Nagkatuwaan sila Archer at Binggo na sumakay sa balsa, samantalang si Tiffa, Clarissa at EC Boy naman ay naglaro ng buhangin. Pinagtulungan ng tatlo na gumawa ng malaking sand castle. Si Aling Sonia naman ay nakamasid lang sa mga ito. Nililibang niya ang sarili sa pagga-gantsilyo. Hindi siya naligo, gusto lang niyang sumama para makita ang dagat. Hinihintay niya na lumilim para makapaglakad-lakad siya sa buhanginan. Presko naman sa cottage, may mga nakatira malapit sa tabing dagat ang napapadaan at nakakahuntahan niya kaya hindi siya naiinip. Masayang-masaya nga siya na nakikitang nag-eenjoy ang kaniyang mga anak, minsan lang kasing mangyari na makapamasyal silang buong pamilya. "Wow, ang ganda! Para talagang totoong castle," humahangang sabi ni Clarissa. "Oo nga Ate, ang galing talaga