Chapter Fifteen Sanay akong nagbibihis na ang mga damit ay malalaki at mahahaba. Kung gaano kalantad ang katawan ko kapag nasa entablado ako. Gano'n naman katago kapag wala ako roon. Pero ngayon ay parang may nang-udyok sa akin na pumili ng simple pero magandang bestida. Ang daming damit na halatang bago pa. Ang daming pwedeng pagpilian. Hindi naman ako nahirapang makahanap. Isang bestida na lagpas lang ng tuhod. Kulay dilaw iyon na hindi matingkad ang kulay. May maliliit na bulaklak din iyon na ang kulay ay puti. Isinuot ko iyon. Ang sapin sa paa ay ang tsinelas kong gamit ko sa pagpunta sa rest house na ito. Hindi na ako nag-makeup. Plano ko sanang magmaskara, pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na huwag nang damputin ang maskarang napili ko. Kaya lumabas ako ng silid na