Chapter Twenty-one Tulala ako. Hindi mawala sa isip ko ang perang nawala sa akin. Kisapmata lang. Pinaghirapan ko iyon, pero madali lang ding nawala sa akin. "Hoy, anong drama iyan?" puna ni Dyosa sa akin na pumasok ng kusina at inabutan akong luhaan. Luhaan na pala'y hindi ko pa namalayan. "Iniiyakan mo ba iyong perang nawala?" "Sinong hindi maiiyak, Dyosa. T-atlong milyon iyon. Pinaghirapan ko iyon. Kinailangan ko pang ibaba ang sarili ko para lang sa pera na iyon. Pero kinuha lang ng mga demonyong iyon. Malaking tulong na sana, eh. Tapos gano'n na lang kadaling nawala." Napayukyok ako sa mesa. Ang mga balikat ay bahagya na ring yumuyugyog dahil sa pag-iyak ko. "Huwag mong iyakan. Dapat nga'y maging thankful ka pa dahil safe kayong magkapatid. Ang pera'y kikitain mo pa. Ilang bukak