Imbes na tatlong araw lang ang bakasyon nila Archer sa Santa Catalina ay humiling pa si Tiffa na i-extend ito. Tumawag siya sa kaniyang ama para ipaalam ang plano niya na magtagal pa sila ni Archer doon nang isang linggo. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan nadarama sa lugar na iyon. Napakasimple kasi ng buhay at walang masyadong iniisip na problema ang mga tao rito. Isang umaga, humahangos na pumunta si Binggo sa bahay nila Archer. Sa tarangkahan pa lang ay tumatawag na ito, "Tol!" Narinig naman agad iyon ni Archer na kasalukuyang nasa sala lang at nagpapahinga, katatapos lang kasi nilang magpa-hose ng tubig. Hindi na siya nag-iigib ngayon, meron ng nagde-deliver na truck sa kanila na may dalang tangke ng tubig. Tumayo si Archer at sinalubong si Binggo sa may pinto. "Oh, bakit na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books