Chapter Thirteen•

1505 Words
"Dad, kailan mo ba babawiin ang parusa mo sa akin? How long will I stay inside this house? I'm really bored. Para na akong mababaliw. Palabasin mo na ako kung ayaw mong magkaroon ka ng baliw na anak," pananakot na sabi ni Tiffa na sinamahan pa ng konting acting para makonsensiya ang kaniyang ama at hayaan na siyang maging malaya at makalabas ng bahay. Simula kasi ng mabangga niya ang rolls royce ng kaniyang ama ay pinahaba pang lalo nito ang parusa sa kaniya. Imbes na one week na lang siyang grounded ay nadoble pa. Kasalukuyang naghahapunan sa dining table ang pamilya Valencia. Tahimik lang na kumakain si Regina at hindi nakikialam sa pag uusap ng mag-ama. "Sinabi ko naman sa 'yo, two weeks kang grounded. Hangga't hindi ako nakakahanap ng driver/bodyguard mo ay hindi ka pwedeng lumabas, naiintindihan mo ba, Tiffany?" Biglang bumusangot ang mukha ni Tiffa. "Tsh! Kailan pa 'yon? Alam mo Dad, huwag mo na akong hanapan ng bodyguard, lalo na ng driver. I don't need it, I can take care of myself." Napalakas ang pagbuntong hininga ng malalim ni Regina, na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Tiffa. Binalingan niya ng masamang tingin ang kaniyang stepmother. Alam niyang gusto na namang magsalita nito at sumingit sa pag uusap nila ng kaniyang ama. Susulsulan na naman nito ang daddy niya para lalo siyang hindi palabasin. Para kay Tiffa ang kaniyang Tita Regina ang malaking kontrabida sa buhay niya. "Pang ilang aksidente mo na ba simula ng mawalan ka ng driver ha, Tiffany? Let me remind you, as you may have forgotten, that you have already been in four accidents, and at present, our vehicles are still in the repair shop undergoing work. I'm still grateful that nothing bad happened to you after those accidents. I'm doing this not solely for my own sake, but for yours as well. I am guiding you to aid your growth and learning. Throughout the weeks you've spent at home, haven't you contemplated it? Have you not recognized your mistakes yet? Time is passing, Tiffa. I trust you begin gleaning wisdom from life. Your focus has predominantly been on friends and social activities. Dapat ngayon ay tinutulungan mo na ako sa pagpapatakbo ng ating mga nesgosyo dahil balang araw ay sa 'yo rin naman mapupunta ang lahat ng ito." "Dad, ang lakas-lakas mo pa. Hayaan mo muna akong i-enjoy ang kabataan ko. Darating din tayo d'yan, tutulungan din naman kita sa pagpapatakbo ng ating kompanya, pero hindi pa ngayon. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at hindi ko maumpisahan ang mga iyon dahil ikinukulong mo lang ako rito sa bahay." "At ano, hahayaan kitang lumabas para maaksidente ka na naman ganun ba? Paano kung sa susunod mong aksidente hindi lang ang sasakyan natin ang mapuruhan kung hindi pati ikaw? You ought to express gratitude and exercise caution at this point, Tiffany. You should value your life even more, but it seems like what happened doesn't matter to you." "Whatever, Dad!" ani Tiffa at umikot pa ang mga mata. "Okay fine, kung ayaw mong palabasin ako 'di wag," pabalang na sabi niya. "If you'll excuse me, aakyat na ako sa kwarto ko, nawalan na ako nang gana," sabi pa niya habang itinutulak ng katawan ang upuan palabas ng lamesa sabay tayo. "Tiffa, hindi ka pa tapos kumain. Bumalik ka rito!" sigaw ni Robert, ngunit nagbingi-bingihan ang kaniyang anak. Parang hindi siya naririnig nito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Walang bawas at halos hindi nagalaw ang pagkain ni Tiffa, nang iwan nito sa lamesa. Nasapo naman ni Robert ang ulo dahil sa labis na pagkadismaya sa anak. Hindi niya alam kung paano pa ko-kontrolin ito. "Hayaan mo na siya, kakain din 'yan kapag nagutom," ani Regina sa asawa. Hindi siya nagpahalata na naapektuhan sa ginawang pambabastos sa kanila ni Tiffa. Sanay na siya sa pag uugali nito. Kung may sarili lang silang anak ni Robert ay hindi niya hahayaan na bastusin na lang sila ng ganun ng kanilang anak lalo na sa harap ng hapag kainan. Hindi siya ang nagpalaki kay Tiffa kaya kahit gusto man niyang disiplinahin ito ay hindi niya magawa. Nasa tamang edad at pag iisip na ito ngunit mas dinaig pa nito ang ugali ng batang paslit kung mag tantrums. Huminga ng malalim si Robert. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" tanging nasabi na lamang niya. Matapos kumain ay lumabas muna si Robert para makipagkwentuhan sa kanilang mga gwardiya at hardinero. Samantalang si Regina naman ay nagpaiwan sa kusina. "Pagsaluhan niyo na ang mga natira naming ulam, isama niyo na sa hapunan ninyo. Huwag na kayong magtira, pati kanin ay kunin niyo na rin," utos ni Regina sa kanilang mga kasambahay, pagkatapos pa nila maghapunan at saka maghahapunan ang mga ito. Kung ano naman ang kinakain nila ay iyon din ang kinakain ng mga ito. "Ma'am, pero paano po si Ms. Tiffa, hindi pa siya kumakain?" tanong ni Salud. "Narinig niyo naman kanina 'di ba, sabi niya wala siyang ganang kumain. Ayoko ng may nasasayang na pagkain. Sige na kunin niyo nang lahat 'yan." Agad na nagsipagtalima ang mga inutusan ni Regina. Matapos niyang bilinan ang mga kasama sa bahay ay lumabas na rin siya sa kusina at naglakad-lakad muna. Pasado alas dose ng gabi ng magising si Tiffa. Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Nagugutom siya kaya naman naisipan niyang bumaba muna para maghanap ng makakain sa kusina. Binuksan niya ang ilaw at lumiwanag ang madilim na paligid. Naghanap siya ng makakain. Bigla niyang na-miss ang pagkain nila kanina kaya hinanap niya ang mga iyon, ngunit wala siyang nakita, kahit kanin ay wala. Malinis na malinis ang kusina, walang laman ang rice cooker, nahugasan na ito, pati ang mga kaserola na pinaglutuan ng ulam ay wala na rin. Dali-dali niyang tinungo ang ref dahil baka doon itinabi ang mga natirang kanin at ulam ngunit wala siyang nakita ni isa. Laking dismaya niya, gustong-gusto pa naman niyang kumain ng kanin dahil gutom na gutom siya. Tiningnan niya kung ano ang pwedeng makain sa ref. Puno nang laman iyon ngunit wala naman doon ang gusto niyang kainin. May mga prutas, chocolate, cake, ice cream at iba't-ibang klase ng inumin. Ayaw niyang kumain ng masyadong matamis dahil matutulog na rin naman siya pagkatapos kumain at baka sumakit pa ang lalamunan niya. Gusto niya ay kanin at ulam, nakakapagtaka naman kung naubos ang lahat ng iyon, hindi naman ganun kalakas kumain ang kaniyang daddy at Tita Regina. Nagtungo siya sa kanilang pantry at nakita niya ang maraming stock na pagkain doon. May mga noodles pa nga, gusto sana niyang kumain kaya lang ay hindi naman siya marunong magluto. Kahit nga ang pagbukas ng electric cooktop ay hindi niya alam. Wala namang instant noodles, yung lalagyan na lang sana ng mainit na tubig at pwede ng kainin. Sa huli ay nagtiyaga na lamang siya sa slice bread na pinalamanan niya ng cheese. Naiinis siya dahil mukhang sinadya ng kaniyang Tita Regina na ipakain lahat sa kanilang mga kasambahay ang mga pagkain at hindi man lang siya ipinagtira. Talagang ginagawa nito ang lahat para lalo lang siyang mainis at mawalan ng amor dito. Matapos niyang kumain ng dalawang slice na pinagpatong na tinapay ay hindi na siya umulit. Hindi siya nabusog pero sapat na iyon para malagyan ng laman ang kaniyang sikmura ng sa ganun ay hindi na ito mag alburoto. Uminom na lamang siya ng isang basong tubig at pagkatapos ay bumalik na sa kaniyang silid. Ang hindi alam ni Tiffa ay nakita pala siya ni Regina, bumaba ito para tumungo sana sa kusina at kumuha ng bottled water na ilalagay sa kanilang mini-ref sa kwarto, kaya lang ay hindi na ito tumuloy ng makita siya na kumakain ng tinapay sa counter island. Ang totoo ay sinadya ni Regina na huwag tirahan ng pagkain si Tiffa. Alam niyang makakaramdam ng gutom ang kaniyang stepdaughter at maghahanap ng pagkain sa kalagitnaan ng gabi. Ginawa niya iyon para magtanda ito, para sa susunod ay huwag na nitong ulitin ang ginawang pagtalikod sa pagkain. Bago niya nakilala si Robert ay nanggaling siya sa hirap at alam niya ang pakiramdam ng magutom at hindi kumain ng buong araw. Hindi niya matanggap na si Tiffa ay binabalewala lang ang mga grasya na ibinibigay sa kaniya. Ang gusto niya sana ay matuto itong pahalagahan ang lahat ng bagay na mayroon siya. Sabi nga nila hindi mo makikita ang halaga ng isang bagay kapag nandiyan pa siya sa tabi mo, mapapansin mo lang iyon kapag wala na. Ayaw sa kaniya ni Tiffa dahil mahirap lang siya at iniisip nito na kayamanan lang ni Robert ang habol niya. Ayaw niya rin naman sa kaniyang stepdaughter dahil sa hindi magandang pag-uugali nito, pero kahit kailan ay hindi siya nag-isip ng masama rito. Ang iniisip pa nga niya ay kung paano ito mapapabuti at iyon ay hindi napapansin ni Tiffa, dahil bulag na siya sa paniniwalang ang kaniyang Tita Regina ay isang gold digger at magiging kaagaw niya ito sa lahat ng kayamanan ng kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD