Chapter Nine "Totoo na ililipat mo ng ospital ang kapatid mo, Bituin?" ani ni Nurse Lerry sa akin. Kababalik ko lang, at katatapos ko lang makipag-usap sa doctor ni Rosally. Pakiramdam ko kasi'y hindi enough ang maliit na ospital na ito para sa kapatid ko. "Oo, Nurse Lerry." "May pambayad ba kayo sa ibang ospital?" natigilan ako sa akmang pag-ayos ng kumot ni Rosally na tulog na tulog. "Baka naman mas lalo lang kayong mahirapan---" "Okay lang na mahirapan ako, basta madugtungan ang buhay ng kapatid ko." "Kaya naman dito iyan---" "Mas kaya sa ibang ospital." Bumuntonghininga ang lalaki. "May hindi ka ba nagustuhan na serbisyo rito?" "Ha? Wala naman. Sadyang gusto ko lang maipasuri pa si Rosally sa ibang doctor. Baka may sakit pa siyang hindi nakikita sa ospital na ito." "Dahil ba m