Chapter Five

2549 Words
CHAPTER FIVE (College Days) MARIZ HINDI ko na mabilang kung ilang beses na akong tinutukso ni Erza tungkol kay Adrian. Gaya nalang ngayon na naghuhugas ako ng pinggan. Kakatapos kasi namin kumain. Siya ang nagluto kaya naman ay ako naghugas. "Pero beh, ang ganda mo pumili dahil ang sarap ng taste mo ha. Marunong kang pumili ng makakain," sabi niya. Naglalagay siya ng night cream sa mukha. Nakadekwatro pa siya. "Erza ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kinakain si Adrian kasi hindi naman siya pagkain," sabi ko sakanya. Nagpunas ako ng kamay at humarap sakanya. Naglalagay pa rin siya ng cream. "Sure ka bang hindi mo siya kakainin?" tanong niya habang hindi pa rin ako tinitignan. Busy kasi magskin care routine. Sana all nga eh. Ako kasi tamang safeguard lang. "ERZA NAMAN!" histerikal na sigaw ko. Nag-bla-blush ako dahil sa sinabi niya. Jusko! Hindi naman sa pa-feeling inosente ako pero naaasiwa lang ako sa mga pinagsasabi niya. Akala ko sanay na ako sa mga spg words ni Erza hindi pa rin pala. Nagsisitayuan pa rin ang mga buhok sa katawan ko. Para talagang kama sutra itong si Erza eh, pero hindi book version kundi human version. "Sus, kunwari ka pa. Gustong gusto mo naman. Anyway, I need beauty sleep na bessy. Dapat fresh bukas pagkagising," sabi niya sabay tayo. Tumango lang ako sakanya. Noong makaalis na siya ay tinignan ko muna kung naka-lock ng mabuti ang mga bintana at pinto ng kusina. Noong masigurado kong okay na ay nagtungo ako sa kwarto ko. Dahil nararamdaman kong ang lagkit ng katawan ko, nag-shower muna ako. Pagkatapos ng mga kaechosan ko sa katawan ay ready na akong matulog. Pero dahil hindi pa naman ako inaantok, nag-check muna ako ng mga notes ko at binasa ko na din ang mga lessons na ite-take palang namin. Advance reading, hehe. Iniligpit ko na yung mga notebooks ko noong maisipan kong mag-online. Magche-check lang ako ng mga messages sa gc. Oo, magche-check lang ng messages sa gc, promise. Hindi ko i-stalk si Adrian promise. So far, wala namang importanteng announcements sa gc. Puro sila nag-aayang uminom. Balak ng mga classmates namin na mag-outing ang buong HRM-1A. Kakatapos lang daw kasi ng hell week. Hindi nalang din ako sumasagot sa tanong nila. Tanong ko nalang muna si Erza. Kung gogora siya ay sasama din ako. Hindi kasi ako sanay na ako lang dapat kasama ko siya. May mga ma-attitude pa naman kaming classmates. Akala mo kung sino mga mukhang lampaso naman. Naisip ko nanaman si Adrian. Medyo may improvement na din. Naks, lakas maka first name basis, akala mo naman talaga may relasyon kami. Pero para saan pa't magkakaroon din ng 'kami' konting push lang sa lalaking yon. Natawa ako dahil sa naisip. Bumalik yung tingin ko sa cellphone ko, hindi naman siguro masamang tumingin diba? Isang tingin lang naman. Promise after ng isang tingin mag-o-offline na ako. Sinearch ko yung name niya. Naka-see first pa nga siya eh. Nakita kong online siya. Nagliwanag ang buong buhay ko dahil sa nag-iisa at walang ibang inspirasyon ko in life na si Adrian. Char. Iniisip ko kung anong gagawin ko. Nakatingin lang kasi ako sa active now niya. Bago pa ako makapag-isip ng tama ay namalayan ko nalang na nag-chat na ako. s**t, ito na yon. Ako na ang magfi-first move, ang bagal niya kasi eh. Ako nalang ang gagalaw para sa kapakanan ng relasyon namin. Mariz Sky Del Monte: hi Adrian! :) seen Hala, ang sungit naman nito? Totoo ba tong nakikita ko? NA-SEEN ZONE AKO. Inuulit ko, naseen-zone ako! Ako na si Mariz Sky Del Monte na-seen?! My god hindi ito tama! Kailangan niya akong panagutan! Char. Akala mo naman talaga nabuntis niya ako eh. Mariz Sky Del Monte: hala ang sungit naman :( seen Mariz Sky Del Monte: uy Adrian:(( typing... Adrian Peralta: ? Grabe bakit kahit question mark lang yan kinikilig pa rin ako? Yung pag chat niya ng ganyan sobrang na-appreciate ko. Nag-effort kasi siya mag chat ng ganyan. Ito na yung pagkakataon kong magpapansin sakayan. This is my chance! Nagreply na eh. Mariz Sky Del Monte: ikaw ba si Joe? Adrian Peralta: hindi. Mariz Sky Del Monte: ngi, ito naman oh ang seryoso masyado. Bakit sabihin mo, dali! seen Hala, seen na naman ako. Busy siguro siya? Nakita ko kasi sa my day niya ay may mga libro tapos may class record pa. Baka gumagawa siya ng lesson plan? Eh bakit siya online? Baka hinihintay niya akong magchat? Ehe! Mariz Sky Del Monte: uy Adriaaaaaaaaaan, dali naaaaa bakit kamo na ah typing... Adrian Peralta: t s k Mariz Sky Del Monte: hala, galit ka na ba? :(( Sorry na bEbEhLabsq :* Adrian Peralta: Na-seen zone na nga ako na-like zone pa, grabe double kill. Pero syempre, kinilig ang lola niyo. Ang effort niya kaya magchat feel ko eh. Feel niyo din ba? Mariz Sky Del Monte: i like you, too. Humwe! typing... Adrian Peralta: what?! Hala, nag-english na tuloy. Galit talaga ata siya. Diba sabi nila kapag nag-e-english ang isang tao galit? Pero pakialam ko naman, kukulitin ko pa rin siya. Bahala siya jan! Bwahahaha! Mariz Sky Del Monte: nagsend ka ng like so sabi ko i like you too hihi Adrian Peralta: k Grabe sa K ha! Wala siyang karapatang magsend sakin ng K. Pagkatapos kong mag-type ng kehaba habang reply tapos K lang sasabihin niya!? Mama ko ba siya?! Hindi naman ah. Si mama lang ang may karapatang mag-chat ng K sakin! Mariz Sky Del Monte: pero hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko ih typing... Adrian Peralta: ? Mariz Sky Del Monte: sige na dali na bilisss typing... Adrian Peralta: okay Mariz Sky Del Monte: ikaw ba si Joe? Adrian Peralta: bakit? Mariz Sky Del Monte: ang magiging JOEwa ko. Boom kiligin ka! seen Adrian Peralta was active 1 minute ago. Hala, sineen lang ako tapos nag-offline na agad! Ni hindi man lang siya nag good night! Yon na yon? Kinilig siguro yon at hindi niya mapigilan kaya nag-offline para di ko mahalata. Nako nako Adrian naman eh, bakit ka ganyan. Puwede ka namang umamin sakin. Promise di ako magagalit, matutuwa pa nga ako. Hihi. Dahil hindi naman na online si Adrian ay napagdesisyonan ko nalang na matulog na. Mag a-alas dyes na din naman kasi. Ini-off ko na ang ilaw. Nagset muna ako ng alarm bago inilagay ang aking phone sa may mesa katabi ng kama ko. Excited na akong pumasok! Sana makita ko si Adrian bukas! KINABUKASAN ay maaga kaming nagising ni Erza. Balik kami sa routine namin. Ako ay nagluto ng breakfast ko. Simpleng fried rice at itlog lang ang niluto ko. Nag-toast din ako ng tinapay at nagtimpla ng kape para kay Erza kasi yan lang ang breakfast niya. Hindi kasi siya masyadong kumakain ng umagahan. "UY NAGBASA ka ba sa Understanding the self? Baka may quiz mamaya eh. Alam mo naman na ang Prof natin dun," paalala ko kay Erza habang nagmamaneho ako. Tinatamad daw kasi siya magmaneho at kung ako lang din ang tatanungin ay ayoko siyang magmaneho baka mapunta kami sa hospital imbes na sa school. "Oo nagbasa ako. Alam mo friend hindi ko alam sa subject natin na yan. Alam mo yun understanding the self yun eh. Pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan sarili ko?" tanong niya na siya namang ikinatawa ko. Ako din kasi ganon. NAKARATING kami sa school eksatong 6:40 am. Okay lang yun kasi 7:30 naman ang first class namin. Naglalakad na kami ngayon ni Erza papunta sa building namin. May kinakausap si Erza na lalaki na taga ano, ay wait hindi ko alam kung taga saang college ba yan. Basta pagkapasok namin ay agad niya kaming nilapitan. Ay mali, agad niyang nilapitan si Erza. Bagong fling niya siguro to. Inilibot ko ang mata ko habang naglalakad kami. Umaasa kong makikita ko si Adrian. Pero totoo pala yung sinabi nila na wag umasa kase masasaktan ka lang. Palapit na kami sa room pero hindi ko pa rin siya nakikita. Nalungkot tuloy ako pero feel ko mamayang break namin ay makikita ko naman siguro siya. Tama, tama! Wag mawalan ng pag-asa Mariz! Fighting! "Sino na naman yun aber?" naka-taas ang kilay ko habang tinatanong siya. Nakaupo na kami ngayon sa upuan namin. Wala pa yung prof namin kaya kanya kanyang business ang loob ng HRM-1A room. May mga nagsusulat, nagli-liptint at may naglalaro pa nga ng ml eh, nagmumurahan kasi sila. "Ah si James yon. Taga crim. Pogi no?" sabi niya tapos tinaas at ibinaba niya pa yung kilay niya. Napailing nalang ako sakanya. Nagkwentuhan pa kami ni Erza. Napag-usapan din namin na gogora daw ang bruha sa outing kaya naman ay sasama din ako. Hindi daw siya papayag na hindi pupunta. Aayain daw niya si James. Sinabi nga niya sakin na ayain ko din daw si Adrian. Eh paano? Ni hindi ko pa nga nakikita at hindi pa siya online para i-chat ko nalang. Siguro mamaya nalang hahanapin ko nalang siya. Eksatong 7:30 nakarating yung prof namin. Akala nga namin absent kasi lagi namang 7:00 palang nasa room na siya. Baka siguro may emergency kaya eksaktong 7:30 siya pumasok. Si Erza todo text, nangingiti pa nga eh. Ang sabi niya ay alam na daw niya ang lesson kasi nag-advance reading naman daw siya pero noong siniko ko ay natigil din. Nakatingin kasi samin si Sir. Mahirap na baka mapalabas na naman kami. Ayoko na maulit yun. Kahit naman gusto kong maglatag na ng banig dito sa room dahil sobrang nakakaantok itong subject na to sabayan pa ng sobrang bagal magsalita ni Sir ay hindi ko gagawin. Baka hindi nalang mapalabas sa room ang mangyayari sakin, baka ma-guidance pa ako. Ayoko nun. Kahit naman mukha akong hindi matinong estudyante ay never pa akong na-guidance. Kayo ba na-guidance na ba? Kung hindi ay congrats! Kung oo, sana all. Char lang. MABUTI na lamang ay walang recitation na nangyari. Nagmamadali din kasi si Sir kanina. Nagbigay lang siya ng modules na kailangan naming pag-aralan at gawaan ng reflection at para sa reaction paper naman ay kailangan naming pumili ng isang movie tungkol sa love at gawan ng reaction paper. Hindi talaga mawawala sa buhay estudyante ang pagsusulat ng reflection at reaction paper. Hindi ko na nga mabilang kung ilang reaction at reflection papers ang nagawa ko. Napunta pa nga ako sa point na nagsearch nalang ako at ni-copy paste ko nalang dahil sa sobrang kawalan ng ideas. Sa ngayon naman ay hinihintay namin yung prof namin para sa kitchen essential tools. Habang naghihintay ay binabasa ko na yung modules na binigay ng prof namin para sa understanding the self. Napangiti ako dahil tungkol sa love yung topic. Different kinds of love keme keme. Alam ko na agad ang ilalagay ko at syempre sa movie naman ay mga sinulat ni Nicholas Sparks. Ang gaganda kasi ng mga gawa niya eh. Try niyo ding panoorin. Promise, worth it. ANG BILIS NG ORAS. 12:00 pm na. Mabuti na lamang ay mamayang 2pm pa ang next class namin ni Erza kaya medyo chill lang magligpit ng gamit. Noong first year kasi namin ay sobrang nakaka-stress kasi imagine niyo naman, 12:00 pm kami nag-dismiss tapos 1:00 pm next class namin. Sobrang nawindang kami ni Erza noon. Ang layo pa naman ng canteen kaya isang rebisco na biscuit at tubig lang ang nabili at nakain namin sabay takbo para sa next class. Ayaw namin ma-late noon kasi major subject namin at istrikto pa yung prof. Sobrang hirap pero worth it naman. Tignan niyo naman fourth year na kaming dalawa. At ang hirap ay parte talaga ng pagiging estudyante. Pero kahit nga may trabaho mahirap din. Kaya lagi naming sinasabi ni Erza sa sarili namin ay ayos lang ang mahirapan ka ngayon kase bukas naman or sa future ay magiging mabuti din ang resulta. Giginhawa din ang buhay pagkatapos ng paghihirap. Kaysa naman na mag-enjoy at mag-enjoy ka ngayon tapos bukas ay nganga ka. "Uy si Anj nagtext makikisabay satin ng lunch. Doon daw tayo sa canteen nila kumain. Pero hintayin lang natin siya konti. Libre niya naman eh," sabi ni Erza pagkatapos niya maglagay ng liptint. Basta talaga libre ang sarap sa ears. Namilog ang mata ko. Hinablot ko yung liptint ni Erza at salamin. "Te, hinay-hinay lang naman. Napaghahalataan ka eh." "Hala, bakit? Kailangan kong magpaganda kasi syempre ang lapit ng educ sa building ng law! Baka makita ko si Adrian dun. Kailangan naka-ayos at maganda. Ayoko siyang mandiri sakin no," masungit kong sabi. Bahala siya jan. Ito na yung sign eh. Lord, maraming salamat po dahil binigay niyo si Anj bilang kaibigan at maraming salamat dahil nag-law siya. Jusko. Ang lakas ko talaga kay Lord! "Malandi ka," tawa niya sabay hila ng buhok ko. Hindi naman masyadong masakit ang pagkakahila niya, halatang nagbibiro lang siya. Natawa nalang din ako at ibinalik ang liptint at salamin niya. Kinuha ko na ang shoulder bag ko bago hinila si Erza. "Tara na! Tara na! Dali," masayang sabi ko kay Erza sanay hatak sakanya palabas. Lord, thank you talaga. Promise, magiging mabait na ako. SLIGHT lang. "Wait lang naman. Tetext ko si James." Habang naglalakad kami papunta sa building ni Anj ay todo lingon ako. Madadaanan kasi namin ang Educ building bago makapunta sa building nila Anj or sa mabilis na salita medyo magkatabi sila. Mge benches lang ang nasa gitna. Hindi ko pa rin ma-sight si Adrian kahit nga anino niya hindi ko mahagilap. Na-feel niya bang maglalakad kami dito kaya wala siya? Si Erza at James ay nakaupo na doon sa bench na nasa harap ng Law building. Nakiupo nalang din ako. Wala si Adrian eh hindi ko makita. Sinalpak ko nalang yung earphones ko at nagpamusic ng thank you for the broken heart ni J. Rice. Nasa chorus na ang kanta noong kinalabit ako ni Erza. Hindi ko siya pinansin at nilingon. Bahala siya jan. Nakaka-inggit kaya na meron siyang James tapos ako walang Adrian. Kinalabit niya ulit ako, tinulak ko lang yung kamay niya. Istorbo eh, kitang nagmo-moment ako dito. Feel na feel ko pa yung chorus eh. Nagulat ako noong hinatak niya yung buhok ko. Sa sobrang lakas ay muntik na akong matumba sa bench. Sisigawan ko sana siya ng bigla niyang tinanggal yung earphones ko. "Si Adrian mo. Ayun nakaupo sa may bench. Gaga ka. Chance mo na. Mag-isa siyang nakaupo oh. Yan earphones pa." Hindi ko pinakinggan si Erza. Agad kong ibinulsa ang phone ko habang nakaplay pa rin ang kanta. Hindi na nga ako nag-abalang i-stop ang kanta kase masyadong nakafocus ang mga mata ko sa future husband ko. Humarap ako kay Erza. "Okay lang ba mukha ko? Di naman haggard?" tanong ko sakanya sabay suklay sa buhok ko gamit ang kamay ko. Umiling siya. "Ready for laplapan kana be. Gorabels ka na wala pa naman si Anj." Kung ibang pagkakataon to baka nasapak ko na siya. Pero kasi andoon si Adrian kaya naman di na ako nag-effort pang awayin at sigawan itong si Erza. Mamaya nalang siguro kapag nasa apartment na kami. Kahit magpatayan pa kami. Syempre, joke. Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa direksyon niya. Nakayuko siya at nagsusulat kaya naman ay hindi niya ako napapansin. Habang naglalakad ay parang nag-slow-mo ang buong paligid. Habang naglalakad ako papunta sakanya ay wala akong ibang makita kung di siya lang, sakanya lang naka-focus yung mga mata ko. Ang sabi ni Erza sakin ay malala na ako. Mukhang tama siya, malala na nga talaga ako. Hindi na simpleng crush to, mahal ko na. Mahal ko na si Adrian Macalinga Peralta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD