Nang sumapit ang alas nuebe y medya ng gabi ay huminto ang bus na sinasakyan nila Archer sa terminal nang Santa Catalina. Katulad ng inaasahan ng binata ay naroon na ang kaibigan niyang si Binggo na naghihintay sa kaniyang pagdating, dala nito ang tricycle na inarkila sa kanilang kapitbahay na si Mang Julio. "Tol, kamusta?" pagbating tanong ni Binggo kay Archer. Bumaba ito sa motor at lumapit sa binata. "Mabuti naman," masayang sagot ni Archer habang inilalapag sa sahig ang dala nitong kahon, dalawang may kalakihang bag at isang back pack. Masayang sinalubong ng yakap ni Binggo si Archer. Apat na buwan na rin kasi ang nakalilipas simula ng huling umuwi ang binata sa Santa Catalina. "Nang sinabi mo sa akin na uuwi ka ipinaalam ko kaagad kay Aling Sonia. Tuwang-tuwa ang nanay mo at mga k