Chapter Sixteen Itutulog ko na lang sana ang kahihiyang ginawa ko pero hindi naman ako pinapatulog ng tiyan ko. Parang may nagwe-welga na roon. Kaya kahit ala-1 na ay bumangon pa rin ako at bumaba. Tinahak ang daan patungo sa kusina. Kahit sana tubig at tinapay lang. Deserve ko naman kumain kasi nagtrabaho ako kanina, 'di ba? Trabaho pa rin iyon. Binuksan ko ang ref at tinignan kong may makakain katulad kagabi. Meron. Tatlong tupperware iyon na may iba't ibang klase ng ulam. Iyon nga lang ay malamig na naman. Inilabas ko iyon. Saka ako napatitig doon sa initan. May gamit nga... hindi ko naman alam gamitin. Napabuntonghininga ako. Baka mamaya magkamali pa ako, tapos sumabog. Ay, huwag na lang. Sanay akong kumain ng galing sa basura. Basic na lang sa akin ang kumain nang malamig. Suma