Chapter Two

2794 Words
CHAPTER TWO (College Days) MARIZ “HA?” si Joey ang unang nakabawi dahil sa bombang pinasabog ko sa kanila kani-kanina lang. “Anong ha? Sabi ko nanganganib ang puso ko. That means, crush ko yung lalaking—,” “Hakdog,” sabi niya sabay tawa malakas. Hinahampas pa nga niya yung table namin eh. Naiiyak na nga siya sa sobrang tawa. Makabag sana siya. “WOW Mariz,” sabi niya pa. “Bongga! Congrats friendship. Di kana alien. Normal ka ng tao dahil may crush ka na,” masayang sabi ni Anj. Pumalakpak pa nga ang gaga. Si Ethel naman ay nginitian lang ako at nagheart sign. Yung ginagawa ng mga nasa kdrama. Ang hinhin talaga niya. Hindi ko nga alam kung bakit niya kami natatagalan eh ang ingay namin. Palibhasa study is life kasi siya at hinayaan nalang din namin. Mahirap na baka mabagsak edi nasabihan pa kaming bad influence. “Sinasabi ko na nga bang may tinatago kang pagnanasa sa mga educ! Paano ba yan pareho na tayong tirador ng educ. Friendship talaga kita. Birds with same feather flocks together talaga. Pero di tayo ibon so di applicable yan saten. It should be sexy girls with same type of boys flocks together,” tili ni Erza. Ang saya niya. Palibhasa basta kalandian, susuportahan niya talaga ako. Since first year college nga sinasabihan niya na akong makipagflirt eh. Nagpatuloy sila sa pagtukso sakin. Kesyo, dalaga na daw ako. Hindi na daw tagtuyot season sabi nila. Mga bastos talaga kung ano ano ang pinagsasabi. Uminom muna ako sa baso ng alak bago ibinalik ang paningin ko doon sa pwesto nila Mr. Plain White Shirt. Wala na yung dalawang kasama nila, so bali tatlo nalang sila. Hindi na din siya nakangiti. Sobrang seryoso na niya habang nakikinig sa usapan nung dalawang kasama niya. Ano kayang pinaguusapan nila? Ang pogi niya talaga. s**t. Crush ko nga talaga. Crush at first sight. Napansin ni Erza na nakatingin ako sa table nila, ulit. Kaya naman ang gaga bumulong kay Anj. Nasabi ko na ba sainyong may kaibigan akong best in social friendship? Kasi kung hindi pa heto na siya. Tumayo si Erza at naglakad doon sa table nila Mr. Plain White Shirt. s**t! “Erza Mae Santillan susmaryosep bumalik ka dito!” natataranta kong sabi sakanya. Tumawa lang siya. Medyo gumegewang na nga siya. Jusko, lasing na to. “Uy Joey pigilan mo,” natataranta kong sabi. Tinignan niya lang ako bago nagsalita ni hindi na nga siya nag-effort tumayo eh. “Brad, di ka pa nasanay kay Erza. Nangangabit-table nga yan eh. You know, nangangapit-bahay tas palitan mo ng table yung bahay. Gets mo par?” Kung ibang pagkakataon lang to ay baka natawa pa ako sa sinabi niya pero ngayon gusto ko siyang sakalin dahil sa walang kwentang joke na sinabi niya. Ni hindi nga nabawasan yung kabang nararamdaman ko dahil sa biglang pagsugod ni Erza doon sa table nung crush ko. Speaking of Erza, mabilis ko ulit siyang tinignan. Nanlaki ang mata ko noong nandoon na siya sa table nila at ang babaeng yon nakikipag-inuman na. Baka ilaglag ako nun. Aminado naman akong gusto kong mapansin niya ako pero hindi sa ganitong paraan. Napanganga ako noong nakita kong nakayuko na si Erza sa lamesa tapos nagsimula na siyang umiyak. Jusko! Nanghihingi ako ng tulong na napatingin kay Ethel. Sa aming lima siya yong parang nanay at matino lalo na kapag sa ganitong pangyayari. “Okay. Tama na yan. Joey hatakin mo si Erza dito.” Ethel said. Agad naman tumayo si Joey para pumunta sa table kung saan nakayuko na si Erza. Tumayo na din kami ni Anj upang sundan si Joey at para maalalayan na din siya samantalang si Ethel ay naiwan para bantayan yung table namin. Noong nakalapit na kami sa table nila ay naestatwa ako. Alam ko namang gwapo siya kapag malayuan pero may mas ikakagwapo pala siya sa malapitan. Sure akong nalaglag ang panty ko bes! Pero syempre hindi literal. Imagination ko lang yon. “Ah sorry mga dude, broken hearted kasi. Pasensya na,” sabi ni Joey. Tumango lang sila. Nakatayo na din pala sila kagaya namin. Tumango ulit si Joey sabay hatak kay Erza. As in hinatak niya talaga. Masunurin din itong si Joey eh. Kung hatak, hatak talaga. Tatalikod at susundan ko na din sana siya noong bigla akong itinulak ni Anj. Nanlaki ang mata ko noong tumama ako sa dibdib ni Mr. Plain White Shirt. Jusko ang tigas ng dibdib sure akong may abs siya at ang bango niya pa. Lord tulungan niyo po ako. Ilayo niyo ako sa tukso, baka kase bigla ko ding hatakin si Mr. Plain White shirt at halikan. Dahan-dahan akong tumingala. Matangkad kasi siya eh. Nag-ahem ako bago nagsalita. “Hala sorry. Tinulak kasi ako nung kaibigan ko pasensya na,” sabi ko. Pero deep inside gustong gusto ko ang nangyari. Gusto kong pasalamatan ang mga guardian angels ko dahil hindi ako nabulol. Tinignan niya lang din ako. Pasimple kong tinignan yung dalawang kasama niya pero wala akong nakita. So bali dalawa lang kaming nakatayo dito sa table nila. Iniwan ako nila Anj eh. Saka ang bastos ko naman kapag bigla ko din siyang iiwan edi na turn off siya sakin. Crush ko pa naman siya dapat bumilib siya saken. Hindi ko pa man din ugaling mang-iwan saka chance ko na din to para magpapansin sakanya, in a pabebe way. “Okay lang,” maikling sabi niya. Hala, matipid pala magsalita itong si kuya mo. Kailangan kong mag-effort kausapin to. Baka sabihan akong boring kausap. “Ah, anong name mo?” “Adrian Peralta. Ikaw?” sabi niya ulit. Kita niyo na ang iksi talaga magsalita. Pero nunkang susuko ako. Hindi ako pinanganak na madaldal para lang sukuan ang crush kong hindi palasalita. “Mariz Sky Del Monte,” nakangiti kong sabi sabay ipit ng buhok sa tenga. Baka kase sakaling mainlove na siya sakin. Ganun kasi yung ginagawa ng mga babae sa mga movies eh kaya nai-inlove yung bidang lalake. Tignan natin baka effective din sakin at magkaroon na ako ng lovelife. Kumunot ang noo niya. Halatang may hindi nagustuhan sa sinabi ko. Hala, hindi ba effective yung pagpapabebe ko? “Haba naman ng name mo,” sabi niya sabay inom sa San Mig na hawak niya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman kung anong problema niya, name ko lang pala. “Ah ganun ba? Mahal nalang itawag mo sakin if nahahabaan ka sa name ko,” nakangiti ko pa ding sabi. Bigla niyang naibuga ang alak na iniinom niya. Nagulat ako dahil sa ginawa niya. Kaya naman ay hindi agad ako nakagalaw at nakaiwas. Ang ending, natalsikan ako sa may bandang dibdib. “s**t, sorry. Sorry talaga,” natatarantang sabi niya sabay kuha ng panyo sa bulsa at pinunasan niya ang damit kong nabasa dahil natalsikan kanina. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Para tuloy akong nasa loob ng tubig dahil nakalimutan kong huminga dahil sa ginawa niya. Napansin niya atang hindi ako humihinga kaya naman tinignan niya ako. “Uy, okay ka lang Mariz?” nagtataka niya akong tinignan. Tumango lang ako dahil hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Na-speechless ako bes! Dahil sa reaction ko, biglang nanlaki ang mata niya at para bang may narealize siya bago bumaba ang tingin sa damit kong basa. Nahawak pa rin yung kamay niyang may hawak ng panyo na nasa bandang dibdib ko. Mabilis pa sa alas kwarto niyang tinanggal ang kamay niya doon. Para siyang nakagawa ng krimen. “Sorry. Hindi ko sinasadya. Baka isipin mong gumagalawan ako,” seryoso niyang sabi. This time inabot na niya ang panyo sakin. Tinanggap ko naman yon at ako na mismo ang nagpunas sa sarili ko. Imbes na matakot ako sakanya ay kinilig pa ako. Gentleman din naman pala ito at hindi bastos. Kung wala siya sa harapan ko ay baka nangisay na ako sa kilig. Normal pa ba to? “Hindi okay lang. Nagulat lang talaga ako,” pag-amin ko. Tumango lang siya. Ayan na naman. Bumalik nanaman kami sa A Quiet Place zone. Tumikhim ako bago inilagay yung panyo niya sa dibdib ko. Ginamit ko na yon para matakpan yung basang damit ko. Mahirap na kulay puti pa naman yung damit ko at bumakat ang di dapat makita. Baka isipin niyang playgirl ako at gumagawa ng eksena para mapansin. Well nagpapapansin naman ako pero dapat di halata. “Anong course mo?” tinanong ko ulit siya. Kahit alam kong educ stud siya ay tinanong ko pa rin. Gusto ko kasi siyang makausap at hindi niya ako mapipigilan. “Educ.” Tignan niyo ang iksi ng sinabi. Four letters lang sinabi niya pero bakit kinikilig pa rin ako? Hindi na to normal! “Anong major mo?” pangungulit ko. Wala akong pakialam kung nakukulitan siya sakin. Basta gusto ko siyang makusap. “P.E.,” sabi niya sabay lagok dun sa San Mig. Tinignan ko siya habang ginagawa niyo yon. Nakaside view kasi siya sakin. Nakatingin siya doon sa may mini stage ng club kasi may kumakanta. Diretso lang ang tingin niya don. Ni hindi nga niya ako tinitignan eh. Pero okay lang yun kasi malaya ko siyang natitignan. Ang tangos ng ilong niya at ang haba ng mga pilik-mata. Nahiya naman ako, kung naging babae siguro siya ay mas kabog siya kesa sakin. Nagbaba ako ng tingin at napunta yun sa Adam’s apple niyang gumagalaw din dahil uminom siya. Grabe ang hot tignan. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanyang mukha at napatingin ako sa mga labi niyang mapupula. Buti pa yung bote ng San Mig ang swerte kasi napadpad sa kissable lips niya. Parang gusto ko na tuloy maging bote para tamang kiss lang sa lips ni Adrian. Bumalik yung mga kaibigan niya at may mga kasama na silang mga babae. Siguro mga jowa nila yun. Napatingin naman si Adrian sakanila. Nag-excuse ako at bumalik sa table. Alam ko namang gusto na din niyang umalis ako. Hindi niya lang masabi kasi ayaw niyang maging rude. Hay, ang bait niya talaga. Mas lalo ko siyang nagugustuhan. “Oh ano kayo na?” tanong ni Anj pagkaupong pagkaupo ko. Suminangot ako at bigla ko siyang sinabunutan. Imbes na magalit sakin ay tumawa lang siya. Sabagay ganyan kasi talaga kami. “Sus, kunwari ka pa. If I know gustong-gusto mo yung ginawa ko kasi nagkaroon ka ng chance makausap yung crush mo. Sinuportahan lang kita sa kalandian mo no,” sabi niya. Well, totoo naman talaga yon. Pero di ako umamin kay Anj baka tuksuhin ako nito buong sem. Dakilang echosera pa naman yan. “Heh! Next time wag mo ako itulak ng ganon kahina,” sabi ko. Humagalpak naman siya ng tawa pati si Ethel na tahimik biglang tumawa. Si Joey naman umiiling lang habang si Erza panay inom. “Oh siya sige next time lalakasan ko ang pagtulak,” supportive na sabi ni Anj. Nagthumbs-up lang ako sakanya dahil uminom ako ng tubig na inorder ni Ethel. Akala ko noong una iinom nga siya ng alak eh pero juice at water lang daw sakanya. Kaya siya niloloko ni Erza ng virgin at sobrang banal. “Ako, ikukulong ko kayo ni Adrian sa iisang kwarto,” biglang sabi ni Erza. Napakaseryoso niya pa habang sinasabi yon pero nung tinignan na niya ako ay tumawa siya. Ang gandang ideya pero hindi ko pa ring maiwasang maasiwa. Itong si Erza pagdating sa kalokohan siya ang number one. Kapag nalaman nila Kuya Leo itong sinasabi ni Erza tiyak na papagalitan ako. Tinignan ko yung relong pambisig ko. Alas dyes na. “Uy tara na uwi. May gagawin pa ako bukas,” sabi ko. “Ako din. Magbabasa pa ako ng mga codals at magdi-digest pa ako ng mga case studies,” si Anj na ngayon ay nagpupulbo na. Si Ethel at Joey naman nakatayo na. “Ang KJ niyo naman. Sabado naman bukas eh. Inom pa tayo,” tinaas pa ni Erza yung shot glass habang nagsasalita. “Gaga may trabaho pa ako bukas. Malilintikan ako kay kuya Leo,” sabi ko. Nag-tsk lang siya at biglang tumayo. Dahil sa ginawa niya gumewang siya. Mabuti nalang ay nahawakan agad siya ni Joey. “Uwi na tol. Lasing ka na. Mukha ka ng zombie,” sabi ni Joey. Isang malutong na mura ang sinabi ni Erza bago nasandal kay Joey at nakapikit na ang mata. Ayan deads na, knockout na. Maingat siyang binuhat ni Joey at naunang lumabas ng club. Sumunod si Ethel at Anj. Tinignan ko muna ang table nila Adrian bago lumabas. Wala na siya don. Sayang naman, umalis na siguro. One last tingin pa sana eh. Hays, sayang! MAINGAT na idineposito ni Joey si Erza sa kama. Ang gulo pa ng buhok niya at ang kalat na ng make up niya. Kanina kasi habang pauwi kami, nagising siya at kumanta ng pusong bato. Gusto pa nga niyang bumaba ng sasakyan eh at magtwerk daw. Eh kaso nasa gitna kami ng highway, baka bigla kaming hulihin ng pulis at maisumbong pa kami sa mga magulang namin edi lagot kaming lahat. Panay tuloy ang tawa namin dahil kay Erza. Nagvideo pa nga si Anj eh. Hinatid ko si Joey hanggang sa may pinto. “Salamat tol. Ingat pauwi,” sabi ko bago kumaway. Sumaludo lang siya bago tumalikod. Tinignan ko lang ang likod ni Joey. Sabi nila, hindi daw puwedeng maging magtropa ang lalaki at babae dahil maiinlove lang daw sila sa isa’t isa. Pero hindi naman lahat. May exemption pa rin. Si Joey nga since highschool na kaming magkakaibigan wala namang inlove inlove na nangyari. Maganda pa nga kasi may lalaki kami sa grupo. May magtatanggol sa amin. Malakas lang mang-asar at mambwisit yan pero kapag seryosong usapan, napakaprotective niyan samin. Ang sabi niya, siya lang daw ang may karapatang mambully samin, wala ng iba. Hinalughog ko ang gamit ni Erza para maghanap ng make up removal wipes para matanggal ang make up niya. Sobang kalat niya. Natanggal na nga yung isang false eyelashes niya eh. Hindi ko na din maintindihan ang eye shadow niya at ang lipstick niya ay lumampas lampas na. At dahil isa akong bully na kaibigan, kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya. Baka magamit ko din tong pang blackmail in the near future. Pagkatapos kong matanggal ang make up niya ay kumuha ako ng damit pantulog at binihisan siya. Hindi na bago itong ginagawa ko kay Erza, sanay na ako kasi ganyan siya kapag lasing at syempre ganun din siya sakin kapag nalalasing ako. Noong makita kong okay na siya ay nagpunta ako sa sarili kong kwarto. Nagshower muna ako pagkatapos ay nagpalit. Inayos ko ang aking higaan at ini-off ang ilaw. Hindi kasi ako makatulog kapag maliwanag ang paligid. Habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko mapigilang isipin si Mr. Plain White shirt. “Adrian Peralta….,” bigkas ko sa pangalan niya. Ano bang meron sayo at nagkakaganito ako? Madami naman akong nakikitang gwapo at hot sa college namin pero hindi ganon ang epekto sakin. Itong si Adrian, iba eh. Parang may something sakanya na hinihila ako at wala ka ng karapatang lumaban at kumawala kundi bumigay nalang sa alindog niya. Dahil hindi rin naman ako makatulog, ang ginawa ko ay ini-on ko ang lamp shade sa gilid ng kama ko at nagbasa ng novel. Binabasa ko yung The Choice ni Nicholas Sparks. Pero habang tumatagal ako sa pagbabasa ay nawawalan ako ng gana. Ni hindi ko na nga naiintindihan ang binabasa ko eh. Basta ang alam ko doctor si Travis. Napabuntong hininga ako at sinara ang libro. Ipinatong ko siya sa mesa at kinuha ang aking cellphone. Noong maabot ko ang aking cellphone ay bigla akong napangiti. Alam ko na pala ang gagawin ko. Pumunta ako sa f*******: at tinype ko ang pangalan niya sa search bar. Adrian M. Peralta Add friend Message Follow More Studying at San Lorenzo University Followed by 8,000 people Wow, famous pala ang lolo niyo. Ang dami niyang fans. Bakit sa tagal ko na sa SLU ngayon ko lang siya napansin. Ano bang kagagahan ang pinaggagawa ko noon at di ko siya nakilala agad! Nagdadalawang isip pa ako if i-a-add ko ba siya or hindi? Hindi kaya masyado akong desperada kapag ako ang mag-a-add sakanya? Chat ko nalang kaya? Sunod kong tinignan ay ang kanyang Instragram. Dahil hindi ko naman alam ang username niya, tinype ko ulit yung full name niya sa search bar. Hindi naman ako binigo ni IG dahil lumabas ang account niya. Unang una pa nga eh. @adrianxmp Educ 5 posts 15,000 followers 350 following Omg, kung nagulat ako sa followers niya sa f*******:, mas nakakagulat pala sa IG niya. Grabe ang famous talaga. Buti nalang ay hindi naka-private account. Malaya ko tuloy siyang mai-stalk. Teka stalk ba tong ginagawa ko? Hindi naman eh. Tumitingin lang ako, magkaiba yon. Nagscroll ako at tinignan ang mga pictures niya. Limang pictures lang ang andon. Yung unang dalawang pictures ay family picture at class picture nila ng Educ. Yung natitirang tatlong pictures niya ay mga solo pictures. Isa sa tatlong pictures na yon ay nakahubad siya, halatang kakaahon niya lang dahil ang background niya ay dagat. Juicecolored! Ang sarap maging tubig! Hindi naman pala siya ganun kaadik sa socmed. Nagscroll pa ako at naisipan ng matulog noong nag 11:30 na. Good night Adrian my loves… End of Chapter Two
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD