1st Blood: Booba Man
BOINK. Boink. Boink.
Hindi malaman ni Vina kung matatawa siya o maiiyak sa narinig na tunog na iyon ng kanyang balakang na tumama sa lupa nang ihagis siya ng baklang may-ari ng bakery na pinagtatrabahuhan niya sa loob ng pack village na iyon.
“Aray! Ano bang problema mo! Hindi ako bola ng football para sipain mo palabas ng bakery! Masakit ‘yon ah!”
“Hoy, babaita! Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganyan!” sigaw pabalik ng baklitang sinundan siya palabas.
Natigilan si Vina sa kakahimas ng balakang niya na tumama sa matigas na lupa. Maswerte siyang walang masyadong dumadaang sasakyan sa gitna ng kalsada. Kung hindi’y malamang ay durog na ang beauty niya ngayon.
But anyway highway, nakalimutan niya. Hindi niya pala dapat sinisinghalan ang baklitang ito dahil for all intents and purposes ay werewolf nga pala ang kaharap niya. A creature that could tear her into pieces in a snap.
Vina grinned sheepishly at that realization. “P-pasensya naman, nabibigla lang. Ikaw naman kasi. Aware akong hayop ka pero hindi naman makatao ang sipain ako palabas ng bakery. Don’t ya agree we can be civilized citizens here?”
Umingos ito at inirapan siya. “H’wag mo akong inuuto! Lumayas ka na rito dahil nakakaimbyerna ‘yang pagmumukha mo!”
Nanlaki ang mga mata niya at parang nawala bigla ang iniinda niyang sakit.
Layas? As in gora? As in kicked out? Evicted? As in… as in gone for good? Oh, no!
“P-pero bakeeeeetttt?”
“H’wag mo akong artehan, gaga ka. Wala ka sa teleserye!”
Napangiwi siya. Feel na sana niyang mag-drama, panira lang ng moment ang isang ito.
“Fine. Eh pero bakit nga, bakla? Masarap naman akong mag-bake, okay naman ‘yong deal natin sa sweldo ‘tsaka ‘yong pabahay project mo especially for me,” tukoy niya sa maliit na espasyong tinutuluyan niya sa loob ng bakery na iyon. Which is not much but it’s better than having no roof above her head. “Nakaka-attract ka naman ng maraming customer dahil sa mga gimmicks ko, ah!”
“Actually iyon ang problema. Dahil sa ‘yo kaya nawawalan ako ng afam!”
Natigilan doon si Vina at agad niyang naitikom ang kanyang bibig. Pakiramdam niya’y lahat ng dugo sa ulo niya’y nagsibabaan sa kanyang talampakan at bigla siyang namutla.
Everyone in this pack knows very well this gay guy has the male wolves around his pinky painted finger. Malay ni Vina kung paano. Benefits, perhaps? Booking… libreng groceries every month… bagong tablets or phones… who the hell knows? Basta’t ang alam niya, imbyerna siya sa mga boylet ng baklang iyon na laging pumapasok sa bakery para hingiin ang number niya.
Hindi naman kasi uso sa kanya ang textamate. Jejemon siya. Eows pows!
“Eh… b-big deal ba ‘yon? Edi… maglalagay ako ng pampapanget sa mukha. Okay na ‘yon, ‘di ba? ‘Tapos kakain na rin ako ng marami para tumaba ako ng bongga. Dibadibs? Aprub na ba tayo ro’n?”
“Alam mo, Vina, maganda ka naman, eh. May katangahan ka lang talaga.”
Aba! At makapanglait ‘tong baklitang ito! Ngitngit niya sa isipan. Hindi tuloy niya napigilang isatinig ang mga kasunod niyon. “At least hindi ako dodong na nagta-trying hard malagyan ng kweba!”
Huli na nang matutop niya ang bibig niya para pigilan ang paglabas ng mga salitang iyon. Namula sa galit ang kaharap, bumalik sa pintuan ng bakery at kinuha ang kanyang bag. Pagbalik nito’y hinagis sa kanyang direksyon ang kanyang duffel bag na sa kasamaang palad ay sa mukha niya pa lumanding. Dahil sa bigat niyon ay napahiga siya sa kalsada.
“Hayan! Lumayas ka! H’wag kang babalik dito, inggrata ka!” saka narinig ni Vina ang malakas na pagsarado ng sliding door ng bakery.
Napabuntong hininga si Vina habang nakahiga sa gitna ng kalsada at nakatitig sa asul na ulap.
Hay, Lord. Una, hindi n’yo man lang ako binigyan ng abilidad na mag-shift o makaamoy ng scent ng mga werewolf. Well at least you make me end up in a pack without the Alpha knowing I am an illegit. Buti na lang malakas ‘tong si bakla, tatanga-tanga hindi alam na half-werewolf ako. ‘Tapos pangalawa, wala akong pera pwera du’n sa card na iniwan ni— err… nebermaynd.
Mas mabuti nang hindi niya banggitin ang pangalan ng lalaking iyon maski na sa kanyang pagmumuni-muni sa isipan at baka bigla na lamang iyong sumulpot. Kalbaryo na naman sa buhay niya kapag nagkataon.
Bumangon si Vina at naupo. Wala na sa pintuan ang dati niyang amo. At tutal naman ay na-forced eviction naman siya, bakit ba hindi pa niya lubusin? Ano pa ba namang pipigil sa kanya para singhalan ang babaeng may lawit na iyon?
“Wow ha! Salamat! Nag-abala kang ipag-impake ako! Salamat talaga! Sana umunlad ‘yang negosyo mo! Sana maraming ma-food poison sa bakery mo! At sana may pumutol n’yang ano mo nang tuluyan ka nang magpakababae! Letse!”
Dali-dali niyang dinampot ang duffel bag niya na sobrang bigat at saka umalis doon. Iniisip nga niya kung ano bang inilagay niya sa loob niyon at ubod ng bigat. May graba ba ang bag niya?
Sa isang oras na paglalakad, narating na niya ang outskirt ng teritoryo ng Lake Salt. Kung hindi siya nagkakamali, dalawang oras pa at makakarating siya sa kabilang syudad which will be the entrance to the territory of the Moonsault pack located at Maden. Ang problema nga lang, masakit na rin ang paa niya.
Bilang diyosa, naghanap siya ng magandang puno. Kung anuman ang significance niyon, hindi rin alam ni Vina. Ni hindi nga niya sure kung may magandang puno. Anong itsura no’n?
Sa kakahuyan siya dumaan dahil mas kabisado niya ang ruta roon. Isa pa, kahit naman kasi non-shifting werewolf siya ay inclined pa rin siya sa elemento ng lupa gaya ng isang tipikal na taong-lobo.
Naupo siya sa damuhan at sumandal sa malaking puno ng narra. Tinanggal niya ang itim niyang sneakers at hinilot ang kanyang paa. Kasabay niyon ay kumalam ang kanyang sikmura na dumagdag pa sa problema niya. Wala naman kasi siyang pera dahil hindi siya sinuwelduhan ni baklita. Kung alam lang niyang palalayasin pala siya nito de sana’y nagnakaw na lang siya sa cash box.
Pero s’yempre joke lang ‘yon. That’s bad, magagalit si Lord! Bawi niya sa isipan na naging sanhi ng pagtawa niya mag-isa.
“Lalalalalala… lalalala…”
Natigilan siya nang marinig ang paghimig mula sa ‘di kalayuan. Ipinilig niya ang ulo ng bahagya, pinakikinggan ng mabuti ang tinig. Boses lalaki. Baritono. At kung hindi siya nagkakamali ay patungo ito sa kanyang direksyon.
“Booba booba, simpleng dalaga…”
Nanlaki ang mata niya nang bigla itong kumanta ng ganoon. Booba? That song was like from the two thousands! Nakakaloka si kuya. Kalalaking tao kumakanta ng booba!
At hindi pa nakuntento ito. Magiliw pang isinipol ng lalaki ang kalagitnaan ng kanta. “Pag umiibig masustansyaaaa…”
“Kung sino ka mang kumakanta ng booba, utang na loob, tumigil ka na.” Hindi na napigilang wika ni Vina. “Nasusuka ako sa kinakanta mo.”
Narinig niyang parang biglang tumigil sa paghakbang ang lalaki. Pagtingin niya sa gilid, may nakita siyang black leather shoes. Tumingin siya pataas, low waist jeans. Pataas pa ulit, black polo shirt. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong ang malaking mama na iyon ang kumakanta ng booba at nasa harapan na niya ito.
Ng ganoon kabilis? Oh hell, what sorcery is this?!
Tumili si Vina at bilang knee jerk reaction ay gumapang siya palayo sa lalaki. Nakatingin lamang ito sa kanya na parang isa siyang baliw na ulagang babae na hinahanap sina Basilio at Crispin.
“Err… hey… I’m a… guy?” he said, grinning sheepishly na parang biglang nahiya sa kanya.
Umarko ang kilay ni Vina at bahagyang nag-loading ang utak niya sa sinabi ng binata. Ano raw? “Hindi ko na-gets. Elaborate.”
Napakamot sa ulo ito. “Paano… ie-elaborate ‘yong sinabi ko?”
Vina rolled her eyes and huffed saka niya pinagtuunang suotin ang kanyang sapatos. “Kapag mga gwapo talaga, hindi package. Either payat or tanga.”
“Oh wow. Sinabi mong gwapo ako?”
Tinignan niya ito pagkatapos niyang huminto sa p*******i ng sintas ng kanyang converse. “Hindi. Sabi ko tanga ka.”
Kinuha niya ang duffel bag at tumayo na. Ine-expect niyang sisinghalan siya nito dahil sinabihan niyang tanga ang lalaki ngunit sa halip ay narinig niya itong tumawa kaya’t napabalik siya ng tingin dito. Ngayon niya lamang napansing medyo kayumanggi ito ng kaunti. His hair was short and black. Matangkad din ang lalaki. Hanggang dibdib nga lang siya nito, eh.
Ramdam ni Vina ang kakatwang otoridad sa tindig lamang ng lalaki. He has power, that’s it. And it doesn’t help that they are actually standing in the outskirt of a werewolf pack staring at each other. He could be the Alpha of the Lake pack. Pero parang hindi rin. Sa pagkakaalam naman kasi ni Vina, hindi tumatawa ng ganoon kadali ang mga Alpha. They looked more serious, sinister and… monster-like?
But this is different. Tumawa ang loko sa isang korny na banat.
“Pagkatapos mong kumanta ng Booba, tatawanan mo ako dahil sinabihan kita ng tanga. Meron ka bang tama sa utak?” And there runs her big mouth again.
Diyos ko po, Vina, tumigil ka na. Baka werewolf ‘yan bigla kang sakmalin!
He chuckled at sinuklay ang buhok gamit ang sarili nitong kamay. Ipinagdikit ni Vina ang labi, tila nais na kagatin ang kanyang dila. Hindi maganda ito. Nararamdaman niyang naglalaway siya sa lalaki. Yummy din naman pala kasi ito sa ibang anggulo at kapag talagang tinitigan ng maigi.
“Na-LSS ako, eh,” natatawang sagot nito. “Iyon kasi ang movie sa bus kanina. Anyway, why are you in the woods?”
Mabilis ang naging tugon niya sa tanong na iyon. “Hinahanap ko si Jacob Black.”
“Oh,” napangisi ang binata. “Naghahanap ka ng werewolf? Gusto mong…” Napalunok si Vina nang bigla itong lumapit sa kanya at inipit sa likuran ng kanyang tenga ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumakas mula sa kanyang pagkakaipit. He leaned closer, his breath fanning her cheeks.. “…makakita ng totoong lobo?”
L-Lobo? Lobo? Oh no, tama nga yata ang gut feel ko!
“Balloon? Tingin mo sa ‘kin, five years old na idol si Spongebob at inaakalang straight ‘yong monggoloyd na sponge na ‘yon? Get off me! Close tayo, close?”
Tumatawa ang binata nang itulak niya ito palayo. Para rin palang si Alex ito kung magloko. Buti na lang at sanay siya sa mga gano’ng jokes kundi’y kanina niya pa sinapak ito.
“Feisty. I like that.”
Nagsimulang maglakad si Vina palayo sa estrangherong gwapo. Mamaya kasi’y gahasain niya pa ito—este gahasain siya nito.
“Do you want a ride?” Napapitlag siya nang marinig ang tinig na iyon sa kanyang likuran. Sinusundan pala siya nito.
“Sabi ng kapatid ko,” joke lang wala akong kapatid. “never talk to strangers so in this case, I won’t ride with a stranger.”
Sa isang kisapmata’y bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan ang lalaki at harangan ang dinadaanan niya. Ngumiti ito at naglahad ng palad. “My name is Axe.”
Tinignan ni Vina ang kamay na parang kinakausap siya niyon. Nagkamustahan sila ng kamay ng lalaki. Saka siya tumingin sa lalaking nagma-may ari ng kamay at itinaas ang kanyang kilay.
“So…?”
He smiled na parang na-a-amuse ito sa kanya. “I introduced myself so we wouldn’t be a stranger to each other anymore.”
“Ay wow, talino mo rin sa part na ‘yan eh noh? Ewan ko sa ‘yo, tse!”
Tumawa ang lalaki. “Okay. So what’s your name?”
“Renesmee Cullen. Tabi.”
“I’m a werewolf so I hate vampires. Should I kill you then? Where’s your Dad?”
“Busy siya kay Bella. Mate ko si Jacob Black kaya kakainin ka no’n ng buhay kapag kinain mo ako.”
I swear, kung sinumang nagsulat ng Twilight saga, maganda siyang pambara sa mga tunay na taong-lobo, ah. Brilliant. High five, Stephenie Meyer!
“Hey, I’m serious. Nadatnan kitang nagmamasahe ng paa mo kaya—”
“Nahuli kitang kumakanta at sumisipol ng Booba.”
Namutla ang binata. Tatawa sana siya but she thought of it better. Baka akalain nitong close na sila kapag ginawa niya iyon.
“Err… can we not… bring that up? It’s embarassing. Tsaka… I’m offering you a ride, may kotse ako. Maybe I can drop you off bago kami bumalik ng Alph— I mean ng kaibigan ko sa Alexandria.”
Kumunot ang noo ni Vina. He was trying hard to cover the word ‘Alpha’ na dudulas sana sa bibig nito kanina. Come to think of it. Alexandria raw. Perhaps Midnight pack? Kung hindi ito ang Alpha ng Midnight pack, he might be the Beta or the third in command seeing that he’s giving off this strange vibes.
“Sa Alexandria ka nakatira?”
Tumango ang lalaki. “We’re only visiting this pa—town.” Muli na namang nahuli ni Vina ang muntikang pagkakamaling iyon. “Pabalik na kami.”
“Ah. Sya sige, sa Maden ako pupunta.”
“Sa Maden? Malapit sa Helena?”
“Mm.” She nodded. “May bibisitahin ako sa Maden pagkatapos dederetso ako sa Alexandria, maghahanap ng swerte. Seeing na mukhang mayaman ka tsaka maraming mayaman do’n, mukha ngang do’n ako makakahanap ng swerte. D’yan ka na.”
“Hindi ka talaga sasabay?”
Pambihira, ang kulet!
Bumuntong hininga si Vina at for the nth time ay bumalik para harapin ito. Naglahad siya ng palad sa binata. “Kung gusto mo talagang tumulong pautangin mo na lang ako ng pamasahe tsaka pang-kain. Tapos kapag nasa Alexandria na ako, hanapin mo ako. Promise, ‘di ako tatakbo.”
May tunog ang pagngiti nito. “Mas prefer mo ang sumakay ng bus kesa sa free ride? Fine, ‘di kita ma-gets. But when will you be at Alexandria then?”
Nag-isip si Vina habang humuhugot ang lalaki ng pera mula sa mataba nitong wallet.
“Siguro in four days nando’n na ako.”
Tumango ito saka nag-abot sa kanya ng apat na libo. Namilog ang mata ni Vina. Pamasahe at pang-kain lang apat na libo na? Anak ng tokwa!
“See you then. I’ll hunt you down.”
“Woah. Thank you dito. Promise, hindi ako tatakbo! Swear!”
Ngumiti ang binata. Kinuha niya ang four thousand at naglakad na ulit palayo hanggang sa makasakay siya ng bus. Right now, Vina’s already considering marrying a billionaire. Mukha ngang pinagpala talaga ang Alexandria sa mayayamang mga pipolets doon.
Sana naman iyong ‘the one’ niya ay mayaman din para hindi naman siya magdusa sa buhay. Pero keri na rin kahit masipag lang at matiyaga. Basta may love, okay na iyon. Everything follows.
Right?