Matutulog na sana si Archer nang may biglang kumatok sa pinto ng silid niya kaya natigil siya sa gagawin sanang paghiga sa papag. Lumakad siya at tinungo ang pinto, binuksan niya iyon para alamin kung sino ang tao sa labas. Pagbukas niya ay nabungaran niya si Karen, kasama nito si Ador, may bitbit ito na kalakihang box. Agad na ipinasok ni Ador ang dala sa loob ng silid ni Archer. "O, bahala na kayo d'yan, ha, matutulog na 'ko. Archer, ingat na lang sa biyahe mo bukas," sabi ni Ador sabay tapik sa balikat ng binata. "Sige, salamat Ador," sabi ni Karen. Tumango lang ito at umalis na para lumipat sa kabilang silid na naging tulugan na niya sa loob ng apat na taon na paninilbihan sa mga Valencia. "Mga groceries lahat nang 'yan, pinabibigay ni Sir Robert, dalhin mo raw sa pag uwi mo, para