Kabanata 6

1669 Words
“Wow!” Nanlaki ang mata ko nang maglapag ng sinigang na baboy si Tiyang. May nose pack pa siya at may curler pa ang buhok. Agad akong kumuha ng sandok at binuksan ang kaldero niya. Sobrang init pala ng takip kaya nabitiwan ko at tumilapon. Ang ingay tuloy. “Ang tanga naman ng takip,”ani Tiyang na may bitbit na pitsel ng juice. “Akalain mo 'yon di niya sinabing ang init niya pala?” Napanguso ako. Napaso na nga ako may gana pa siyang kutyain ako. Sumibat ako sa mansyon. Paano ko natakasan? I have my own ways. Syempre, magaling nga akong tumakas sa mga inutangan ko dati, e. Ito pa bang si Mr. Mondejar? Maliit na bagay. “Hoy buntis, hinay-hinay naman diyan. Akala ko ba galing ka sa malaking mansyon at nagkita kayo ng ama ng bata? Ba't mukha kang ginutom ng ilang taon kung lumamon diyan?” Kunot pa ang noo ni Tiyang. “Wala sa mansyon ito, Tiyang. Puros steak, at kung anu-anong salad lang ang nakakain ko doon. Na-miss ko 'to!” Ngumiwi siya. “Wow! Nahiya naman ang galunggong at tuyo ko sa steak mo. At talagang kung makapagsalita ka diyan parang nagtitiis ka pa sa sitwasyon mo, ha? Nagtitiis ka pa sa lagay na 'yan?” Ngumisi ako. “Ayun na nga, Tiyang. Hindi ako sanay sa malambot na kama, tapos may aircon, may tv, may sariling katulong.” “Palit tayo. Nahihirapan ka pala, e. Dito ka sitwasyon ko. Ikaw magbugaw at ikaw humarap sa mga malilibóg na costumer sa bar.” Agad akong umiling. “Keri ko na, Tiyang. No need.” “O baka nananaginip ka lang talaga, ha, Lurena? Gawa gawa mo lang iyang sinasabi mong nagkita kayo ng mayamang ama ng bata. Aminin mo ang totoo!” “Si Tiyang talaga. Itong mukhang 'to?”tinuro ko ang maganda kong mukha. “Manloloko? Mukha pa nga akong anghel, e. Kaya isang tingin pa lang alam na nilang mapagkakatiwalaan.” Hindi pa rin kumbinsido si Tiyang. “E bakit hindi ka hinatid dito? Ba't walang driver o kotse labas? Ba't hinayaan kang maglakad papunta dito mag-isa?” “Tumakas nga ako, Tiyang. Natakasan ko sila kaya nakarating ako dito. Siya nga pala. Wala na akong pamasahe pabalik. Pautang mamaya, Tiyang.” Non-stop ang pagsubo ko ng kanin. Uminom ako ng juice dahil muntik akong mabulunan. “Wala kang pera? Mayaman ang ama ng bata tapos wala kang pera?” Mas lalo lang nagduda si Tiyang. “Hayaan mo, Tiyang. Pag nakuha ko na ang 30 million ko kay Mr. Mondejer tutubuan ko pa iyang pera mo.” Namewang si Tiyang sa harap ko. Nakaangat na ang kilay. Nagtataka akong tumingala sa kaniya. “Aminin mo nga, Lurena. Nagsha-shabú ka ba?” Namilog ang mata ko. “Grabe siya! Mukha ba akong sabog, Tiyang? Sa ganda kong 'to pagkakamalan mo pa talaga akong sabog?” “Ba't nagkukuwento ka ng mga imposibleng bagay, ha? 30 million? Saang panaginip mo napulot ang ideyang may 30 million ka? Tanghali na nananaginip ka pa?” “Mayroon nga, Tiyang!” “Pagkatapos mo diyan, magbihis ka.” Nagkakamot siya sa pwèt niya nang talikuran ako. “Bakit, Tiyang? Gagala tayo? Day-off mo ba ngayon?” Excited tuloy ako. “Oo, pupunta tayo sa psychiatrist. Patitingnan kita. Ayokong may pamangkin akong baliw.” Napabusangot ako. Hindi na nakapagpahinga si Tiyang kasi panay ang kwento ko sa buhay ko sa mansion. Ayaw niya pa rin maniwala at panay kunot ang noo. Kung tingnan ako ay para akong sinasaniban ng masamang elemento. Ang importante ngayon ay hindi niya naman kukunin ang anak ko at magkukunwari lang akong asawa niya. Kung hanggang kailan niya ako kailangan ay ayos lang sa akin. Ngayong nasa poder niya ako ay alam kong ligtas kami ng anak ko. Pagkatapos nito ay may pera akong panimula kapag natapos na ang usapan namin. Kaya ko naman siguro mag-isa, 'di ba? Iyong manganganak ako na sina Papa, Tiyang, at ang kapatid ko lang ang kasama ko? Hindi naman siguro hahanapin ng anak ko ang ama niya? Maiintindihan naman siguro ng anak ko kung wala siyang ama. Napaisip ako. Balang araw magkakaroon ng totoong pamilya si Mr. Mondejar. Magkakaroon ng kapatid ang anak ko sa ibang babae. Hindi naman siguro pipiliin ng anak kong makasama ang ama niyang hindi niya naman lubos na kilala. Hindi naman siguro ako iiwan ng anak ko para sa ama niya, 'di ba? Hindi ko na namalayang nakatulog na ako doon. Nagulat na lang ako nang gisingin ako ni Tiyang mga bandang hapon. “Lurena! Lurena! Dyusko naman. Napakatulog mantika mo. Gumising ka. Ura mismo!” Parang sinisilaban ang pwet ni Tiyang. Pupungas pungas akong bumangon. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Ang bigat sa pakiramdam na sumunod ako kay Tiyang pababa. Deretso kami sa sala. At bumungad sa amin ang malalaking lalaki na nakasuot ng bonggang black uniforms. Maayos na nakasuklay ang mga buhok. Makikintab ang mga sapatos. At nawala ang antok ko nang makita ang isa pang lalaki na di ko aakalaing makikita ko dito. Hindi bagay sa kaniya ang tumayo sa napaka-cheàp na sala ni Tiyang. Nanatili sa akin ang seryoso niyang tingin. Para akong lalamunin ng buhay. “Excuse us, Mrs.-” “Miss pa po, Mr. Mondejar,”pagtatama ni Tiyang sa sinabi ni Hades. Namumula pa ang pisngi ni Tiyang. Aba! Parang nagpapa-cute pa. Kinikilabutan ako sa'yo, Tiyang! Bumaling sa akin si Hades. Umigting ang panga niya. Napalunok ako. Galit 'to. Sigurado. “Kukunin ko lang ang asawa ko,”ani Hades sa malalim na boses. Narinig ko ang singhap ni Tiyang. Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat. Hilaw ang ngisi niya kay Hades. “Pagpasensyahan niyo na itong pamangkin ko. Sa susunod pagsasabihan ko na ito.” Kumunot ang noo ko. Parang kanina lang ayaw mo pa akong paniwalaan. Tapos ngayon pagsasabihan mo na ako? “Ikaw naman, Lurena. Umayos-ayos ka. Hindi iyong binibigyan mo ng sakit sa ulo si Mr. Mondejar!” Kinurot pa ang tagiliran ko. Napangiwi tuloy ako. Pútragis talaga! Hindi ka makakatikim ng 30 million ko, Tiyang! Tandaan mo iyan! Pinagalitan pa kuno ako sa harap ng lalaking 'to. Akala mo naman babayaran din siya. “Hala, sige na. Huwag mo nang paghintayin si Mr. Mondejar.” Tinutulak tulak pa ako palabas. “Ang plastik, Tiyang, ha?” bulong ko sa kaniya. “Manahimik ka,”kinurot na naman ako. At biglang tumingala na parang nananaginip. “Oh my Gosh! Di ko akalaing makakaharap ko ang sobrang yaman na si Mr. Mondejar.” “Sinabi ko naman sa inyo, e. Ayaw niyo pang maniwala.” “Ayusin mo. Baka siya na ang habang-buhay mong makakasama. Baka siya na ang true love mo-” “Hindi mangyayari iyon, Tiyang. Kunwari lang kami. Tsaka ayaw yata no'n ng commitment. Kunyaring asawa lang ang kailangan niya hindi pang-life time.” Kinaltukan niya ako. Napahawak ako sa ulo at napabusangot. Swear! Di talaga makakatikim ng 30 million ko itong si Tiyang. Nakakadalawa ka na ha? “Ang KJ mo. Kaya nga ayusin mo baka ma-develop sa'yo. Kahit bansot ka, kaya mo yan. Walang imposible sa pagmamahal!” Naka ilang strike na tong si Tiyang, ah? Nakakasakit na ng damdamin. “Ikaw yata kailangan magpatingin Tiyang, e. Ikaw tong nananaginip ng gising diyan. Imposibleng magkagusto ang mayaman sa mahirap. Bawas-bawasan mong kakabasa ng novel. Nasa reality tayo!” Nakakuha tuloy ako kurot mula sa kaniya. Naiiyak na ako. Ang harsh talaga! Nasa back seat ako. Panay kaway pa si Tiyang na animo love na love ako. Pero kinukurot naman ako ng pasekreto. Plàstik mo po talaga! Kung di lang kita love, e. “Escaping from your body guards? Do you think that's fine?” Biglang nagsalita si Hades nang nasa byahe na kami. Napanguso ako. “Sorry na. Gusto ko lang naman bisitahin si Tiyang.” Umigting ang panga niya at bumaling sa akin. Ang malago niyang kilay ay magkasalubong. Ang gwapo pala nito kapag galit? Imbes na matakot parang gusto ko pang ngumisi. My God! Di ko kayang seryosohin ang galit niya. “Next time. Just tell me if you want to visit your Aunt. You don't have to escape.” Ngumisi ako. “Okay, sige!” Kumunot na naman ang noo niya. “Why are you smiling?” Umiling ako. Kinagat ko ang ibabang labi. Putragís ka, Lurena! Pigilan mong tumawa. Galit na iyong tao pinagtatawanan mo pa. Nagsisimula na ang traffic. Rush hour na at nakakaburyo na rin na ma-stock sa gitna ng traffic. Ilang saglit ay may nagbebenta ng balut sa tabi. Kakapwesto lang nito sa tabing daan. Hindi ko alam kung bakit pero kumalam ang sikmura ko. Tayka, kakakain ko lang, ah? Gutom na naman? Pero ibang gutom ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. Gigil na gigil ako habang nakatingin sa balut at parang gusto ko agad buksan ang ice bucket no'ng lalaki at tudasin lahat ng balut na laman niyon. “Hades, uh, pwede bang bumili no'n?” Kinalabit ko pa siya. Ilang saglit bago ko na-realize na Hades ang tinawag ko sa kaniya. “Mr. Mondejar pala,”pagtatama ko. Nandiyan na naman ang nakakunot niyang noo. “Hades is fine. I'm your husband now.” Seryoso ang boses nito. Namilog ang mata ko nang tumayo ang nagbabalut. “Iyong balut, Hades!” Napalakas ang boses ko. Wala na akong pakialam sa first name basis na iyan. Ang importante mabilhan niya agad ako ng balut ngayon. Baka mamatay ako kakatingin. At baka bumaba pa ako ngayon sa kotse at habulin si Kuyang nagbabalut. Narinig ko ang pagmumura niya. “Follow that guy. Someone get off and buy that thing.” May iritasyon sa boses niyang nagmando sa mga tauhan niya. Dalawang tauhan niya ang bumaba at lumapit sa lalaking nagbabalut. Iyong kawawang tindero, kinabahan pa noong makita sa harapan niya ang dalawang tauhan ni Hades na akala mo kakain ng tao. Bibili lang pala ng balut. Yes balut! Napangisi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD