Nagkamali ng desisyon si Archer nang pumayag siya na matulog sa iisang silid kasama si Tiffa. Ang dalaga ngayon ay mahimbing na mahimbing sa pagkakatulog, samantalang siya ay pabiling-biling sa kama at hindi dalawin ng antok. Ngayon lang kasi niya naranasan na matulog na may katabing babae sa higaan. Hindi siya komportable na nadidikit ang katawan ni Tiffa sa kaniya. May kung anong kuryente ang gumagapang sa buo niyang katawan at nagdudulot iyon ng hindi maipaliwanag na init. Isang oras na siyang nakahiga at hindi na niya matagalan na katabi si Tiffa, napakalikot kasi nitong matulog at pagulong-gulong pa. Bamangon siya at naghanap ng maaari niyang higaan bukod sa kama. Nakita niya ang sofa chair, lumapit siya rito at naupo, sinubukan niyang humanap ng magandang posisyon kung saan ay mak