Simula nang magpunta sila sa Tagaytay ay nag iba na ang pakikitungo ni Tiffa kay Archer at ipinagtataka iyon ng binata. Naging komportable na kasi sa kaniya si Tiffa na para bang malapit na sila sa isa't-isa na hindi naman niya binibigyan ng ibang kahulugan. Alam niya kung ano lang siya sa buhay nito at lumulugar siya kung saan siya nararapat. Ngayong araw ay hinatid niya ito sa isang mall kung saan nakipagkita ito sa kaniyang mga kaibigan. Hindi na siya sumama sa loob at naghintay na lamang sa sasakyan. Habang naghihintay ay ginawa niyang libangan ang pagbabas ng libro para hindi mainip. Alam niyang matatagalan pa bago bumalik ang kaniyang amo, lalo pa at ang mga kaibigang sina Ritz, Liby at Mitch ang kasama nito. Nakasanayan na niyang bumili kada suweldo ng paisa-isa o dalawang libro