CHAPTER THREE
College Days
MARIZ
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Actually hindi sana maaga pero noong makita ko ang alarm reminder na: OPERASYON TRABAHO SA PANADERYA NI KUYA LEO, ay agad akong bumangon. Ginawa ko muna ang mga morning kemerut ko bago lumabas ng kwarto. Ang tahimik ng buong apartment kaya paniguradong tulog pa si Erza. Dumiretso ako sa may kusina. Hati kami sa groceries dito sa apartment. Ako ngayong buwan at sa susunod na buwan naman ay si Erza. Nagkasagutan pa nga kami nooong una eh. Mayaman kasi sila Erza, kaya ang sabi niya ay siya nalang daw sa groceries pero hindi ako pumayag. Alam kong mabait si Erza at ayoko namang isipin niyang isa akong manggagamit na kaibigan. Sabi nga nila, lahat ay may limitasyon at nirerespeto naman ni Erza ang desisyon ko. Ipinaliwanag ko naman sakanya at okay naman siya don. Pero paminsan minsan ay kinukumbinsi niya ako na siya namang paulit-ulit ko ding tinatanggihan.
Nagsaing ako ng kanin at nagluto ako ng tortang talong na tatlo isa para sakin at dalawa para kay Erza. Kahit naman na mayaman yun ay mahilig siya sa gulay. Ang takaw niya nga eh. Nagkakamay pa nga siya minsan. Sabi niya para daw ma-feel ang sarap ng pagkain. Mabuti na nga lang ay hindi siya maarte sa pagkain kahit na ganon ang estado niya sa buhay. May mga tao kasi na kahit konting angat lang sa buhay ay akala mo naman kung sino umasta. Ang arte at sobrang mapili. Ayaw sa tuyo na dati naman kinakain nila. Minsan pa nga nang-aapi sila ng kapwa nila.
Inilapag ko sa mesa ang naluto ko. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor. Nagtimpla din ako ng kape. Noong makita kong maayos na ang hapag kainan ay nagpunta ako sa kwarto ni Erza para gisingin siya. Ang rule kasi dito sa bahay ay sabay kaming kakain. May pupuntahan man ang isa samin kailangan ay sabay kaming kumain. Nakaugalian siguro ni Erza yun sakanila kaya hanggang dito sa apartment ay nai-a-apply niya. Okay lang din naman sakin kasi mas masaya kumain kapag may kasama.
“Gising na madam. Handa na ang breakfast,” niyuyugyog ko pa siya habang nagsasalita. Nagtalukbong lang siya ng kumot at tinalikuran ako. Pahirapan talaga ang paggising sa babaeng to. Niyugyog ko ulit siya at ang boba binato ako ng unan. Sa inis ko ay pinulot ko ang unang ibinato niya at binato ko ulit yun sakanya. Hindi man lang siya gumalaw. Kaya naman ginawa ko ang alam kong magpapagising sakanya.
“MAE SANTILLAN!!!!”
Ayaw na ayaw ni Erza sa second name niya. Kaya hindi na ako nagulat noong bigla siyang bumangon at muntik pang mahulog sa kama. Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa itsura niya. Para siyang naipit na sushi dahil sa kumot na nakabalot sakanya.
“MARIZ SKY DEL MONTE!”
Tumakbo ako palabas ng kwarto niya at dumiretso sa kusina at naupo na. Sinimulan ko ng kumuha ng kanin at ulam. Maya maya pa ay lumabas si Erza at halatang nakapag-ayos na kasi mukha na siyang tao. Umupo siya sa harapan ko at nagsimula na ding kumuha ng pagkain. Inabot ko sakanya ang kape at isang baso ng tubig na may kasamang dalawang Advil.
“Thanks babe. Grabe, hangover ang papatay sakin. Hindi na ako iinom ng ganon ulit,” sabi niya pagkatapos ay ininom ang gamot.
“Narinig ko na din yan last month pero kagabi nga uminom ka nanaman. Mukha kang tanga kagabi Ez,” sabi ko sabay subo ng kanin. Kumakain na din naman siya.
“Jusko ano nanamang katangahan ang ginawa ko?” tanong niya. Lumunok muna ako bago sumagot. “Nakipag-inuman ka doon sa table nila Adrian tapos kung ano anong sinabi mo. Kumanta ka pa nga ng pusong bato eh at kamuntikan ka na ding bumaba para magtwerk sa highway,” sabi ko.
“s**t,” sabi niya sabay subo ng kanin. Tumawa lang ako. Ganito ang umaga namin ni Erza. Akala siguro ng iba ay ang lungkot kasi dalawa lang kami pero nagkakamali sila. Ang saya kaya. Tamang kwentuhan lang pero hindi namin to nagagawa kapag may pasok kasi sure na male-late kaming dalawa. One time nga nalate kami at natyempuhan pa naming major subject tapos terror yung Prof namin. Ang ending, napalabas kami ng room. Sobrang na-stress ako ng araw na yun pero si Erza hindi. Tuwang tuwa pa nga eh kasi may time daw siyang tumingin ng pogi sa hallway. Ikaw ba naman ang 1 hour and 30 minutes na nasa labas.
“Pero real talk yung sinabi mo kagabi?” pambabasag niya sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan.
“Ang alin? Yung tungkol sa kidnapper?”
“Gaga hindi tayo kids,” isnob niyang sabi sakin. “Yung tungkol kay Adrian ang tinutukoy ko,” sabi niya sakin at tinignan ako. Kapag ganyan yung klase ng tingin niya ay seryoso talaga siya kaya naman tumango ako. Totoo naman kasi eh, crush ko yung tao. Ide-deny ko pa ba?
“Sureness ka ba jan friendship?” tumango ulit ako sakanya, “Wala ng atrasan yan ha. Ibubugaw na kita kay Adrian. Don’t worry, sure win ka don,” natatawang sabi niya wala na ang seryosong Erza. Natawa nalang ako. Hindi ko din naman siya mapipigilan kahit anong gawin ko at kung ako lang din ang papipiliin okay lang para mapansin niya ako.
“Anway Norway anong oras ka pupunta kila Kuya Leo? Hatid na kita sakto pauwi din naman ako.”
“8 baks. 6:54 pa lang naman. Pero maligo ka na. Ako na maghuhugas. Nakaligo na ako eh,” tumango siya at pumunta na sa cr para maligo. Nagligpit naman ako ng pinagkainan namin at naghugas na.
TUMIGIL kami sa harap ng panaderya nila Kuya Leo. Tanaw na tanaw ko silang dalawa ni ate Lara na nagtutuksuhan. Isang malaking sana all. Pero may lovelife naman na ako eh. Oo may jowa na ako si Adrian. Hindi nga lang siya nainform na jowa ko siya.
“Sunduin kita bukas?” tanong ni Erza sakin. Tumango ako at tinanggal ang seatbelt. Buti nalang talaga may hangover pa siya dahil kung hindi ay hindi naging matiwasay ang pagdra-drive niya.
“Sige, babush na bebe love. Enjoy mo ang one day rest. See you bukas,” sabi niya sakin sabay beso. Ako naman ay lumabas na para makaalis na din siya. “Ingat ka. Dahan-dahan sa pagdra-drive,” kinindatan lang niya ako at pinaandar ang sasakyan. Pinanood ko lang siya umalis.
“KUYA!” masayang sabi ko at tumakbo papunta sa pwesto nila kuya. “Ate,” tinanguan ko si ate. Nginitian lang ako ni ate Lara. Ang ganda niya talaga.
“Oh pinsan, mabuti naman at andito ka na,” sabi ni kuya Leo. Nakahawak siya ng sa bewang ni
ate Lara. Ang sweet nila.
“Date na kayo?” tanong ko. Tumawa lang si kuya at ate. Pero alam ko namang busy silang dalawa. At dahil dakilang inosente ako alam ko na ang gagawin nila. Malamang sa malamang magjowa eh. Pero naisip ko ganyan din kaya kami ka-sweet ni Adrian?
“Oo. Kaya ikaw na muna ang bahala dito ha. Yung pera ingatan mo. Kung hindi mo na kaya andyan naman sila Aling Rowena,” sabi ni kuya Leo. Nag thumbs-up lang ako at pumwesto na. Isinuot ko ang hairnet na nasa bag ko. May baon kasi akong hairnet para hindi na rin ako bili ng bili ng hairnet kila kuya Macky. Nagtanong kasi siya noon sakin, ano daw ba ang ginagawa ko sa hairnet. Ikaw ba naman kada sabado bili ako ng bili kaya siguro nagtaka. Nawawala ko kasi.
DALAWANG ORAS na ang nakalipas simula noong dumating ako pero ang dami pa ring customer na dumarating. Mas dumoble nga ang pagdating nila dahil may mga nagmemerienda. Mostly, mga kabataan ang customers nila kuya Leo sa ganitong araw kasi sabado. Yung iba naman ay mga matatandang kakatapos lang magjogging. Wow, healthy living!
“Ang sarap talaga ng hopia nila Leo. Kaya hindi nakakasawang bumili dito dahil worth it. Babalik balikan pa rin namin lalo na kapag kakatapos magjogging,” masayang kwento nung babae.
“Ay pak na pak po kayo ma’am. Ang mga tinapay po kasi dito ay made with tender loving care kaya masarap. Balik po kayo ha at sana mag-aya pa kayo ng mga kasama niyo,” masayang sabi ko sabay abot ng hopia na inorder niya. Tamang sales talk lang. Ngumiti siya at nagpasalamat bago umalis. Umupo muna ako dahil kanina pa ako nakatayo. Hindi naman masyadong nakakapagod eh, lalo na kapag nakikita mo yung mga masasayang mukha ng mga customer dahil satisfied sila.
Dahil wala pa namang customer, tinignan ko yung cellphone ko. Naexcite akong buksan ang messages ko dahil may nakita akong nagtext. Pero agad din nabura ang ngiti ko noong 8080 ang nagtext. Malapit na daw magtapos ang Gosurf ko. Wala talagang forever, pati unli nagtatapos. Paano ko na mai-stalk si Adrian niyan. Kagabi ko lang kasi siya nakita. Nakalimutan kong mangstalk kanina dahil busy kami ni Erza, paalis na kasi kami eh. Hay, magpapaload nalang ulit ako mamaya para ma-stalk ko siya. Ang bongga ko talaga mag-isip. Ibinalik ko yung cellphone ko noong may customer na.
“Ano po ang sainyo—,” naputol ang sasabihin ko at nanlaki ang mga mata ko noong makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
Si Adrian mga bes!
Iniisip ko lang siya kanina pero heto na siya sa harapan ko. Lord, iniligtas ko po ba ang buong Pilipinas noon kaya lahat ng naiisip ko ay nagkakatotoo? Tinignan niya ako, nakakunot pa yung noo niya. Siguro nagtaka siya kung bakit ganito ang itsura ko. s**t, ang haggard ko ba masyado?! Hala, wala na, baka di na niya ako magustuhan! Itiniklop ko yung bibig kong nakanganga noong makita ko siya. Nakakahiya! Umayos ako ng tayo at nagkunwaring hindi ako ngumanga kanina. Bakit ba kapag kaharap natin ang crush natin may nagagawa tayong hindi maganda?! Sobrang nakakahiya tuloy!
“Hi Adrian,” todo ngiti pa ako jan, “Anong bibilhin mo?”
“Isang Capuccino tapos isang slice ng cassava cake. Dine in,” tuloy tuloy niyang sabi. Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita ay mali, nakatingin ako sa mapupulang labi niya habang nagsasalita siya. Ang gwapo niya talaga.
“Uy.”
“Akin ka nalang,” biglang sabi ko. Nanlaki naman yung mata ko. Ano ba naman yan! Nakakawala siya sa tamang huwisyo.
“Ano?” nagsalubong na yung kilay niya. Badtrip, nagalit ko ata siya. Eh sa hindi ako maka-concentrate kapag andyan siya eh. Kasalanan niya to, kaya wag niya ako sabihan ng ‘ano’ jan. Sisihin niya yung sarili niya kasi ang pogi niya masyado. Nakakadistract!
“Ah wala sabi ko wait mo nalang, 150 lahat. Ito oh,” sabi ko sabay abot sa number niya. Tumango naman siya at kinuha ang numero bago ako abutan ng 500. Sinuklian ko din siya. Aksidente kong nahawakan yung kamay niya. Napakalambot. Sa sobrang lamot mahihiya ang bulak. Sabi nung kaibigan niya sa club kagabi, magaling daw siya magbasketball. Iniisip ko tuloy kung ano pa ang kayang gawin ng mga kamay niya?
Habang hinahanda ko yung order niya ay hindi ko maiwasang silipin siya. Mag-isa lang siyang nakaupo at nagse-cellphone. Ano kayang ginawa niya sa phone niya? Nagpopost kaya siya ng story niya sa i********: at f*******:? Kailangan ko talagang magpaload mamaya para malaman ko. Inayos ko muna ang kape na order niya at ang cassava cake bago binuhat at naglakad papunta sa soon to be husband ko. Inilapag ko ang order niya sa mesa sabay kuha ng numero. Ang dami ng naging customer sila kuya na pogi pero si Adrian ibang level ang pogi. Aalis na sana ako noong nagsalita siya.
“Mariz diba?” tanong niya at tumango naman ako. “Salamat Mariz,” sabi niya sabay inom ng kape. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Bakit ba ganun siya? Bigla niya akong pinapakilig, hindi kinacareer ng heart ko! Bahala siya jan kapag ako na-heart attack mawawalan siya ng asawa. Pero hindi ko naman yon hahayaang mangyari. Hindi talaga hangga’t hindi pa nangyayari ang gusto kong mangyari. Hihi.
Ang akala kong mag-isa lang na Adrian ay nagkaroon ng mga kasama. Halatang mga basketball players sila kasi nakasuot sila ng mga jersey. Saka ko lang din napansin ang suot ni Adrian. Nakajersey siya. Yung jersey na may nakalagay na Educ sa harap at Peralta naman sa likod niya. Nakikita ko din yung mga mumunting buhok sa kili-kili niya. Imbes na madugyutan dahil may buhok siya doon ay mas lalo lang akong napogian sakanya. Ang ingay nila. Pero hindi naman sobrang nakakarindi pakinggan. Ang mga babae nga na andito including me sobra makatingin sa gawi nila Adrian. Parang gusto ko nalang tuloy siyang hatakin at itago sa bulsa ko para wala ng tumitingin sakanya. Nakakakuha siya ng mga atensyon sa mga babae. Dapat akin lang siya eh.
Nakita ko nalang na tumatayo na sila at nagsimula ng umalis. Tapos na pala siyang kumain. Bakit ang bilis naman?! Agad naman akong kumilos para linisin ang mesang iniwan nila. Pero bago pa sila makalayo ay biglang dumating si kuya Leo at ate Lara.
“Adi. Uy andito ka pala,” sabi ni ate Lara. Napatigil si Adrian dumaan at sinenyasan niya yung mga kasama niya na magpapaiwan muna saglit.
“Okay lang Lara Jean. Tol,” sabi niya sabay high five kay kuya Leo. Nagkamustahan lang silang tatlo habang ako ay tamang punas lang sa mesa. Kahit wala naman talagang mapupunasan. Ang linis nga ng mesa niya eh. Hindi siya makalat kumain. Dahil nakatalikod ako sa kanila hindi ko makita ang itsura ni Adrian. Gusto ko pa naman siyang tignan pero baka mapansin ni kuya Leo, ilaglag pa ako.
“Mariz kumain ka na ba? Lunch na,” saka lang ako humarap kila kuya noong marinig ko siyang magsalita. Wala na si Adrian doon noong humarap ako. Tsk, sayang.
“Tapusin ko lang to kuya. Kakain na din ako mamaya.”
“Oh sige hintayin ka nalang namin ni ate Lara mo,” sabi ni kuya at pumasok na sila sa loob. Ako naman ay inayos ang mesang pinag-upuan nila Adrian kanina. Inayos ko din ang iba pang mga mesa. Nagpulot na din ako ng mga nagkalat na dumi. Noong makita kong okay na ang lahat ay pumasok na ako sa loob. Naabutan ko sila kuya na naghahanda ng hapag kainan. Tutulong na sana ako noong pinigilan ako ni ate Lara.
“Wag na bunso, ako nalang. Kakatapos mo lang magtrabaho eh,” sabi niya sakin.
“Yieeeh. Ang sweet naman ng ate ko,” sabi ko sakanya sabay yakap. Tumawa lang siya. Kaya gustong gusto ko pumunta dito kila kuya Leo eh. Wala din naman sila Mama sa bahay kasi dakilang OFW silang dalawa ni Papa at sobrang proud ako dahil dun. Ginagawa nila ang lahat para makapag-aral ako kaya naman pagbubutihin kong mag-aral. Yun lang ang alam kong paraan para makabayad sa hirap nilang dalawa.
“Kuya, kilala mo si Adrian?” tanong ko kay kuya Leo habang kumakain kami. Kaming tatlo lang ang kumakain dahil nauna na daw kasi sila tita. Uminom muna si kuya ng tubig bago ako sinagot.
“Oo bunso. Kaibigan kasi siya ni ate Lara mo kaya naging kaibigan ko din,” paliwanag niya sakin. Si ate Lara naman ay tinanong na ako. Di pa nga ako nakakasubo ng tatlong kutsara feeling ko busog na ako kapag naaalala ko si Adrian.
“Bakit bunso? Inaway ka ba nun? Nako bully yun eh,” ay wow bully daw siya? Eh bakit mas daig pa namin ang A quiet place noong magkausap kami. Best in silent award na nga siya eh.
“Ah hindi po ate. Tinatanong ko lang naman po,” palusot ko.
“Teka nga hindi ka naman nagtatanong ng mga pangalan ng lalaki maliban nalang kung may gusto ka sa sakanila. Gusto mo si Adrian no?” tukso ni kuya sakin. Nagha-heart sign pa nga siya eh. Akala ng iba ang sungit ni kuya Leo pero jan kayo nagkakamali, sakanya ko natutunan ang pagiging bully. Nangingiti at natatawa lang si ate Lara sa amin. Sanay na kasi siya kapag nag-aasaran kami ni kuya.
“Hindi ko crush Kuya. Mahal ko na eh,” sinabayan ko si kuya Leo sa trip niya. Tinawanan lang niya ako dahil sa sinabi ko. Pinagpatuloy namin ang kumain ng tanghalian.
Nagliligpit kami ng pinagkainan namin nang magsalita si kuya Leo. Akala ko hindi na siya magsasalita tungkol kay Adrian pero nagkakamali ako. At sa pagkakataong ito napakaseryoso na ni kuya. Walang bahid ng kapilyuhan ang kanyang mukha.
“Pero mag-iingat ka pa rin sa mga lalake Mariz Sky lalong lalo na kay Adrian,” bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni kuya. Bakit may lahi bang bampira si Adrian at nangangagat ng tao? If meron silang lahi ay willing akong magpakagat. Nag ahem pa si kuya bago nagsalita ulit, “Kasi ang pogi niya masyado para sayo. Ang pangit mo eh,” sabi niya sabay takbo.
“KUYA LEO!!!!!!!”