Chapter One

2391 Words
CHAPTER ONE COLLEGE DAYS MARIZ "BADTRIP NAMAN OH!" Tinignan ko si Erza na kakarating lang ngayon sa room. Ibinaba niya ang kanyang shoulder bag sa upuan. Si Erza ay kaibigan ko simula highschool. Hindi na nga kami mapaghiwalay eh sabi pa nga nila para na daw kaming magkapatid kasi kahit hanggang ngayong college na kami ay classmate ko pa rin siya. "Oh anong nangyari sayo? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" nakataas na kilay kong sabi sakanya. "Walangyang Justin yan. Ghinost ako. At talagang nang-ghost pa siya sa panahon ng midterms natin!" talak niya sabay hampas pa sa desk. Kung merong isang bagay na dapat niyong malaman tungkol kay Erza yun ay isa siyang certified playgirl. Ang hilig niya sa mga boys. May label man o wala at kahit saan man kamui magpunta, may mga nakikilalang lalaki. Sinasabihan ko na ngang tumigil na sa kakalandi sa mga kalalakihan kase masasaktan lang siya pero ang gaga binatukan lang ako. Boys are blessings from God daw na dapat i-appreciate. "Justin? Yun ba yung Educ stud? P.E. major yon diba?" nagtatanong kong tingin sakanya. Tumango siya bago ako sinagot, "Tumpak! Siya yon bes, ang kapal ng mukhang mang-ghost! Sana next week nalang after midterms! Last day naman na ngayon. Isang araw nalang di makapag-hintay. Badtrip!" "Sabi sayo manloloko educ students eh. Lalo na P.E. major. Paglalaruan ka lang ng mga yon. Alam kaya nila rules of different games, manloko pa kaya. At teka nga diba sinabihan na kita na wag mong papatulan yon! Ang ganda mo para sakanya atsaka di naman siya pogi," sabi ko sabay tingin sakanya. Sinusuklay niya ang kanyang kulay copper brown na buhok. Ibinaba niya ang suklay pagkatapos ay hinawakan ako sa balikat at iginiya ako paharap sakanya. "Ghorl, wala sa mukha yan. Nasa performance! Performance!" sigaw niya na siyang naging rason kung bakit napatingin ang mga classmates namin sa upuan namin. Hinila ko ang buhok niya dahil sa inis at hiya. Siya naman ay tumatawa lang. Palibhasa sanay na siya sa attention kaya naman ganyan lang siya magreact. Attention seeker yan eh. Magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok ang prof namin. Okay, last exam for midterms, here we go. NAGDADABOG na inayos ni Erza ang gamit niya. Nag-aayos din naman ako ng gamit pero itong si Erza akala mo kasing bigat ng isang sako ng bigas ang notebook at ballpen niya sa sobrang lakas ng pagdadabog. "Sinusumpa ko talaga yang calculus na yan! Bwisit," naiinis na sabi niya bago sinira ang kanyang bag. Natawa naman ako. "Oh bakit ka tumatawa?! Palibhasa ang genius mo," humagalpak na ako ng tawa at di ko na yon napigilan dahil kapag badtrip itong si Erza nakakatawa ang itsura niya. Mukha siyang high blood na leon pero human edition. "Tsk." "Uy sorry na. Hahaha—wait lang tawa lang ako," sabi ko sabay tawa. "Sige isa pang tawa. Tatamaan ka talaga saken Mariz Sky Del Monte!" sigaw na niya. Mabuti na lamang ay kami nalang dalawa ang andito sa room. "Oy hindi na. Pero uuwi kana ba? Or may pupuntahan ka pa? Sabay tayo uwi?" tanong ko sakanya noong palabas na kami ng room. Sa iisang apartment lang kasi kami nakatira. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. "Tutal tapos naman na ang exams natin. Tara inom," aya niya sakin. Tinaas at ibinaba pa niya ang kanyang kilay. "Ano kasi.. baka kasi magalit si kuya Leo sakin. Nagpromise ako don na tutulong sa panaderya bukas eh," sabi ko. Kapag alak ang usapan hindi ako tatanggi jan pero kasi may lakad ako bukas at totoo namang tutulong ako kay kuya Leo bukas sa panaderya. Ayoko namang ma-late pumunta don. Tiyak na malilintikan ako kay kuya. "Kj mo naman. Inom lang naman tayo. Iinom natin ang stress na naranasan natin dahil sa midterm exams. Akong bahala sayo. Libre ko dahil naghost ako. Tawagan din natin sila Anj, Joey at Ethel," pumapalakpak pa siya bago kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Sila Anj, Joey at Ethel ay mga kaibigan din namin. Pero iba ang course nila. Kaming dalawa ni Erza ang same course. NAPAGKASUNDUAN naming sunduin nalang sila dahil nga para isang sakayan nalang. Hindi na rin kami nagpalit. Nakasimpleng fitted white cotton shirt lang ako at nakajeans. Si Erza naman naka pink crop top at high waisted pants. Ako ang nagmamaneho ng sasakyan ni Erza. Oo, siya ang may-ari ng sasakyan pero ako ang nagdrive. Hindi kasi mapagkakatiwalaan itong si Erza pagdating sa pagmamaneho. Pareho sila ni Anj na parang makikipag karera sa fast and the furious. Akala mo naman talaga ang professional drag racers. Nasundo namin silang tatlo sa may kainan malapit sa SLU (San Lorenzo University). Kumaway si Anj kaya naman itinigil ko ang sasakyan sa gilid para makapasok sila. "Hello Attorney," masayang bati ko sakanya na siya namang ikinairap niya. She even rolled her eyes at me. Ang sungit! "Puwede ba Sky, tigilan mo ko. Baka nga mababagsak ako dahil sa hirap ng midterms namin. Pucha, saan ba nakuha ng Prof namin ang mga questions don?!" daldal niya habang nagsusuot ng seatbelt. "Palibhasa di ka nagreview. Puru ka kasi KDrama. Ayan tuloy di nakapag digest ng mga case studies. Oppa pa more!" sabi ni Joey sabay palakpak pa. Para tuloy siyang masayahing penguin. "Eh ano naman ngayon kung puru ako oppa ha. Atleast mas pogi sila kesa sayo! Palibhasa walang nagkakagusto sayo kaya wala ka pang jowa" "Wow ha. Ikaw nga jan eh mukhang lalaki kaya walang nanliligaw. Saka okay lang walang jowa, atleast di ako bagsak sa mga recitations ko. Bleh," banat ni Joey. Natawa ako. Noon kasi naglabas ng sama ng loob si Anj samin. Nabagsak daw siya sa recitation. Hindi daw niya nasagot yung tanong ng Prof nilang attorney. Ayon, napatayo siya for 3 hours. "Ikaw talaga! Mabagsak ka sana sa major subjects mo! At sana lahat ng bahay na ipapatayo mo magiba," si Anj sabay hatak sa buhok ni Joey. "Excuse me, magiging the best engineer kaya ako in town," sagot ni Joey habang inaayos ang buhok. "Hoy! Ang ingay niyo puwede ba. A moment of silence naman para sa magandang kaibigan niyo na naiwan," sabi ni Erza na siyang ikinatawa ni Joey at Anj. Napailing nalang kami ni Ethel. "Ayan kase, lalake pa nga." "Ikaw Joey, tumigil ka nga. Masasapak talaga kita," napahawak pa sa ulo si Erza habang sinasabi yon. "Ethel oh. Tignan mo si Erza. Inaaway ako. Pag nagkabukol ako gamutin mo ako ha. Doctor ka naman eh kaya alam kong may knowledge ka about sa mga bukol," sumbong ni Joey. Tinignan lang siya ni Ethel at nagkibit balikat, "Nag-aaral pa ako Joey. Di pa ako doctor. Gusto mo tuluyan talaga kita?" Napanguso si Joey sabay belat at napunta kay Erza ang atensyon niya. "Pero seryoso na to, bakit nag-aya kang lumabas madam Erza?" Joey asked. Yung itsura pa nga niya sobrang curious. Nagtanong pa siya kahit alam naman niya kung bakit nag-aya si Erza lumabas. Joey is not Joey kung hindi siya nambwibwisit. Bago sumagot, inayos ni Erza ang buhok niya bago tumingin sa rear view mirror. Nasa passenger seat kase siya at nasa likod sila Joey. Alam niyang alam ni Joey kung anong rason pero sasagutin niya pa rin. Sayang kase ang effort ng lalaking to, "Wala lang. Para naman makapagbonding tayo. Usap sabay inom and chill ganon." "Sure ka bang usap at inom lang? Di ka maghahanap ng bagong kamomol?" hindi ko mapigilang sabihin. "Ay anyare. Naghost ka te?" Tanong ni Anj. Halatang nang-aasar. "Oo. Biglang iniwan at di na nagparamdam sakanya yung kalandian niyang educ," ako na ang sumagot kay Anj. Sinasabayan ang kakulitan niya. "Ikaw talaga Mariz kainis kana! Kapag ikaw nagkaroon ng kalandian na Educ student din at P.E. major tignan naten!" naiinis na sabi niya saken. Tinawanan ko lang siya at itinuloy ang pagmamaneho. After ilang minuto ng pagmamaneho nakarating din kami sa Flo G. Isa itong club dito sa San Lorenzo. Pero unlike the other clubs, this club is not totally that wild compared sa mga club na napuntahan namin na madaming sumasayaw at nagpa-party. Dito sa Flo G more on chill vibes ang paligid. Pero may parte ng club na to na for adult only at bawal ang katulad naming students. Pumwesto kami sa may gilid lang. Doon sa may bandang malapit sa entrance. Para kapag may malasing agad samin ay mabilis lang mailabas para iwas gulo at para di na kami mahirapan. Pagdating sa inuman hindi ako gaanong nagpapakalasing ganoon din si Ethel. Ang rule kasi namin ay dapat merong normal at hindi lasing na matitira para namang safe kaming umuwi lahat. Si Joey kahit na lalaki ay hindi mo maaasahan. Once in a blue moon nga lang niyan kami hinatid noon at sa mismong birthday niya pa. Pagkaupo pa lang naming lima ay agad na nag-order si Erza ng alak. Habang naghihintay ng order naming alak ay inilibot ko ang aking paningin sa loob ng club. May LED lights na nagpapalit ang kulay. May mellow music na di naman masakit sa tenga. Pero sa second floor ay may naririnig akong mga boses. Mga boses na halatang nagpa-party. Rinig ko pa nga ang talk dirty na kanta ni Jason Derulo. Pero hindi naman nakakaistorbo dito sa first floor. May mga students din gaya namin na nag-iinuman. Yung iba naman ay mga couples or magbabarkadang halatang hindi estudyante at gusto lang magchill. Napako ang mata ko sa grupo ng mga kalalakihan na nasa right side namin. Limang table lang ang pagitan namin kaya naman ay medyo naririnig ko sila. "Dude, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na natalo tayo. Langyang basketball yan. Nasiko pa ako." "Brad, hindi ka na sana nagtaka pa. Si Adrian yung kalaban mo sa basketball eh ang galing niya don. At bago ka magreklamo jan dapat una palang naisip mo ng masisiko ka talaga. Part ng basketball yun. At perforamance natin ang basketball. Team activity yon. PE major tayo gago!" Oh, so mga PE major sila base na din sa pinaguusapan nila. Tinignan ko ulit ang mga nag-uusap. Yung isang lalaki halatang may pagkabad boy at yung isa naman halatang pilyo. Yung dalawa naman ay hindi ko alam panay inom kasi sila. Pero ang nakakuha sa buong atensyon ko talaga ay yung lalaking nakasuot ng plain white shirt at nakablack jeans na nakabrush up pa ang buhok at may hawak na San Mig sa kamay. Hindi siya nagsasalita at panay lang ang ngiti niya at paminsan minsan ay tumatawa siya habang nakikinig sa mga kaibigan niyang nagkwekwentuhan pero bakit feeling ko ang hot at pogi niya tignan? Hindi ko maialis ang mata ko sakanya. Para bang naka-glue na ang mga mata ko at bawal lumingon sa iba. Napansin kong may ibinulong yung isang kasama niya. Lima din kase sila sa table nila. Lumingon siya sa direksyon namin. Nanlaki ang mata ko at agad akong umiwas ng tingin. Bakit ba kase hindi ako agad umiwas ng tingin kanina pa? Ayan tuloy! Ano ba yan Mariz Sky, chill lang! Masyado kang halata! Napansin siguro ni Erza ang ginawa ko ayun tuloy ay nagsalita siya. "Uy ghorl, sinong tinitignan mo?" "Ah wala. Ino-observe ko lang ang paligid baka kase may kidnapper dito makidnap pa tayo. Wala tayong panransom," sagot ko. Totoo Mariz?! Kidnap talaga? Ang bobo mo magpalusot! "Hindi pa nga tayo nakakarami ng inom para ka ng lasing Mariz Sky," natatawang sabi ni Erza pagkatapos ay uminom ng San Mig. Dumating na pala ang order naming alak, hindi ko man lang napansin. Ganoon ba ako ka-focus dun kay Mr. Plain White shirt kaya di ko narinig na dumating na ang order namin? Sabagay nakakadistract naman talaga siya at nakakalaglag panty. Napasinghap ako sa naisip ko. Kung ano ano ang naiisip ko dahil sa lalaking yon! Ano bang meron sakanya at nagkakaganito ako?! "Pero seryoso nga Mariz Sky, sino yung tinitignan mo?" pangungulit niya saken. Kapag talaga full name ko ang tinawag ni Erza ay isa lang ang ibig sabihin nun. Nakangiti man siya habang nagsasalita pero sobrang seryoso niya at ang seryosong Erza ay nakakatakot na Erza. Sila Anj ay nakatingin na din sakin. Halatang naghihintay ng sagot. I exhaled. Wala talaga akong maitatago sakanila lalo na't nahuli ako ni Erza. "Sasabihin ko pero mangako kayo sakin na wag kayong lumingon or tumingin dun sa table nila," panimula ko. Tumango naman silang apat. Nagtaas pa nga si Joey ng kamay at ginawa niya yung promise cross my heart na action, "Well, yung sa pang-anim na table, napopogian kasi ako dun sa naka plain white shirt na lalake. Yung may hawak ng San Mig. Hindi yung isang nakacap ha. Yung walang cap ang tinutukoy ko," sabi ko sabay inom ng San Mig na isinalin ko sa basong may yelo. Kinakabahan ako sa di ko alam na dahilan. At ang mga lokong kaibigan ko naman. Biglang lumingon doon sa table na sinasabi ko. Sabay sabay pa silang lumingon! Mga walang hiya talaga sabing wag titingin eh! "Hoy! Wag kayong lumingon sabi eh!" "Mariz Sky Del Monte akala ko ba ayaw mo sa Educ students at P.E. major? Bakit sinasabi mong napopogian ka don kay Adrian?!" sabi ni Erza. Jusko ano ba yan. Diba dapat siya ang naha-hot seat kasi siya yung naghost at iniwan ng walang pasabi? Bakit ako yung nagigisa ngayon! Imbes na tanungin ulit si Erza kung bakit siya naghost para mapunta sakanya ang usapan ay iba ang lumabas sa bibig ko. "Kilala mo?" "Malamang bes! Classmate ng gagong Justin na yon ang lalaking sinasabi mong pogi," aniya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Guys, feel ko nanganganib ako.." At lahat sila ay nagulat sa sinabi ko. Agad nilang ibinaba ang mga basong hawak nila. Hinawakan ako ni Ethel sa noo pagkatapos ay chineck naman niya ang pulso sa aking kamay. Si Anj ay pinapaypayan na ako gamit ang panyo niya kahit na naka-aircon ang club. Para siyang tanga pero hindi ko kayang lokohin siya ngayon. Si Erza ay nakatayo na at nag-aalalang nakatingin sakin. Si Joey ay hawak na ang susi ng sasakyan. "Brad may masakit ba sayo? Uwi na tayo? Ako na magdrive," nag-aalalang tanong ni Joey. Tumango naman ang mga girls na para bang sang-ayon sila sa sinabi ni Joey. Umiling ako. Wala naman kasing masakit sakin. Kabaliktaran pa nga eh. Nae-excite ako na kinakabahan pero hindi masakit sa pakiramdam. Nagbaba ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga. Pagkatapos ay nag-angat ulit ako ng tingin at tinignan silang lahat. "Nanganganib ang puso ko." At tuluyan silang napanganga sa sinabi ko.  End of Chapter One.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD