"Tol, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Ikaw ba talaga ang nanligaw kay Miss Sungit? Kilala kita, hindi ka basta-basta magkakagusto sa isang babae kahit gaano pa siya kaganda kasi ang mas tinitingnan mo ay ugali niya at kung paano siya makitungo sa ibang tao. Si Miss Sungit, hindi pasado sa standard mo pagdating sa babae, kaya nagtataka ako kung paanong nagkaroon kayo ng relasyon?" tanong ni Binggo, kasalukuyan itong nagbabalat ng papaya para isahog nila sa nilulutong tinola. "Huh! Ano ba ang sinasabi mo d'yan? Magiging kami ba kung hindi ko siya gusto? Huwag mong sabihin na masama ang ugali ni Miss Tiffa, dahil hindi mo naman siya kilala ng lubos. Mabait siya at malambing, magalang din naman siya at magaling makisama," pagtatanggol ni Archer sa kaniyang nobya. "Tsh! Paano ba naging kayo