Kinabukasan ay gumising si Tiffa na hindi pa rin maayos ang pakiramdam. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at ang una niyang tinawagan ay si Archer. Papungas-pungas na gumising si Archer nang marinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Inabot niya ito sa lamesa at inalam kung sino ang tumatawag. Nang makita niya ang pangalan ni Tiffa sa kaniyang screen ay agad niyang sinagot ang tawag nito. "I'm still not feeling well, please bring me to the hospital," sabi ng nasa kabilang linya. Sigurado si Archer na talaga ngang masama ang pakiramdam ni Tiffa dahil ito ang unang pagkakataon na narinig niya itong nagsalita ng mahinahon at hindi pasigaw at maituturing niyang isang himala na marinig itong nagsalita ng "please". "Sige, Miss, hinatayin mo 'ko, papunta na ako d'yan," ag