Tinago ko ang binigay na regalo ni Cloud sa akin dito sa shoe box,dito ko iniipon lahat na bigay n'ya sa akin sa mga nakaraang birthday ko at kahit hindi ko pa birthday basta may gusto s'yang ibigay sa akin ay ibibigay nya kahit dahon pa yan ng santol na may pangalan niya na nakasulat,tinatago ko,at dahil gagamitin ko ang cellphone na kakabigay niya palang ay itong mga cartoon nito ang itatago ko. Nagulat nga si mama nung pagkarating ko noong galing kami sa Bacolod nung hapon at matutulog na sana kami na may bigla na lang tumunog. Kaya doon ko sinabi na niregalohan ako ni Cloud ng cellphone,wala namang reklamo si mama ang sabi lang na ingatan ang gamit lalo na sa akin na sobrang clumpsy. Kakatapos ko lang gawin ang ibibigay ko kay Cloud para sa birthday n'ya,sabi naman n'ya na kahit an