Mahigit isang oras ang ibiniyahe nila bago makarating sa pinakamalapit na mall. Hindi makapaniwala si Archer, sa ganda ng kaniyang mga nakikita. Estranghero para sa kaniya ang buong lugar. Ang totoo ay ngayon lang siya nakapasok sa isang shopping mall. Naririnig niya lang iyon sa mga nakatira sa lugar nila na magaganda raw ang mga mall sa Maynila, masarap mamasyal, maraming mabibili at maraming masasarap na mga pagkain. "Halika dito tayo sa department store, nandito na lahat ang kailangan natin," sabi ni Karen. Sumunod naman siya rito. Nakarating sila sa mens department. Hinanapan siya ni Karen ng polo at pantalon para sa kaniyang uniform. Ipinasukat muna sa kaniya ang mga damit, sinigurado na sakto sa kaniya ang mga iyon dahil kung hindi ay magagalit na naman panigurado si Tiffa. Liman