Chapter Four

2597 Words
CHAPTER FOUR (College Days) MARIZ ANG bilis ng oras. Talaga ngang totoo yung sinasabi nila na kapag nage-enjoy ka, napapabilis ang oras. Gaya nalang ng nangyayari sakin, kahapon nagbabantay lang ako sa panaderya pero ngayong umaga ay hinihintay ko na si Erza. "Mag-iingat ka doom bunso ha," bilin ni Ate Lara. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na niya sinabi yan. Eh hindi naman siya ganyan dati. Isang 'ingat ka' lang sakanya sapat na eh. Pero ngayon, nag-iba na. Siguro may kinalaman yung pag-amin ko sakanilang dalawa ni Kuya Leo sa pagkakaroon ko ng crush. "Opo ate. Tatawag ako kapag nakarating na kami ni Erza," sabi ko naman. Si Kuya Leo nasa gilid lang at nakikinig sa usapan namin. Sila Tita naman ay nauna na sa simbahan. Linggo kasi eh. Pero nakausap naman nila ako noong magdinner kami. Ang sabi nga niya mag-aral daw akong mabuti. Wag ko daw gayahin yung mga kabataang nagbubulakbol at di nagseseryoso sa pag-aaral. Todo tango naman ang lola niyo. "Oh siya, andyan na si Erza. Mag-iingat kayong dalawa. Yung sinabi ko sayo Mariz Sky," sabi ni Kuya Leo. Lumingon ako at andon na nga ang boba. Kumaway pa siya. Kumaway din naman si ate at kuya pabalik. Hindi na bago sakanila ang pagsundo ni Erza sakin. Kilala din siya nila tita, hindi nga lang nila alam ang pinaggagawang kalokohan ni Erza na minsan ay sinasabayan ko din. Ibinalik ko ang tingin ko kila kuya. Nagpipigil siya ng tawa. Naalala ko nanaman yung sinabi niya. Napasimangot ako. Hindi naman ako pangit eh! "Kuya naman, hindi ako pangit! May pangit ka bang pinsan?!" Maktol ko sakanya. Nakakainis kasi siya! "Oo na, oo na. Wala na. Pero seryoso na ako, mag-iingat ka." "Opo kuya. Sige alis na ako," sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa. "GHORL, nag-good bye speech ka pa ba kila kuya Leo? Ang tagal ha," yan agad ang sinabi ni Erza sakin pagkapasok ko. "Ay wow ha. Wala man lang good morning Mariz?" Sarkastiko kong sabi. Pinaikot ko din ang mga mata ko sakanya. "Ay sorry. Hindi ako nainform na required palang mag good morning sayo. Ay teka nga wala palang naggu-good morning sayo. Wala ka kasing jowa. So good morning friend," sabi niya sakin tapos tumawa pa siya ng malakas. Kung hindi lang to nagmamaneho hinatak ko na buhok nito. "Hoy may jowa na kaya ako," pagtatanggol ko sa sarili ko. Totoo naman kasi na may jowa na ako no! "Ay trueness!? Sino?! At bakit di ko alam yan ha," sabi niya. Yung mukha niya parang natraydor. "Si Adrian," nakangiti kong sabi. Bigla niyang itinigil ang sasakyan at dahil hindi ko pa nasusuot yung seatbelt, napasubsob ako sa harap. "Ano ba naman yan Erza!" "Seryoso ka?! Isang araw palang simula noong nagmeet kayo tapos kayo na? Hala, malandi ka," tili niya. Akala ko nga magagalit eh pero hindi naman pala. Ang saya saya niya pa nga. Alam niyo naman na si Erza, basta boys okay agad. Ibubugaw nga daw ako kay Adrian eh. "Oo, jowa ko na siya. Hindi nga lang niya alam," nakasimangot kong sabi. Diba totoo naman? Jowa ko na siya pero hindi siya nainform. Humagalpak ng tawa si Erza. Mabuti na lamang ay pinausad na niya ang sasakyan. Baka dito na kami matulog. Overnight sa kalsada ganern. "Hala, kawawang gaga," hindi niya pa rin talaga ako tinatantanan. Tumatawa siya at niloloko akong assumera daw ako. Well, kapag si Adrian naman ang rason kung bakit ako mag-a-assume eh bakit hindi? Willing akong maging dakilang assumera. Medyo malapit na rin kami sa apartment. Nadaanan nga namin ang SLU eh. Yung apartment kasi na pinili namin ni Erza ay medyo malapit lang sa school para hindi na din kami mahirapan. Saka pasok sa budget kaya naman pinili din namin. Hindi ako pumayag na siya ang magbayad ng apartment kaya hati kami sa renta. Si Anj naman medyo malayo. Medyo lang naman pero keribels naman niya. Ang malapit samin ay si Joey. Si Ethel may bahay sila malapit sa school kaya ang lola niyo living with her parents. Kaya siya nasasabihang banal ni Erza. "Uy wala na tayong groceries. Tara bili pagkatapos nating mag-ayos at maglinis sa apartment," sabi ko kay Erza. Buti nalang pala naalala ko. Kapag kasi school days hindi na namin naaasikaso mag-grocery. Todo acads kasi kami. Kahit naman may paenjoy at chill kami ay hindi namin nakakalimutan ang acads namin. Enjoy is life pero Acads is lifer. "Oh sure. Bibili din kasi ako ng pang skin care routine ko," sabi niya. Tumango lang ako at kinuha ko yung cellphone ko. Inopen ko yung mobile data ko. Parang mahihimatay ako noong makita ko ang isang notification ng f*******:. Yun pa yung nasa pinakataas. 'Adrian M. Peralta accepted your friend request' Bigla akong tumili. Natataranta namang pinark ni Erza ang sasakyan sa harapan ng apartment namin. Tinanggal niya ang seatbelt niya at mabilis na humarap sakin. "Hala, bakit? May nagchat bang foreigner at inaaya kang mag jak en poy sa kwarto?" tanong niya sakin. Yung mukha pa niya talagang seryoso at halatang nag-aalala. "Gaga," sabi ko sabay hila ng buhok niya, "Kay Adrian lang ako makikipag jak en poy sa kwarto. Sakanya lang dapat ang maishu-shoot na bola sa mahiwagang ring. Kay Adrian lang to kakalampag." "Ay akala ko naman may foreigner ka na. Eh bakit ba bigla bigla ka nalang tumitili jan?" Curious niyang tanong sakin. Pinatay na niya yung makina at inaayos niya na yung bag niya. "Eh kasi si Oppa Adrian inaccept yung friend request ko!" Sabi ko sabay tili at dahil hindi ko na kinaya ang kilig ay hinampas ko si Erza. Tatawagan ko na sila mama at papa para umuwi. Wala na, ikakasal na anak nila. Omg! "Aray naman! Teka nga tumigil ka nga kakahampas. Masakit! Baka magkapasa ang flawless skin ko. Hindi na ako makakabingwit ng fafa," sita niya sakin. Hinuli niya din yung kamay ko para hindi ko na siya mahampas. Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Todo ngiti pa rin ako. Sobrang kumpleto na ang araw ko! Ganito ba kapag napapansin ng crush at inaccept ang friend request mo? "Tara sa boutique. Magre-rent tayo ng gown mo," sabi ko sakanya. Nakalagay pa yung dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi ko. Nagtataka naman ang itsura niya. "Ano? Bakit? Anong meron?" "Ikakasal na ako kay Adrian," todo ngiti kong sabi. Biglang napataas ang kilay ni Erza sa sinabi ko. Yung reaction ng mukha niya parang sinasabing 'Naka shabu ka ba friend?'. Hinila niya yung buhok ko, as in hila sobrang lakas. "Aray naman!" "Gaga, inaccept lang friend request mo hindi ka inaya ng kasal. Hindi porket inaccept niya friend request mo sa f*******:, tatanggapin ka na din niya sa life niya," nambabara niyang sabi. Medyo nasapul ako don pero hindi ako susuko. Kung hindi siya madaan sa matinong usapan, dadaanin natin yan sa santong paspasan. Hindi sumusuko ang isang Mariz Sky Del Monte. Ngayon pa ba ako susuko kung tinanggap na niya ako bilang f*******: friend?! NAPAUPO kami ni Erza pareho sa sahig pagkatapos namin maglinis. Mahigit tatlong oras din kami naglinis. Gusto kasi namin ng malinis muna bago lumabas para wala na kaming iisipin at para groceries nalang ang aayusin namin. "Tara na. 3 pm na. Ayoko magabihan tayo. May i-scan pa ako ng notes," sabi ko sabay yugyog sakanya. Nagse-selfie kasi siya. Parang di naglinis eh. Nakalip tint pa at cheek tint. "Uy ano ba. Tara na." "Wait lang naman. Kainis ka naman eh! Nagpipicture ako pang my day. Dapat sexy at maganda para may magchat," sabi niya at nagpicture ulit. Hindi ko nalang siya ginulo at pumunta sa kwarto para magpalit. Dahil malapit lang naman ang grocery store, pinili ko yung isang simpleng hoodie at leggings. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakahanda na si Erza. Nakasuot siya ng isang high waisted shorts at fitted red shirt na mas nagpatingkad sa maputi niyang skin. May hawak siyang pouch at phone. Ganun lang din naman sakin. Nagpunta ako sa kusina. Sinigurado kong nakalock ang mga pinto bago bumalik sa sala. "Ano? Tara na?" Erza asked. "G." NAPAGKASUNDUAN namin ni Erza na siya ang kukuha ng mga gulay at karne samantalang ako naman sa canned goods at noodles. Pagkapasok namin sa grocery store ay kumuha kami ng tig-isa naming basket. Dumiretso si Erza doon sa section ng mga gulay at ako naman pumunta doon sa mga canned goods. Nasa kalagitnaan ako ng pagkuha ng corned beef noong may mahagip ang mata ko. Biglang lumiwanag ang buong paligid ko. "Uy Adrian!" Sigaw ko sabay kaway. Napatingin tuloy yung mga taong bumibili din. Bakit kase?! Freedom of speech mga te! Lumapit ako sakanya habang dala dala ko yung mga groceries. "Hi, nag-grogrocery ka?" Tanong ko. Malamang Mariz, kaya nga grocery store diba kasi nag-grogrocery. Ano bang alam mo ang ginagawa sa grocery ha, nage-exam?! Tumango lang siya. Hala, hindi talaga siya palasalita. Kailangan ko talagang galingan para mapasalita ko tong taong to. "Hindi mo ako tatanungin kung nag-grogrocery din ba ako?" Tanong ko. Andito kami sa may part ng mga sardinas, kumukuha siya ng sardinas pero noong tinanong ko siya ay tumigil siya at hinarap ako. "Bakit naman kita tatanungin?" Tanong niya pabalik, nakataas pa kilay niya. Aray naman, ang sungit na nga niya ang tipid pa magsalita. Pero duh, hindi ako titigil. Over my dead sexy body! "Basta. Sige na tanungin mo ako," pangungulit ko sakanya. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago inilagay yung sardinas sa basket. Pagkatapos ay humarap ulit siya sakin. "Nag-grogrocery ka ba?" Tanong niya sakin. Hindi agad ako sumagot. Gusto ko kasing patagalin at para naman maexcite siya. Bahala siya jan magpapabebe ako. Inipit ko payung buhok ko sa gilid ng tenga ko. Mukhang napapadalas na ako sa pag-ipit ng buhok. Next time nga mag heart sign ako tapos sabihin ko sakanya Oppa. "Uhm.. oo neg-gregrecere eke," pabebe kong sabi. Tinignan ko siya para makita ko ang reaksyon niya pero hindi man lang nagbago yung mukha niya. Nakataas pa rin yung kilay niya. Nag ahem pa nga siya. "Okay ka na?" Tanong ulit niya sakin. Nakalagay na yung kamay niya sa loob ng bulsa niya. Nakasuot siya ng kulay itim na shorts at jersey shirt. Yung jersey ng mga educ. Hala, ang hot niya naman. "Oo naman okay na ako kasi tinanong mo ako eh. Sobrang nakatulong sa nature yung pagtatanong mo," nakangiti ko pang sabi sakanya. Kinuha niya yung basket niya at naglakad papunta doon sa pwesto ng mga noodles. Kinuha ko din yung basket ko at naglakad papunta doon sa lagayan ng mga noodles. Hindi ko siya sinusundan ah, talaga naman kasing bibili ako ng noodles. "Nature? Anong koneksyon nun sa pagtatanong?" Nalilito niyang sabi sakin habang naglalagay ng noodles na beef flavor sa loob ng basket. "Wala. Pero tayo merong koneksyon," sabi ko. Bigla niyang nabitawan yung hawak niyang noodles. Natawa ako sa naging reaction niya. Grabe, kinikilig ba siya sa mga banat ko? Kung oo ay aaraw-arawin ko ngang banatan yan. Umubo lang siya at nagpatuloy lang siya pagkuha ng noodles na para bang wala akong sinabing pick-up line kanina. Manhid ba siya? Magsasalita pa sana ako noong nag ring yung phone ko. Napatingin din si Adrian doon. Si Erza tumatawag. Panira naman ng moment itong babaeng to. Kung kelan naman kasama ko si Adrian saka siya eepal. Gusto ko sanang i-cancel call pero baka magsigawan kami mamaya sa apartment kaya naman sinagot ko na. (On-phone si Erza) Erza: "Hoy asan ka na? Nasa pilahan na ako, tapos na akong kumuha ng gulay at karne. Parami na ng parami mga nakikipila. If ayaw mong magabihan pumila kana." "Oo na. Makikipila na. Andito ako sa may part ng canned goods at noodles. Saang counter ka ba? Pupuntahan na kita," sabi ko. Hindi pa rin umaalis si Adrian sa tabi ko. Sa katunayan nga ay hindi na siya kumukuha ng noodles eh. Nakatitig lang siya sakin. Kinikilig tuloy ako pero syempre kailangang magpigil baka kase iwan niya ako bigla. Erza: "Number 8. Sa may senior lane." "Ha?! Bakit andyan ka? Senior citizen ka?" Erza: "Eh sa konti lang ang pila eh. Saka lalaki naman yung nasa cashier. Ang pogi pa. Hindi naman siguro ako papagalitan." Kita niyo na. Sabi sainyo kahit saan man yan kapag may fafa, gogora si Erza. "Jusko Ez! Sige otw na," sabi ko sabay baba ng tawag. Noong tinignan ko si Adrian ay nakatingin na din siya sakin. Grabe, bakit ba ganyan siya makatingin? Baka mag-assume akong gusto na din niya ako. "Makikipila ka na?" tanong niya. Tumango naman ako. Ayoko magsalita. Baka kasi iba nanaman ang mabigkas ko kagaya last time. Iisipin niyang ang weird weird ko. Ang gusto kong isipin niya kapag ako ang pinaguusapan ay dapat ay sexy at maganda. Walang weird na eechos. "Ah sige. Una na ako," sabi ko noong maalala ko yung highblood na boses ni Erza. Tumango lang siya. "Sige ba-bye na talaga," isang hirit ko pa. Tumango lang din ulit siya. Teka nga bakit wala man lang siyang goodbye kiss? Kainis ha! I demand! Char. Tumalikod na ako noong kinuha niya na yung basket niya. Agad kong nakita si Erza sa may senior lane, pang apat siya sa nakapila. Totoo nga na andon siya. Akala ko joke lang pero ang gaga seryoso pala talaga. Akala ko ay tatalakan niya ako noong nakarating ako sa harapan niya pero nanliit ang mata kong tumingin sakanya noong tinignan niya yung likod ko. So bali nakaharap kasi ako sakanya. Nangingiti siya habang nagpabalik-balik ang tingin niya sa likod ko at sa mukha ko. Dahil nagtaka ako sa reaction niya. Lumimgon din ako. "Ikae ha, pati sa grocery store lumalandi ka na rin. Bakit kasi di mo sinabi? Eh di sana hindi na kita minadali pang makipila," tukso niya sakin sabay kurot sa bewang ko. "Jusko ito naman. Hindi ko alam na andito siya no," deny ko pa kahit na nahuli na ako. Pero totoo naman kasi na hindi ko alam na andito din si Adrian. Tinawanan niya lang ako at ginalaw yung basket para magpaharap. Kami na kasi ang susunod. "At pareho pa kayong sumulpot sa may part ng canned goods ha. Ikaw Mariz ha, natututo ka na ding lumandi. Gusto ko yan," sabi niya sabay thumbs up. Para siyang nanay na proud na proud sa anak dahil nakaperfect ng quiz sa school. "Ewan ko sayo Ez. Tumigil ka nga," sita ko. Magsasalita pa sana siya noong nagsalita si kuyang cahier. "Ma'am 1000 po lahat." Naglabas ako ng 500 at ibinigay kay Erza. Naglabas din siya ng 500. Alam kong sa susunod na buwan pa ang toka niya sa groceries pero naghati pa rin kami. Hindi ko siya mapigilan eh kahit anong sita ko sakanya. "Ah eh heto oh," abot niya sa dalawang 500. Akala ko matino niyang iaabot yon pero nagkakamali ako kase hinaplos niya yung kamay ni kuyang cashier at hindi na nahiya hinawakan na niya. Napatingin naman yung cashier sakanya. Jusko, ito na nga bang sinasabi ko eh. "Ah.. eh.. ma'am y-ung kamay ko p-o," nauutal na sabi ni kuyang cashier. "Ay sorry. Hehe," hinging patawad ni Erza. Agad din namang gumalaw si kuyang cashier. Isinupot niya yung mga pinamili namin at habang ginagawa niya yon ay inilibot ko yung mata ko sa paligid. Nakita ko si Adrian sa counter 5. Busy siya maglabas ng pera sa pitaka. Noong mag-angat siya ng tingin ay nagkatinginan kami. Sakto namang tapos na nasupot ang mga pinamili namin. Narinig ko si Erza na inaaya na akong umalis at nag-oo naman ako. Pero bago ako umalis sa pwesto ko ay nagheart sign muna ako at nagflying kiss sakanya. Nakita kong napanganga siya sa ginawa ko. Natawa ako. Ang cute niya. Ayan pagtawag nalang ng oppa ang hindi ko pa nagagawa sakanya. Kelan ko kaya siya makikita ulit? Sana makasalubong ko siya bukas sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD