Hindi pa sana lalapit si Tiffa kay Archer kaya lang sa inis niya sa mga babaeng nakatanghod dito ay napilitan na siyang lapitan ito. Gusto niyang ipaalam sa mga babaeng iyon na si Archer ay pag-aari na niya. Tama namang nakasabit sa balikat niya ang maliit na tuwalya na ginamit niya kanina na pampunas sa kaniyang mukha nang maghilamos siya. Pawisan si Archer kaya naisip niyang punasan ang basang katawan nito. "Pawis na pawis ka na, kanina ka pa ba nagsisibak ng kahoy?" tanong niya ng makalapit sa binata. Agad siyang nilingon nito. "Huh! Gising ka na pala," nakangiting sabi ni Archer, namumula na ang mukha nito sa matinding pawis. "Pwede ba magpahinga ka muna, halika rito pupunasan ko ang pawis mo." May nakita siyang mahabang upuang kahoy naupo siya roon at sinenyasan si Archer na maup