Chapter Eight
"Wala kang pasok ng linggo, anong ginagawa mo rito?" takang ani ni Mommy Rhea sa akin. Wala pa akong maayos na tulog, nakaidlip lang ako. Pero wala talagang deretsong tulog.
"Mommy Rhea, may contact po ba kayo roon sa VIP na sinasabi ninyo?" bahagyang umawang ang labi nito na waring hindi makapaniwala. Mukhang may idea rin naman ito kung saan patungo ang tanong ko na iyon.
"Of c-ourse, Bituin."
"B-aka pwedeng mag-perform ako sa kanya. Baka pwedeng ngayon. K-ailangan ko po ng pera."
"Lagi mo namang kailangan ng pera." Medyo sarcastic na pagkakasabi nito. Kaya hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko sa harap nito.
Muntik nang mawala sa akin ang kapatid ko. Weakness n'ya ang usok, pero matagal siyang na expose sa usok. Habang naghihintay ako kahapon ay paulit-ulit kong sinisi ang sarili ko. Kung hindi sana ako umalis sa tabi nito... wala akong kwenta.
"Kailangan ko po ng pera para mabuhay ang kapatid ko, Mommy Rhea. Kailangan ko nang malaking pera para magkaroon siya ng mas maayos na bahay... mas maayos na buhay."
"Nasa ospital na naman?"
"Opo. Kagagaling lang last week ay ibinalik ko na naman kahapon. Nasunog ang bahay namin, Mommy Rhea. Isa pa iyon. Hindi ko alam kung saan ko iuuwi si Rosally. Wala na kaming bahay."
"Iuwi mo muna siya rito. May kwarto sa likod. Pwedeng paganahin iyong aircon doon. Papahiramin ko rin kayo ng gamit. Pero kailangan mong magbayad ng renta, tubig, kuryente, at pati pagkain. Aba'y walang libre."
"T-alaga po?"
"Tumahan ka na d'yan. Maligo ka at maghanda. Tatawagan ko ang VIP natin. Kung hindi siya available ngayon ay sa ibang guest kita dadalhin." Mariin akong napalunok. Tumango ako rito at kumilos na para gawin ang utos nito.
Pumasok ako sa banyo dala ang mga isusuot ko.
Naibilin ko naman kay Nurse Lerry si Rosally. Tulog pa nga ito no'ng umalis ako. May mga sinabi iyong doctor na dahil bobo ako't walang pinag-aralan ay hindi ko naman naintindihan. Ang tumatak lang sa aking isipan ay ang perang kakailanganin ko.
Kung malaki ang kikitain ko sa VIP room... plano kong ilipat ng ospital ang kapatid ko.
Habang naliligo ako'y pumapatak ang luha ko. Pagod na pagod ang katawan ko. Pero alam kong hindi naman bibigay iyon dahil sa determinasyon kong kumita para kay Rosally.
Nilinis kong mabuti ang aking katawan. Saka ko iyon tinuyo. Iyong mga lotion na bigay ni Mommy Rhea sa akin na gamitin ko raw para maalagaan ang balat ko ay ginamit ko rin. Nagbihis din ako, isa sa pinaka-sexy na costume ko ang ngayon ay suot ko. Kulay pulang bra na may mga desenyo pang kumikinang. Habang ang panty ay parang iyong harap lang ang natakpan. Kaunting pagkakamali ay deretso na sa hiwa ang takip. Pinatungan ko na iyon ng manipis na cover-up. Kulay pula rin. Saka ako nag-makeup. Makapal na makapal. Nagmukha tuloy fierce. Saka ko isinuot ang aking maskara.
Nang titigan ko ang sarili ko sa salamat ay ibang-iba na ako roon. Alam kong hindi si Bituin na mahal na mahal ni Rosally ang nakikita ko roon, hindi kilala ni Rosally ang babae sa salamin. Pero ang tiyak ko lang ay ang nakikita ko roon ay isang babae na labis-labis na nagmamahal sa kapatid niya na kayang gawin ang lahat para rito.
"Bituin, pumayag na siya. Iyong tauhan niya ay pupunta rito para makipag-usap sa 'yo sa magiging deal ninyo---"
"Bakit po ang komplikado? Sasayaw lang po, 'di ba?"
"Oo, hija. Mag-uusap kayo para panatag ka." Napayuko ako.
"Mag-ready ka na."
"Okay na po ako. Tapos na po akong mag-ayos."
"Sige. Dito ka lang. Baka may magawing customer sa labas ng silid na ito at baka maulol pa sa 'yo. Grabeng katawan iyan, Bituin." Pinuri ako, pero mas lalo akong nanliit sa sarili ko. "Galingan mo later. Para naman bumalik pa iyon dito at umulit." Tango lang ang naging sagot ko rito.
Naghintay lang kami ng 20 minutes ay dumating ang isang babae.
"100k para sa unang gabi."
"Talaga?" excited na ani ni Mommy Rhea.
"Pero may mga kondisyon si boss. Oras na magkasundo ay hindi na magpe-perform si Bituin sa entablado. Exclusive na siyang magpe-perform kay boss."
"Ha? Paano naman kung matagalan ang balik niya?" ani ni Mommy Rhea. "For sure hindi naman gabi-gabi ang punta ni boss."
"May ibang offer sa 'yo, Rhea. Kayo na lang ang mag-usap ni Boss. Pero ngayong gabi ay willing siyang magbigay ng 100k para sa gagawing performance ni Bituin. Kayo na ang bahalang maghati ng alaga mo, Rhea."
"Oo. Anong oras ang dating niya?"
"On the way na siya." Tipid na tugon ng babae. "Pinakain mo na ba itong alaga mo?"
"Mamaya pa iyan kakain. Maaga pa."
Lumipas ang isang oras ay dumating ang VIP. Ang boss ng babaeng kasama namin sa silid na ito.
"Dumeretso na si boss sa VIP. Handa ka na ba, Bituin?" tumayo na ako. Bahagya pang nanginig ang tuhod ko. Pero agad ko rin namang na balanse ang sarili ko.
"Tara na." May nag-escort pa sa amin na mga bouncer. Pumanhik kami sa second floor ng club na ito.
Bago pa ako makapasok ay hinarap muna ako ni Mommy Rhea.
"Galingan mo, Bituin. Sulitin mo ang bayad ng VIP sa loob. Hubarin mo ang panty mo." Paalala pa nito.
"O-po."
"Isipin mo na lang na makakapag-uwi ka ng 50k kapag ginalingan mo. Bigyan mo nang sulit na palabas ang boss sa loob." Tango lang ang naging tugon ko. Binabalot na ako ng kaba.
"Alalahanin mo si Rosally. Kung gusto mo siyang mabigyan nang magandang buhay ay galingan mo." Iyong kabang nararamdaman ko ay biglang naglaho nang marinig ko ang pangalan ng kapatid ko.
Nang bumukas ang pinto ay itinulak na ako ni Mommy Rhea papasok. Iyong nagbukas ng pinto ay lumabas. Nang lumakad ako'y malikot din ang aking mata. Gumala ang tingin sa paligid.
Sa pwesto ng couch ay masyadong madilim. Bulto lang ng isang malaking lalaki ang kita ko. Hindi ko makita ang mukha nito. Ang liwanag lang na nasa kwartong ito ay nakatutok sa pole. Bago ako lumapit doon ay in-play ko muna sa speaker iyong tugtog.
Saka dahan-dahan akong lumakad na akala mo'y nang-aakit. Nang makalapit ako sa pole ay agad akong kumapit doon. Ang tingin ay nasa bulto ng taong hindi ko makita ang mukha. Wala akong idea kung matanda ba ito o sakto lang ang edad. Nagsimula akong gumiling. Ang bawat pitik ng balakang ay sumasabay sa maharot na tugtugin.
Walang mga lalaking sumisigaw at hayuk na hayuk sa harap ko. Pero iyong mga mapang-akit na kilos na ginagawa ko sa gitna ng entablado ay ginawa ko rin dito.
Kinalas ko ang suot kong bra at initsa ko sa paanan ng lalaki iyon. Nakarinig ako nang pagtikhim, pero tuloy lang ako sa performance ko.
Kailangan masulit ng taong ito ang bayad niya sa akin.
Ang malusog kong dibdib na nakabuyangyang ay marahan kong hinawakan. Nang-aakit ang bawat galaw.
Kahit nang humila ako ng upuan at naupo roon ay kalkulado pa rin ang kilos. Ngunit alam kong hindi na kinaya ng underwear ko, nawala na sa ayos.
Dahan-dahan kong inalis na rin iyon. Saka ko itinapon sa paanan ng lalaki. Alam ko... alam kong dinampot nito iyon kahit pa nasa dilim siya.
Mariin akong napalunok, ang p********e itinago sa mga hitang pinagdikit ay dahan-dahan kong ibinuka. Kinalimutan na ang natitira pang hiya.
Para kay Rosally. Para sa buhay ng kapatid ko na nais ko pang dugtungan.
Patapos na ang tugtog. Pero hindi ko tiyak kung sapat na ba iyong ginawa ko.
First time ko sa VIP room. Hindi ko pa kabisado ang kalakaran dito.
Nang matapos ang tugtog ay parang biglang gusto ko nang kumaripas nang takbo para lang ialis sa paningin ng taong kasama ko rito ang hubad kong katawan.
Mayamaya pa ay may inihagis itong robe. Dali-dali kong dinampot iyon at ibinalot sa katawan ko. Saka ko nga lang din napansin ang panginginig ng kamay ko. Nang mahigpit kong naitali iyon ay saka bumukas ang pinto, pumasok ang babaeng nakausap ko kanina. May kasunod siyang dalawang staff ng club. May dala ang dalawa na tray na puno ng pagkain. Ipinatong iyong sa table. Saka sila dali-daling umalis at narinig ko lang din muli na nag-lock ang pinto.
"Maupo ka." Napaiktad pa ako sa gulat dahil sa tinig ng taong nagsalita. Hinila ko iyong upuan na ginamit ko sa performance ko at inilapit ko sa mesa.
Ako, ang mesa, at ang lalaki na nakaupo sa couch at nakatago sa dilim. "Eat." Utos nito.
Dahil iniisip kong kasama ito sa bayad ng lalaki, sinunod ko ang utos nito. Nagsimula akong kumain. Parang patay gutom pa nga. Mas lumala ang panginginig ng kamay ko. Ngayon lang kasi ako kumain tapos masarap pa ang pagkain.
Baka nabababuyan na ang lalaki sa way ko nang pagkain. Pero hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Kumain ako. Huminto lang noong wala ng laman ang mga platong naroon. "You want more?" tanong nito. Hindi ko alam kung bakit parang kinikiliti ang tenga ko sa boses nito.
"T-ama na po."
"Busog ka na ba?" sa totoo lang ay hindi sapat iyon kahit marami. Ramdam ko talaga iyong gutom ko. Pero marunong naman akong makontento. Bago pa ako makasagot ay nagsalita ito. "Food, Nevara." Agad bumukas ang pinto. Kinuha iyong mga pinagkainan ko. Saka naglapag ulit ng tray roon. "Eat." Utos ng lalaki. Kaya naman muli kong nilantakan ang pagkain sa harap ko.
Alam kong pinagmamasdan ako nito, pinapanood ako nito kung paano ako kumain na akala mo'y patay gutom. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Inubos ko iyon, huminto lang noong masaid ko ang laman ng baso.
Saka ko pinunasan ang bibig ko gamit ang dulo ng robe.
Dumikit pa mga roon ang lipstick na kulay pula. Bahagyang kumilos ang lalaki. Bumagsak sa table ang tingin ko. May inilapag ito roon na sobre.
"Here's the payment." Agad ko namang dinampot iyon at sinipat. Napakarami ng pera. Malaking tulong iyon.
"N-agustuhan mo ba ang performance ko, b-oss?" tanong ko. Kung nagustuhan nito'y tiyak na babalik pa ito at kikita pa ulit kao ng malaki. Pero kung hindi ay tiyak na magtutuloy-tuloy pa rin itong pagvi-VIP ko. Kailangan kong makaipon.
"Woman," mariin akong napalunok at napatitig dito kahit hindi ko ito makita. "I want you... for myself only. Sa akin ka na lang magpe-perform. Dito sa silid na ito... kung kailan ko gusto."
"S-ige po, b-oss. Pero g-anito pa rin po ba kalaki ang ibabayad ninyo? Minsan lang po ba sa isang linggo? Sa isang buwan? Pasensiya na po kung naitanong ko. Kailangan ko po kasing makaipon."
"Malalaman mo." Tipid na tugon ng lalaki. Tumango naman ako. Mahabang katahimikan ang bumalot sa silid. "Pagsasayaw lang ba ang kaya mong gawin?" hindi ba enough iyong sayaw ko para makontento ito? Mukhang hindi.
"May gusto pa po ba kayong gawin ko? Kung mayroon po ay ibang usapan na po iyon. Ibang bayad din po iyon." Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob kong sabihin iyon. Paano pala kung gusto ako nitong hawakan? Paano kung higit pa sa hawak? Kaya ko ba?