Chapter Twenty Wala ng pera. May malaki pa akong utang kina Sassy at Dyosa. Isinulat ba talaga ang buhay ko... namin ni Rosally na ganito kasalimuot? Bakit? Bakit kailangan mangyari ito? Para kaming pinaglalaruan, tapos kahit lumaban kami ay talo pa rin. Nandito na kami sa ospital. Naghihintay kami rito sa waiting area habang inaasikaso si Sassy na ang balang tumama rito ay nakabaon pa. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Si Rosally ay hinawakan ang kamay ko at bahagyang pinisil. "Okay ka lang, ate?" ani nito. Gustong-gusto kong umiling kasi hindi naman talaga ako okay. Pero dahil alam kong mag-aalala ito ay pinigilan ko ang sarili ko. "O-oo. Okay lang si Ate Bituin. Pagsubok lang ito, Rosally. Kayang-kaya natin ito." Kahit gano'n ang sitwasyon ay hindi ako pwedeng sumuk