Nakabili na ng ticket si Archer. Aircon bus ang sinakyan nila pauwi ng probinsiya. Kung siya lang sana mag-isa ang uuwi ay mas pipiliin niya na regular bus lang ang sasakyan. Bukod kasi sa mura ay mas gusto niyang bumibyahe ng bukas ang bintana at may nasasagap na hangin na nanggagaling mula sa labas. Sa pandalawahang upuan sila pumuwesto. Pinaupo niya sa tabi ng bintana si Tiffa para hindi ito maiistorbo at masasagi kapag may dumaraan. "Ayos ka lang ba? Komportbale ba ang puwesto mo d'yan?" tanong niya sa dalaga. "Oo, ngayon lang ako nakasakay sa bus, ayos naman pala, malinis at malamig," sagot ni Tiffa. "Kaya nga mas gusto kong ganito dahil nakakapagpahinga ako, pwede akong matulog ano mang oras na gustuhin ko, iyon nga lang ngalay ang kalaban mo. Malayo ang lalakbayin natin kaya mat