
Tumango naman ang lokal-lokang si Beca at kunwa’y tinapik pa sa braso si Shie. “I’m glad kaya mong kontrolin ang rabies n’yan. Ako hindi eh.”
“Aba! Ang kapal ng apog n’yong dalawa! Wala akong rabies!”
Sabay pang binelatan siya ng mga ito.
Hindi nakakuha si Vina ng tsansang gumanti hanggang sa tumayo na lang sila at naglakad palabas ng bahay ni Becka. Noon niya napansin ang mga taong-lobo sa kalye na pasimpleng tumitingin sa kanya. Sa hula niya, they’re a little relaxed dahil hindi naman nila naaamoy na werewolf sila ni Shie. After all, both of them smells like human. But the irony is that they were staring at her in admiration or something.
Napakunot siya ng noo. Anong ginawa ko?
Pinaandar na ni Shie ang kotse paalis sa Autumn Knight pack. Nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana. Shie was the one to keep the cards, the keys and so on. Ayaw niya kasing humahawak ng ganoon. Since si Shie naman ang sanay dahil mayaman ito, edi si Shie na lang din ang hahawak. Tutal naman ang gagawin niya lang naman eh ang humingi.
Nakakalayo na sila noon nang nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Parang… parang may nakita siyang pamilyar na tao.
“May problema, Vina?” untag ni Shie nang marahil ay mapansin siya.
Lumingon si Vina para tignan kung sino iyon. May lalaki na nasa malayo na nakahinto at nakangangang nakatingin sa may dinadaanan nila. Saktong lilingon siya pabalik ay biglang nag-preno si Shie. Sa lakas ng kabig ng brake ay halos bumunggo siya sa harapan.
“What the hell was that?”
“I… I don’t know! Hinarang niya ako!”
Taranta niyang tinignan kung sinong tinuturo ng kaibigan. At nahulog ang eyeballs niya sa sahig ng kotse nang makita niyang nakaharang ito sa dinadaanan ng sasakyan at matalim ang titig na iginagawad sa kanya.
Well, she’s f****d. It’s her mate.
“Run him down.”
Namimilog ang mga matang tinignan siya ni Shie. “What? Are you serious, Vina?”
“Yes! Run him down! Sagasaan mo!”
“No way! Hindi pa ako baliw! Lalong hindi ako mamamatay-tao! Mahal ko ang buhay ko, ayokong makulong!”
Ah syete. Hindi siya mamamatay ng simpleng sagasa lang! “Tabi r’yan! Ako ang magmamaneho.”
Vina stepped at the gas habang tarantang umaalis si Shie ng driver’s seat at nakikipagpalit sa kanya. Nakaiwas ang mokong nang tangkain nga niyang sagasaan ito. Sayang. Pero hindi niya tinigilan ang gas. She glanced at the rearview mirror. He’s hopping on in a black Ferrari. Damn.
“I’m dead, I’m dead.”
“Vina, hindi ka mananalo r’yan!” sigaw ni Shie nang makita ang parehong kotse na humahabol sa kanila.
“Kaya ko ‘to!”
“But your car is nothing sa dala niya! Dammit, Vina, it’s just a f*****g rental! Toyota lang ‘yan, Ferrari siya! Nababaliw ka na ba? Sino ba ‘yan?”
Parang gusto niyang sumigaw sa frustration nang makitang pakonti ng pakonti ang distansya ng Ferrari sa rental nila. “Bumbay, pinagkakautangan ko!”
“Eh sira ulo ka pala, ang gwapong bumbay no’n!”
“Edi gwapong seksing masarap halikan na bumbay!”
Nakita niya pa nang manlaki ang mata ni Shie. Hindi na niya pinansin. Basta’t itataya niya ang buong buhay niya kasama na ang kaluluwa at balun-balunan niya matakasan niya lang ‘yang baliw na lalaking ‘yan! Hindi siya nito pwedeng maabutan, hindi siya nito pwedeng—
“Vina! Vinaaaaaa! Vina, pakyu ka! Ayoko pang mamatay!”
Kasabay ng sigaw ni Shie ay ang malakas na pagkakabunggo ng kotse nila sa bumper ng Ferrari na umovertake sa kanya’t humarang sa kalye. Dahil hindi naman niya inaasahang kaagad siyang mauulusan nito’y naibangga na niya ang sasakyan bago pa niya matapakan ang brake.
“Ang OA. Nasanggi lang natin ‘yong bumper ng Ferrari, ‘di mo ikamamatay ‘yon.”
Napatalon at napatili sila ni Shie nang kumatok ang gwapong lalaki sa bintanang nasa gawi niya. Pinindot ni Vina ang lock. From the outside naririnig niya pa ang kulob na pagsigaw nito ng: “Open the door!”
Tumambling-tambling si Vina papunta sa likuran ng kotse. Shie was equally terrified as her. Kasi nga naman, hindi nito kilala ang lalaki. Pambihira. Bakit ba hindi niya naisip na pwedeng ito nga ang Alpha ng Autumn Knight pack? The moment she saw him that day she felt the power emanating from him and Vina knew by then he’s an Alpha.
Dammit. Damn this man. And damn me. He’s so hot damn!
Hihimayin palang sana niya ang mga pinagsasasabi niya sa kanyang utak nang sa gulat nila ni Shie ay nabasag ang salamin sa driver’s seat. Tumili ang kaibigan niya sa gulat. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makitang kamao lamang ang ginamit ng lalaki na pambasag sa salamin niyon.
Mula sa butas ng basag na salamin, inilusot nito ang kamay roon at kinulbit ang lock para mabuksan ang pinto. Doon na nagsunod-sunod ang kabog ng dibdib niya.
“Jude, get the other girl and bring her to Kill. Ask him to compel her, she has to forget everything that has happened in here. Drag Becka so she can fix things between her little friend. Ako nang bahala kay Vina.”
Nanlaki lalo ang mata ni Vina—if that’s even possible—dahil sa mga narinig na sinabi ng lalaki. “W-wait! Sandali, hindi n’yo siya pwedeng saktan!”
Bumaling sa kanya ang tingin ng Alpha na base sa pagkakatanda niya, ang pangalan eh Rain. “Princess. Hindi ko siya sasaktan. Walang masasaktan.” Then he glared at the other man. “Knock her out, but not too much. I don’t want her hurt, you understand?”
“Yes, Alpha.”
What the hell?
“Walang masasaktan pero knock her out? Kulang-kulang ka ba?”
He only smirked before grabbing her hand and carrying her over his shoulders. Napabuntong hininga si Vina. Such a familiar position.
Wala nang malay si Shie nang sunod niyang makita ang kaibigan at kinakarga na rin ito ng isang lalaki bridal style. Sumakay ito sa pangalawang kotse na humahabol sa kanila kanina. Habang iyong gamol na kumakarga sa kanya eh itinapon siya sa back seat ng dala nitong Ferrari.
“Wow. Such hostility. Thank you so much!” pasarkastiko niyang sabi para sana’y inisin ito ngunit sa kanyang pagkadismaya’y hindi umimik si Rain.
Vina huffed in frustration while he drives. Man, I’m sooooo dead.
“If you’re thinking you’re dead, you are. But not the way you’re thinking.” Mayama’y wika ni Rain.
Tumaas ang kilay niya. “What way then? Like… torture first before being literally dead?”
“I already told you many times that I’m not going to hurt you! Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?”
“Tinatanong pa ba ‘yan? Natural hindi ka kapani-paniwala! Kinidnap mo ‘ko, this is actually k********g, idiot! Then you’re a freaking werewolf! And then you actually considered knocking my friend out to silence her! Adik ka ba? ‘Yon ba ang tipo ng nilalang na hindi nananakit?”
Taka si Vina na tinignan si Rain habang nakatitig ito sa kanya na parang amused na amused. Tinaasan niya ito ng kilay. Ngumiti ang loko. “You may not notice but you’re actually hot when you’re yelling.”
“Letse.”
Biglang-bigla ay humimpil ang sasakyan sa gitna ng daan. Sa pagkakaalam niya’y wala pa sila sa pack village, ah. Umibis si Rain mula sa sasakyan at lumipat sa likuran para tabihan siya sa passanger’s seat.
“Listen,” he reached out a hand to her face and automatically, lumitaw na naman ang mga maliliit na kuryenteng iyon na kinikiliti siya ng husto. “I can never hurt you.”
Pero s’yempre, hindi naman siya naniniwala ro’n. “Etching.”
“I’m serious here, princess.”
“Seryoso rin ako, Alpha. I never liked Alphas. And I sure as hell don’t trust them. Paano naman kita pagkakatiwalaan eh—”
Pakiramdam ni Vina, lahat ng klase ng paputok ay pumutok na sa loob ng katawan niya. One moment she was blabbering about how she doesn’t trusts Alphas and the next, kabig-kabig na ni Rain ang likuran ng kanyang ulo at nakalapat na ang bibig nito sa kanyang bibig.
Nakakabigla at nakakawindang para kay Vina. Ngunit hindi niya pwedeng ikaila na masarap humalik ang binata when she actually responded to the kiss.
“That’s it.” Nakakunot ang noo nito nang kumalas sa kanya’t buksan ang pinto ng passanger’s seat. “You’re pissing me off.” Saka lumabas si Rain at bumalik sa driver’s seat at pinaharurot nang muli ang sasakyan paalis doon.
Oh my golly wow. I’m gonna die!
But at least masarap iyong halik.
Pambihira. Feeling ko gusto ko pa.