3

1861 Words
Chapter Three "Makakahinga ka na ng maluwag, Bituin." Bahagya pang tinapik ng doctor ang balikat ko. Parang nakita ng lahat ng mga tao sa emergency room kung paano ako ngumawa habang nagmamakaawa na tulungan ang kapatid ko. "Salamat, doc." Pasinghot-singhot pang ani ko. "Iwasan na lang iyong makakapag-trigger ng asthma n'ya. Nasabi n'ya kaninang nagsunog daw iyong kapitbahay n'yo?" "Hindi ko po napansin iyong pagsusunog ng kapitbahay. Galing po kasi akong bumili ng ulam." "Iyon ang nag-trigger ng hika ng kapatid mo, Bituin. Baka mapakiusapan n'yo ang mga kapitbahay na iwasan iyon. Paano na lang kung hindi ka nakabalik agad ng bahay, 'di ba?" "O-opo. Kakausapin ko." "Ngayon ay mapanatag ka na. Huwag ka nang umiyak." Tumango ako. Pasimple kong sinilip ang kapatid ko na nakahiga sa hospital bed. Tulog ito kaya naman ay maingat akong lumapit dito. Umupo ako sa bakanteng upuan at hinawakan ang kamay nito. "Huwag mo akong iiwan, Rosally." Naluluha na namang ani ko. Iyong takot ko'y dala-dala ko sa dibdib ko. "Ikaw ang lakas at kahinaan ng ate. Kaya ilaban mo iyan, kasi ako ay handa kong ilaban ka. Magpagaling ka." Iyakin talaga ako pagdating sa kapatid ko. Wala akong pakialam sa iba. Hindi ako mapapaiyak ng iba. Pero kapag involve si Rosally ay mababaw lang ang luha ko. Nagmulat ito. Agad ngumiti nang makita ako. "Okay na po ako. Huwag ka na pong umiyak." Agad akong tumango rito. "Hindi mo na tuloy nakain iyong lechon manok." "Bili mo na lang ako kapag nakalabas na ako, 'te." "Sige. Ibibili kita, Rosally. Mamaya magwo-work ako. Kailangan kong pumasok. Pupuntahan ko si Manang Caridad para bantayan ka." "Paano kung hindi siya pumayag?" "Hahanap ako ng pwedeng magbantay---" "Kahit hindi na po, 'te. Pagkatapos mo na lang po sa trabaho ay saka mo ako puntahan dito---" "Kailangan may bantay ka. May pera pa naman ako. Babayaran ko na lang ang oras nila." "Sige po." Wala na ring nagawa na ani nito. Pagsapit ng alas-5 ay nakiusap na lang ako sa nurse na pakitignan-tignan si Rosally. Sinuotan ko na ito ng adult diaper para kahit doon na ito umihi at dumumi. Nangako rin ako na papupuntahin ko ang kahalili sa pagbabantay. Umuwi ako. Imbes magpahinga bago pumasok ng club ay nagtungo ako sa likod bahay. "Manang Precesita!" malakas kong sigaw. Agad may sumilip na matandang babae na kasing nipis ng pasensya ko ang kilay. "Bakit?" mataray nitong tanong sa akin. "Bakit naman po kayo nagsunog kanina?" "Ano namang pakialam mo? Pati ba pagsusunog sa bakuran namin ay pakikialaman pa?" "Alam n'yo bang dahil sa pagsusunog n'yo ay nasa ospital ngayon ang kapatid ko?" "Hindi ko alam at wala akong pakialam." "Muntik na pong mawala sa akin ang kapatid ko dahil sa ginawa n'yo." "Oh, sino ba kayo para sundin ko? Mayaman ba kayo? Boss ko ba kayo? Tsk. May kailangan ka pa? Ginagambala mo na ako." Napakagatlabi ako. Pinipigilan manugod dahil talagang nakakagalit ang mga sagot ng matanda. Bago pa ako muling magsalita ay pumasok na ulit ito sa bahay n'ya. Inis na nasipa ko ang bakod sa labis na inis. Kahit pa okay na si Rosally sa ospital ay may takot pa rin sa dibdib ko. Ramdam ko pa rin iyon, at sa tingin ko kapag natulog ako'y dadalaw iyon sa pagtulog ko. Isang bangungot na tiyak na hindi agad maaalis. Pinuntahan ko saglit si Manang Caridad sa bahay n'ya. Inabutan ko itong makatambay sa labas ng bakuran nito. "Oh, Bituin?" ani nito. "Manang, baka pwedeng samahan mo po muna si Rosally sa ospital. Kailangan ko po kasing pumasok sa trabaho. Kailangan ko pong kumita ngayon para may pambayad ako sa bills." "Magkano? Hanggang alas-10?" "Bigyan po kitang 300. Opo, hanggang alas-10." "Akin na. Para makapunta na ako. Siyempre kailangan kong mag-iwan ng bigas sa mga apo ko." Inilabas ko agad ang wallet at ibinigay rito ang napag-usapan. Pagkatapos ko roon ay bumalik na ako sa bahay. Sinubukan kong magpahinga dahil may kaunting oras pa. Pero hindi rin talaga kaya. Kaya naghanda na ako sa pagpasok. Sa tuwing umaalis ako ay mukha akong ewan sa mga suot ko. Hanggat kayang itago ang trabaho ay ginagawa ko talaga. Pero iyong ibang kapitbahay namin na walang ginawa kung 'di makipagtsismisan ay iniisip na talaga nilang pokpok ako. Kahit itanggi ko ay iniisip pa rin nila. Kaya bahala na sila. Pagdating ko sa club ay sa likod talaga ako dumaan. Nakasalubong ko pa ang ibang katrabaho na rito nag-e-stay in. "Si Mommy Rhea?" tanong ko. Dahil hindi ko nakita sa paborito nitong pwesto. "Nasa taas. Inaayos iyong mga bagong kurtina na binili." Sagot ng katrabaho ko. Kaya dali-dali naman akong nagtungo roon. "Ang aga mo." Puna ni Mommy Rhea nang makita n'ya ako. "Mommy Rhea, kailangan ko ng pera." Walang pag-aalinlangan na sabi ko rito. "Bakit? Na-ospital na naman ba si Rosally?" takang ani nito. Sabay turo sa tauhang nakatungtong sa upuan kung saan Banda isasabit ang kurtina. "Opo. Inatake na naman kanina kaya kailangan i-admit sa ospital." "Babale ka ba?" "Opo." "Sige. Wala namang problema sa akin iyon. Saka pwede kang magdalawang set mamaya. Kung gusto mo rin ay pwede kitang ialok sa mga customer." "H-indi po, Mommy Rhea. Pwede po iyong dalawang set ng performance. Pero hindi ko po gustong magpa-table." "Hays. Ewan ko naman sa 'yo, Bituin. Ang laki na sana ng ipon mong pera." "H-indi ko po kasi talaga kaya, Mommy Rhea." Bumuntonghininga ito. "Ang sabihin mo ay mataas pa rin ang pride mo. Pero isipin mo ito, Bituin. Kung may pera ka... hahaba pa ang buhay ng kapatid mo. Maiaalis mo siya sa impyernong lugar na iyon. Mabibigyan mo siya nang magandang buhay. Ang ganda mo, sayang ang perang pwede mong kitain sa ganda mong iyan." "S-ayaw lang, Mommy Rhea." "Bahala ka. Ikaw ang sasalang sa ikawalo at ikasiyam na performance. Masakit daw iyong tiyan no'ng isa. Deretso ang performance." "O-po." "Mag-ayos ka na roon. Kumain ka na ba?" "Hindi pa po." "Kumain ka na muna bago ka mag-ayos." "Opo." Saka ako umalis. Halos lahat naman kaming mga nagtratrabaho rito ay kapit na lang sa patalim, eh. Kahit iyong mga bouncer dito. Kapag natipuhan sila ng customer at maganda naman ang bigayan ay pumapayag na rin na ilabas sila. Ako na nga lang yata iyong pagsasayaw lang ang ginagawang trabaho rito. Lang? Sa lahat ng mga naging trabaho ko sa labas... ito ang pinakamahirap. Pati kasi'y dignidad ay itinataya ko na. -- Isang masigabong palakpakan ang pumuno sa bulwagan nang lumabas ako. Isa na namang gabi na kailangan kong magbingi-bingihan kahit pa puro mga bastos na salita ang maririnig sa mga taong narito. "Ang sarap-sarap mo talaga!" malakas na hiyaw ng isang matandang lalaki. Kung artista siguro ako, itong matandang lalaki na ito ang isa sa matatawag kong avid fan. Marahan pa lang akong gumigiling ay nagbabato na sila ng pera. "Lamasin mo." Utos ng isa. Nakita kong may hawak itong isang libong papel. "Lamasin mo at mapapasaiyo ito." Agad akong sumapo sa dibdib na natatakpan pa ng tela. Nang gawin ko iyon ay bahagya pa akong napakagatlabi. Nang-aakit pati ang mapulang labi. Napapito ang lalaki na sumenyas pa na parang nilalamas nito ang dibdib ko. Nang ibato nito ang pera ay dali-dali kong kinuha iyon at inipit sa panty na suot ko. Tuluyan kong hinubad ang bra na suot ko. Naghiyawan ang lahat. Patuloy ako sa paggiling. Mas pinaghusay ko. Malaki ang kailangan kong pera kaya kailangan marami akong makupit ngayong gabi. Sa tip kasi ay kaunti lang ang makukuha ko kung si Mommy Rhea ang mismong mag-aabot sa akin. Kaya hindi rin maiwasang mangupit talaga ako. Kailangan ko talaga ng pera. Pikit na lang talaga ang mata para lang magkapera. Nakuha ko pang mag-twerk kaya mas lalong naulol ang mga tao. Sobrang daming pera na itinatapon at lahat ng mga iyon ay pinulot ko. Wala akong itinira. "Pahawak naman. s**o lang." May bahid nang pakiusap na ani ng matandang lalaki na halos iangat na sa gilid ng entablado ang katawan. Lasing na ito. Pero bantay sarado naman ng mga bouncer. Nang matapos ang mahaba-habang performance ko ay naglakad na ako patungo sa backstage. Pasimpleng naghuhulog ng pera sa boots na suot. Hanggang sa makarating ako kay Mommy Rhea na malawak ang ngisi. "Ang dami n'yan, Bituin." Proud na proud na ani ng matandang babae. Saka sinimulang bilangin ang perang naihulog ko. "Oh, ito iyong bale mo." Doon din n'ya kinuha sa mga tip iyong baleng iniaabot n'ya sa akin. Pinaghirapan ko iyon, dapat ay hindi na iyon counted as bale. Tip naman iyon mula sa mga customer. "Limang libo. Sa sahod sa katapusang ay bawas na ng limang libo ang sahod mo, ha." Napatitig ako sa perang ngayon ay inilagay na nito sa palad ko. "Oh, ito iyong parte mo sa tip ngayong gabi." Naglapag ito ng isang libo. Iyon na iyon? Ang dami kong nakuhang pera. "Ang dami talagang gusto lang maikama, Bituin. Kanina ay may lumapit sa akin. Gusto ka raw n'yang masolo. Sasayaw ka lang sa harap n'ya. Hindi ka n'ya gagalawin. Ang hirap man pero tinanggihan ko. Siyempre ikaw pa rin ang masusunod." "Ayaw ko po no'n." "Alam ko. Kaya tinanggihan ko. Oh, sige na. Umalis ka na. Bisitahin mo ang kapatid mo. Hindi ka nga lang pwedeng um-absent bukas. Ayaw kong may oras na mabakante sa club na ito. Kung absent ka... tanggal ka agad. Pasensya ka na, Bituin. Alam mo naman ang policy natin." "Opo, Mommy Rhea. Papasok po ako bukas." Sinipat ko ang orasan. "Magbibihis na po ako. Kailangan ko pang dumeretso sa ospital." Paalam ko rito. Saka ako tumayo at kinuha na ang bag. Saka ako pumasok sa banyo. Anim na libo. Iyon ang makupit ko. Mali man. Pero iyong anim na libong nakupit ko'y malaking bagay na sa gastusin. Dali-dali kong nilinis ang katawan ko. Dederetso ako sa ospital. Tiyak kasing wala na si Manang Caridad doon lalo't mag-alas 12 na. Balot na balot na umalis ako ng club. Sa likod ulit ang daan. Binagtas ang madilim na eskenita. Dahil yukong-yuko ay hindi ko man lang napansin na may kasalubong pala ako. Bumungo ako. "A-ray." Reklamo ko. "Sorry, miss." Matigas na ingles ng lalaking nagsalita. Para akong bumungo sa pader. "Are you okay? Let me help you." Akmang hahawakan ako nito dahil napasalampak ako sa lapag. Pero mas mabilis ang naging kilos ko. Pinilit kong tumayo at dali-daling nagpatuloy sa paglalakad na hindi man lang tinignan ang lalaki. Tinatawag ako ng lalaki pero hindi ako lumingon. Baka galit sa club ang lalaki... baka makilala ako. Kaya naman hindi na ako nakinig pa sa pagtawag nito. Nakalayo na ako saka ko lang na realize na parang may nakasabit sa palda kong mahaba. Sa liwanag ng poste ay tinignan ko iyon. Sumabit sa palda ko ang isang wallet. Kapit na kapit sa tela ng palda ko iyong manipis na wire na ginamit para pagsamahin ang wallet at keychain. Nang tignan ko ang loob ng wallet ay parang nanginig ako nang makita ko ang loob no'n. Pera. Maraming pera. Marami ring cards. Tapos may ID pa. ID na tiyak kong pag-aari ng lalaking nakabanggan ko kanina sa madilim na eskenita. Prince Quiran Mcfline. Basa ko sa pangalan ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD