Chapter Forty Five•

1581 Words

"Miss, saan po bang simbahan ko kayo ihahatid?" tanong ni Archer kay Tiffa nang makalapit sa kaniya ang dalaga. Malayo pa lang kasi ay napansin na agad niya ang kakaibang kasuotan ng kaniyang amo. Agad niya itong pinagbuksan ng pinto sa backseat. Nangunot ang noo ni Tiffa, hindi muna ito sumakay at nilingon si Archer. "Anong simbahan?" tanong ng dalaga. "Di ba po magsisimba kayo?" alanganing tanong ni Archer. Ngayon lang kasi niya nakitang nagsuot ng mahabang damit si Tiffa. Ang palda nito ay halos umabot na sa sakong, ang puting blusa naman ay mahaba ang manggas, kaya inakala niyang sa simbahan ang punta nito. "Huh! Hindi ako pupunta sa simbahan, magmo-mall ako," ani Tiffa. Gusto niyang mainis kay Archer ngunit pinigilan niya ang sarili. Kahit siya ay naiilang sa suot niya ngunit wa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD