Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang tinitingnan lahat ng furniture at iba pang gamit na nakikita ko sa malaking bulwagan ng mansyon niya. Tiningnan ko ang presyo ng mga gamit na nakikita ko doon. Nalula ako sa presyo ng ashtray na nasa center table ng sala.
“30,000? Seryoso?!” Natakpan ko ang bibig ko at napatingin sa paligid. Baka may nakarinig.
Napatingin ulit ako sa cellphone ko at palipat lipat ang tingin sa inosenteng ashtray na nasa table ngayon. Parang gusto ko tuloy itong ibulsa mamaya.
“Baby, ang yaman-yaman ng Daddy mo. Parang gusto ko na magpa-ampon.”
Iyong bonsai naman ang napag-trip-an ko. As usual presyong ginto rin ang bosai na iyon. Tumatagingting sa 45,000 pesos lang naman. Naiiyak na ako sa mga presyo.
“Miss?”
Nagulat ako at muntik pang mabitiwan ang 2k second hand touch screen phone ko. Partida may tawad pa yan, sa online ako bumili.
“Oh, pasensya na. Hindi kita agad napansin.” Alanganin akong natawa.
“Kakain na raw. Handa na ang hapag.”
Namilog ang mata ko. Wow! Kakain na raw. Mabilis pa sa alas kwatro na sumunod agad ako sa katulong. Syempre ibang usapan naman ang pagkain.
Wala pa si Mr. Mondejar sa hapag pero pinaupo na ako. Nakatitig na ako ngayon sa mga kutsara at tinidor. Itong mga 'to kaya, magkano kaya ito? Sigurado pati kitchen utensils nila mamahalin din.
Nakapagtataka na magkabilang dulo ang may mga plato tsaka dalawa lang ang plato. Ang laki pa. Ilang saglit ay bumaba si Mr. Mondejar. Seryoso pa rin ang mukha nang umupo. Matatakot ka talaga sa awra niya.
“They prepare your room for tonight. Bukas ka na uuwi para kunin ang ibang gamit mo at dalhin dito.”
Namilog ang mata ko. “Dito ako titira?!”
Kumunot ang noo niya. “Magtatrabaho ka sa akin, so of course dito ka titira. What do you expect?”
Tumango ako. Hindi ko pa alam kung ano ang mga gagawin ko pero mapag-uusapan naman yata 'yon kalaunan.
Lumabas ang tagasilbi na lalaki. Kinabahan pa ako sa lagayan kasi sobrang laki. Pero nadismaya nang buksan niya ang takip kasi kakarampot na parte lang pala ng karne. Mas marami pa ang lettuce. Ito yata ang tinatawag nilang steak. Kaya lang nang maamoy ko ang sibuyas ay agad akong napatayo.
“C-CR, Saan ang CR?!”
“D-Dito, Miss.” Natataranta naman na sinamahan ako ng isa sa katulong.
Naduwal ako sa bowl. Lahat ng kinain ko ng araw na iyon ay sinuka ko. Langya! Mahal iyong fries na kinain ko kaninang umaga. Napa-throw back ako ng bongga.
Ni-text ko si Tiyang. Ayokong kausapin siya sa cellphone. Baka bungangaan lang ako tapos biglang sumugod dito. Kahit mabait iyon mukhang pera rin 'yon. Di papaawat iyon baka sabihin pa no'n ampunin na rin siya ni Mr. Mondejar. Nakakahiya!
Bumuo ako ng message para sa kaniya.
“Hello Tiyang, salamat sa lahat ng kabutihan mo sa amin. Kahit drawing iyang kilay mo pero mabuti ang puso mo. Ayoko muna magparamdam sa'yo ngayon, pero gusto kong malaman mo na maayos ang lagay ko ngayon at ng bata.” Humiga ako sa malambot na kama. Inamoy ang mabangong bed sheets nito. “Pagtitiisan ko ang buhay na ito ngayon, Tiyang. Napakahirap!”
Dumating ang isang katulong at may dala na pagkain. Pinahatid daw ni Mr. Mondejar kasi di ako nakakain kanina.
“Nahihirapan na ako, Tiyang.” Sumubo ako ng napakasarap na carbonara tapos nagpatuloy ako sa pag-type ng message ko kay Tiyang. “Para sa anak ko, kakayanin ko po. Napakalupit ng mundo sa akin, Tiyang. Pinapahirapan niya ako. Nakakaiyak.”
Tapos kong lumamon ay niyakap ko ang mabangong unan. Ini-on ko ang aircon tapos humiga ulit.
“Pero lalaban ako!” Tapos sin-end ko iyon kay Tiyang.
Naka-number four ang binti na kinuha ko ang remote sa side table at nag-on ng TV. Ang hirap talaga ng buhay na ito. Iyong ganito, pahiga-higa lang.
Biglang tumunog ang phone ko. Pangalan ni Tiyang ang nandoon. Excited akong buksan.
Tiyang Suzy:
K
Iyon lang ang laman ng message niya. Seryoso? Ganiyan ka na ngayon, ha? Di ka na nag-aalala sa pamangkin mo? Syempre, ang tigas ba naman ng ulo ko, e. Nainis na siguro sa akin kaya ayaw na akong kausapin.
Ako ang pinaka-huling gumising kinabukasan. Sarap-sarap ng tulog ko. For the first time in the history, ngayon lang ako natulog ng may aircon. Nag-unat ako at humikab ng pagkalaki-laki. Kinusot ko ang mata ko at nag-stretch sabay twerk.
Pinasadahan ko ng daliri ko ang buhok at akmang magse-sexy dance nang mamalayan ang bulto ng taong nakatayo sa may glasswall. Si Mr. Mondejar, naniningkit ang mata na nakamasid sa akin. Namilog ang mata ko. Nakita niya ang sinayaw ko!
Pahiya na agad akong umayos ng tayo. Hindi ko na siya matingnan. Putragis na 'yan!
“Uh, ganoon ako mag- exercise sa umaga. Para sa ano, para sa baby,”palusot ko pero nakatingin sa kisame.
Asa naman siyang titingnan ko siya. Pagkatapos niyang makita ang twerk ko? Mariin akong napapikit. Nakagat ko ang ibabang labi. Ang shunga mo, Lurena. Nakakahiya!
“No more exercise? Kung tapos ka na. Permahan mo na ang kontrata.” Pormal ang boses niya. Di man lang naapektuhan sa mga nakita.
Ako lang naman yata ang apektado, e. Nag-pout ako. Sinulyapan ko si Mr. Mondejar tapos lumipat ang mata ko sa papel. Para siyang robot. Maskuladong tingnan sa fitted white shirt na sout, tapos pinaresan ng jagger na itim. Kung ito naging Kuya ko panigurado walang mambu-bully sa akin. Isang tingin pa lang taob na.
Ngumisi ako sa kaniya at tumango pero gumalaw ang panga niya at kinunutan lang ako ng noo.
“Ano bang perma ang pwede ko gamitin? May pang artista style na perma kasi ako. Ayoko nga sana na mag-practice ng ganoong perma e pero napilitan ako, nakakahiyang gamiti-”
“Just do whatever you want,”putol niya. Halatang walang pakialam sa sasabihin ko.
Ang dami ko pa man din sanang ishe-share sa kaniya. Ngumuso ako at kinuha ang ballpen. Iritado na hinila ko ang papel.
“Read it first,”aniya.
“Oo, babasahin ko.” Padabog kong inayos ang papel para basahin.
May perma sa kabilang side. Sa ibabaw ng name na Hades Demetrius Mondejar. Pangalan niya ba 'to? Ang sexy naman. Parang siya. Humahagikhik ang inner self ko.
Pinermahan ko na rin pagkatapos. Ang ganda pa ng perma niya parang perma ng engineer.
At pagkatapos ng pagperma ko ay may inilapag siyang maliit na box. Kulay dark blue. Kunot noong tiningala ko siya.
“Ano 'yan?”
Nanatili ang seryoso niyang tingin nang magsalita. “From now on. You have to wear it.”
At kinuha niya ang papel saka ako tinalikuran. Agad kong binuksan ang maliit na box. Namilog ang mata ko nang malaman na isa iyong sing-sing.
“Sing-sing?”
Natigilan siya sa may pinto. Hindi niya ako nilingon nang magsalita siya.
“You just signed the marriage contract. That's why I told you to read it first.”
Namilog ang mata ko at muntik nang nabitiwan ang box ng sing-sing. Seryoso? Marriage contract pala ang pinermahan ko? Hindi ko binasa ng maayos. O dahil wala naman talaga akong ganang basahin nga iyon. Kaya hindi ko isinaulo ang binasa ko.
Di naman ako isusumpa ni Tatay kung magiging son-in-law niya ang gwapong si Hades, 'di ba? Ramdam na ramdam ko sa kaibuturan ko ang paghugot ko ng sing-sing mula sa maliit na box. Sinuri ko iyon ng mabuti. Ang laki ng diamond sa gitna.
“Magkano kaya kung isasangla 'to?”