6

1575 Words
Chapter Six Wala pa rin tigil si Mommy Rhea sa pagpilit sa akin na mag-perform sa VIP room. Pero sa gabi-gabing naroon ako sa club, ang tanging sagot na natatanggap nito sa akin ay hindi, pagtanggi, na alam kong ikinakainis na nito. "Gabi-gabing narito iyong customer para lang masolo ka, Bituin. Ano lang ba naman iyong magsayaw ka sa harap niya. Hindi ka naman hahawakan. Payag nga rin siyang magsama ka ng bouncer para lang makatiyak na hindi ka mapapaano roon. Ang arte mo, ha. Ang laki na ng naitulong ko sa 'yo. Pero ako hindi mo man lang ako matulungan. Malaking bagay iyong bayad niya kapag nag-perform ka. 50/50 tayo roon, Bituin. Tulong mo na rin sa akin iyon. Noong nasa kalye kayong magkapatid ay ako naman ang tumulong sa inyo. Inihanap ko kayo ng bahay na pwede ninyong upuhan. Hinanapan kita ng trabaho, pero rito ka sa club ko nagtagal. Dahil sa club na ito ay napapakain mo ang kapatid mo umaga, tanghali, at gabi. Nakakabili ka rin ng gamot niya. Naidadala mo sa ospital kapag emergency. Ang luwag ko ring boss sa 'yo. Ngayong nakikiusap ako'y hindi mo man lang ako pagbigyan. Nauubos na ang pasensya ko sa 'yo, Bituin." "S-orry po, Mommy Rhea." "Pagbibigyan kita ngayon. Pero pag-isipan mo, ha. Sa lunes... kung dumating iyong VIP at hindi ka pa rin pumayag. Maghanap ka na ng trabaho." "Mommy Rhea," nabigla ako sa narinig ko. "Bituin, baka sakaling makahanap ako ng ibang babae na papayag na sumayaw sa VIP. Sayang ang pasweldo ko sa 'yo kung puro ka tanggi. Baka may makita akong mas desperada pa sa 'yo. Baka iyon ay pumayag sa offer." Saka ako nito nilayasan. Bagsak ang balikat na umalis na rin ako. Paano kung totohanin nito ang pagtanggal sa akin? Medyo maayos ang kita ko rito, may trabaho ba ako na pwedeng ipalit para sa tulad ko na walang pinag-aralan? Kaya bang tustusan iyong mga pangangailangan namin ng kapatid ko? Naglalakad ako ngayon sa madilim na eskenita na parang wala sa sarili. Naiiyak ako. Parang tinanggalan na ako ng options ni Mommy Rhea. Importante pa rin ang trabaho ko sa akin, hindi kasi ako pwedeng mawalan ng trabaho gaya ng iba. Kung sila'y afford na mawalan ng trabaho kahit pa abutin ng isang buwan. Ako hindi. Hindi ko afford na mabakante kahit pa isang buwan. Nakarating ako sa sakayan ng ligtas. Agad na nagpahatid sa Barangay San Pedro. Pagod na pagod ako, hinihila na nga ako ng antok pero nilabanan ko. Uso pa naman ang nakawan, at isa pa sa pinakamasaklap ay p*****n. Nang makarating sa aming bahay ay agad akong nagbayad. Iyong ibang mosang ay gising pa. 12:05 na. Wala pa yata silang balak na matulog. Nang pumasok ako sa bahay ay inabutan kong tulog na si Rosally. Dahil medyo paranoid akong ate, dahan-dahan ko pang inilapit ang daliri ko sa tapat ng ilong ni Rosally. Palagi kong ginagawa iyon. Gano'n ako katakot na mawalan ng kapatid. Baka kasi'y sa isang kisap at makampati ako'y mawala ito sa akin. Nang matiyak na humihinga ito'y nagpasya na akong magpalit muna. Pagkatapos ay nagpasya akong bilangin ang kinita ko na naipon ng ilang araw. Nabawasan iyon sa mga pinamalengke kong pagkain namin, tapos gamot at vitamins ni Rosally. Kukulangin iyon kung lahat ng mga ipinangako ko kay Rosally ay tutuparin ko. Pero excited na rin kasi ito. Wala sa sariling lumapit ako sa cabinet. Sa pinakailalim ay kinuha ko ang wallet na napulot ko. Sobrang kapal talaga no'n at halos hindi na maitupi. Naroon ang mga ID at cards. May business card pa nga iyon. Pwede kong tawagan ang may-ari. Pwede akong manghiram ng cellphone para makatawag dito. Pero sa isang ilang araw na lumipas ay hindi ko iyon naisip na gawin... hindi ko binalak na gawin. Prince Quiran Mcfline. Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki, sobrang gwapo nito. Wala pa akong nakitang ganito kagwapo sa club sa gabi-gabi kong pagpe-perform doon. Pero itinigil ko rin ang pagtitig sa larawan. Mas pinili kong ilabas ang napakaraming perang papel. Nang bilangin ko iyon ay umabot iyon ng 60k. Ito na iyong sagot sa mga pangako ko kay Rosally. Napatitig ako sa mukha ng kapatid ko, sa isang guhit ng pawis na dumaloy sa noo nito. "Kung pati pagnanakaw ay kailangan kong gawin para maging masaya ka... handa akong gawin." Naluluhang tinignan ko ang perang hawak ko. Alam ko namang hindi ko hawak ang buhay ng kapatid ko. Pero ginagawa ko ang lahat para humaba ang buhay na iyon. Pero dahil nga hindi ko hawak... gusto kong habang kasama ko pa ito ay maranasan nito iyong mga bagay na pwedeng magpasaya rito. Nakabuo ako ng desisyon. Gagalawin ko ang perang ito. Mali, pero wala eh. Hindi pa kasi ako ipinapanalo nang pagkakataon. Iniayos ko ang mga iyon. Hindi ko na ibinalik sa wallet ang pera. Iyong pera ko at iyong perang galing sa wallet ay pinagsama ko na. Ibinalik ko sa cabinet ang wallet. Saka ko naman inilagay sa bag ko ang perang naipon ko. Nang matiyak na maayos na ay humiga na ako sa tabi ng kapatid ko. -- "ATE BITUIN, promise po'y hindi ako maglilikot. Hihintayin po kita rito." "Mabilis lang ako. Ibibilin kita kay Manang Caridad na silip-silipin habang wala ako. Sabado ngayon, wala akong pasok. Kaya ngayon ako mamimili ng mga naipangako ko kay Rosally. Excited din ako. Sinasadya kong hindi isipin ang perang gagalawin ko. Ayaw kong masyadong magpaapekto sa konsensya ko. Pagdating sa bayan ay agad akong nagtungo sa opisina ng kuryente. Sinunod ko ang instructions nila. May binayaran din ako na sa totoo lang ay ikinangiwi ko, pero pikit na lang ng mata. Para naman iyon kay Rosally. Pagkatapos ko roon ay sa palengke na. Sa bilihan ng mga gamit. Electric fan na naka-sale ang una kong hinanap. Mayroon tag-550 na dali-dali kong binili. Sa foam naman ay mayroon akong nakita na medyo may kalaparan at sakto sa amin ni Rosally, kinuha ko na rin. Pati extension wire ay hindi ko nakalimutan. Pagkatapos ay nagbayad ako at nakiusap sa baggage counter na daraanan ko na lang iyon kapag nakakuha na ng tricycle. Sunod ko naman ay sa tindahan ng cellphone sa palengke. Kahit hindi latest, kahit isa na sa old model ay binili ko pa rin. Naka-buy one take one rin kasi iyon. Kinompleto ko na pati sim card. Sunod ay grocery store naman. Ilan lang ang binili ko roon. Saka sunod sa palengke. Wala akong oras maglibot-libot pa. Iyong mga kailangan ko lang ang kinuha ko. Pagkatapos ko ay kumuha na ako ng tricycle. Dinaanan namin iyong foam at electric fan bago dumeretso pauwi. Pagdating sa tapat ng bahay ay nagbayad agad ako saka binuhat na iyong mga pinamili papasok. Nang okay na ay lumapit muna ako kay Rosally, in-check ang paghinga nito. Nang maramdaman kong okay ay inasikaso ko na ang tanghalian namin. "Ate, tae po ako." Nasa kusina na ako. Napaso pa nga ako sa kaldero dahil sa labis na gulat. Dali-dali akong nagpunta sa kanya. "Halika---" "N-akatae na po ako." Bakas sa tinig nito na paiyak na ito dahil sa hiya. "Oh, ayos lang iyan. Buhatin ka ni ate. Paliguan na rin kita." "Sorry po." "Okay lang iyon. Saka maglalaba ako mamaya. Huwag ka nang mahiya. Okay lang." Assurance ko rito. Binuhat ko ito. Nangangamoy pero hindi ko ipinahalata. Mas lalo itong mako-conscious, baka mahiya pa sa akin at hindi na pumayag na asikasuhin ko. Sanay naman na ako. Simula no'ng naulila kami, ako na ang gumawa ng lahat para rito. Nilinis ko siya, deretso ligo na rin. Panaka-nakang iniiwan para i-check iyong niluluto. Pero sa totoo lang ay mas priority ko itong asikasuhin. "Nabili mo po lahat ng mga sinabi mo po, ate?" nabihisan ko na ito. Tinutuyo ko na nga ang buhok nito para masuklayan at maipitan ko ito. "Oo. Mamaya lang din ay may magkakabit na rito sa bahay ng kuryente. Excited ka na?" "Opo, ate. Sobrang excited na po ako." "Ayan! Mas lalong gaganahan si ate dahil excited ang Rosally ni ate." Sinuklayan ko naman ito. Tinirintas ko na rin ang buhok nito. "Dito ka lang muna sa papag. Asikasuhin ko lang iyong lunch natin." "Opo." Iniwan ko ito. Nasa kusina na ako nang marinig ko si Rosally na tinatawag ako. "Ate, may mga tao." Kaya naman dali-dali akong nagtungo sa harap at tinignan ang mga taong sinasabi nito. Nandito na iyong mga magkakabit ng kuryente. Mabilis lang naman nilang naiayos. Inimbitahan ko pa silang mag-merienda pero tumanggi na sila. Kaya naman nang makaalis sila ay excited kong sinubukan ang electric fan. Gumana agad iyon. Sa kusina ko muna ipinuwesto. Saka ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. "Lumpo! Lumpo! Ano ka baby? Binubuhat ka pa ng ate mo." Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko iyon, at kahit pa kumukulo na ang tinolang inihahanda ko'y lumabas ako. Ang kapatid kong naiiyak ay agad napatingin sa akin. "Ate, inaaway po niya ako." Turo nito sa batang nakasilip sa bakod. Iyong apo ni Manang Prencesita. "Hoy!" inis na bulalas ko sa bata. "Mga mahihirap kayo. Mga mababaho." "Tumigil ka nga." Inis na ani ko. "Ikaw nga mukha kang hindi naliligo ng sampung araw." Lumapit ako sa kapatid ko't niyakap ko ito. "Lolaaaa!" biglang iyak ng bata. Kaya naman binuhat ko na si Rosally papasok. Tiyak na mapapaaway na naman ako. Ayaw kong masaksihan iyon ng kapatid ko. Baka manikip pa ang dibdib nito. Malaking problema pa kapag nahirapan huminga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD