"Nasaan na ang driver ko, wala pa ba?" may halong pagkainip na tanong ni Tiffa, nakabihis na siya at handa ng umalis. "Parating na 'yon, Ms. Tiffa, naligo pa kasi," tugon naman ni Karen. "Saan ba ang punta mo, Miss?" tanong ng alalay. Nangunot ang noo ni Tiffa, nilingon niya si Karen at sinamaan ng tingin. "Bakit mo tinatanong, ikaw ba si Daddy?" pilosopong sabi niya. "Ah, sorry, Miss, napansin ko lang kasi ang conservative ng suot mo ngayon, akala ko magsisimba ka," sabi nito sabay alanganing ngiti. Ang totoo ay kabaliktaran niyon ang gusto niyang sabihin sa amo. Ang damit kasi na suot ni Tiffa ay spaghetti strap blouse na puti na medyo nakalabas ang cleavage at maong short na maiksi na binagayan ng rubber shoes na puti rin. Sa sinabi niyang iyon ay nakatikim siya ng kutos mula ka