Excited na bumaba si Tiffa nang malaman niyang dumating na ang pinagawa niyang damit sa fashion designer na si Marky. "Ito na Miss Tiffa," sabi ni Karen habang inaabot ang mahabang kahon na kulay puti kay Tiffa. "Sige ilapag mo sa lamesa," utos ni Tiffa. Nasa sala sila ngayon. Hinayaan niya na yumuko si Karen para ilapag ang kahon sa lamesa. Binuksan niya ang kaniyang hawak na cellphone para kunan ng picture ang kahon. Sa packaging pa lang ay gandang-ganda na siya at hindi siya makapaghintay na makita ang nilalaman nito sa loob. "Buksan ko na ba, Miss?" tanong ni Karen na nakahawak sa takip ng box at ano mang oras ay handa na siyang buksan ito. "Yes, open it," sabi naman ni Tiffa. Magkasalikop ang kaniyang mga kamay habang hinihintay na lumantad sa kaniyang harapan ang laman ng kah