"Ano ba? Ang ingay naman!" inis na sabi ni Tiffa, walang tigil kasi sa pagtunog ang kaniyang cellphone. Kinapa-kapa niya ito ng kaniyang kamay. Hindi niya alam kung nasaan ito pero, parang nasa malapit lang dahil ang lakas ng tunog. Pinilit niyang idilat ang kaniyang mga mata. Antok na antok pa siya. Alas dose y medya na ng makatulog siya, naglaro pa kasi siya ng online games, inaya kasi siya ni Liby at Mitch kagabi. Sa sobrang abala niya sa paglalaro ay hindi niya namalayan na inumaga na pala sila. "Hmm...Ano ba kasing tunog 'yon?" Sa kahahanap niya sa wakas ay nakita rin niya ang kaniyang cellphone na nadadaganan pala ng unan na gamit niya. Kinuha niya ito at tiningnan ang screen. Ang kanina ay hindi maidilat na mga mata ay dilat na dilat na ngayon. Naalala niya na inalarm nga pala ni