Kabanata 7

1689 Words
Hindi nila ako pinapatulong sa mga gawain sa bahay. Kaya nakikipagdaldalan na lang ako sa kanila. Tsismosa iyong mas bata na katulong na nagngangalang Maribel. Kaya hindi ako na-bored. “Kaya ganoon si Sir, Ma'am. Kasi kulang sa sèx iyon. Kita mo mukha no'n? Akala mo kakain ng tao. Takot nga kami do'n, e. Nagulat pa nga kami noong makabuntis iyan, e. Pero seryoso, Ma'am, siya ba talaga kajugjogan mo no'ng gabing iyon? Baka kasi namamalikmata ka lang. Feeling ko kasi allergy sa pokemon si Sir.” Mahabang lintanya ni Maribel. Dinaig pa ang mga rapper, di man lang yata huminga tuloy-tuloy lang ang salita. “Pokemon? Iyong anime?” Kumunot ang noo ko. May allergy pala sa ganoon? Napabuntong hininga si Maribel. “Pokemon po iyong p***y!” “p***y as in pusa? Akala ko ba sa pokemon lang siya allergy?” Nasapo ni Maribel ang noo niya. “Pasensya na po, ah. Pero para kang wifi namin sa amin. Loading.” Nagsalubong ang kilay ko. Abala sila ngayon. Kahit wala naman si Hades ay nandiyan ang mayordoma na matalas ang pang-amoy lalo na sa mga katulong na tatamad-tamad. “Kumakain ba si Hades ng ganitong oras?” Nananghalian na ako sa silid. Si Maribel ulit ang kausap ko. Ayaw ko sa baba. Nakakailang, ang laki-laki ng mesa ako lang ang kakain doon. Tsaka gusto ko dito sa silid. Magkasalo kami ni Maribel na kumakain. May kasabay ako. Bawal sumabay ang mga maid sa pagkain sa mga amo nila pero dahil sinabi ko naman kaya exempted si Maribel. Matagal bago nakasagot si Maribel. Nilunok muna ang malaking hiwa ng karne. “Hindi po. Madalas abala iyon sa opisina niya.” Ang aga-aga no'n umalis. Pagkagising ko wala na siya sa bahay. Ano ba naman 'yan, baby. Ang sipag-sipag ng Papa mo. Sobrang yaman na niya pero nagsisikap pa rin ng tudo. Kawawa naman pala si Mr. Mondejar. Wala man lang bang nag-aalala sa kaniya? “Hindi na nga halos nagkakape iyon, e. Deretso na sa trabaho,”dagdag ni Maribel. Nagsasalita kahit puno ang bibig. Ilang saglit ay biglang tumirik ang mata ni Maribel. Nanlaki ang mata ko. “H-Hoy! Anong nangyayari sa'yo?” Agad ko siyang dinaluhan. “T-Tubig. N...Nabulunan ako...” Para na siyang sinaniban habang hawak ang dibdib. Agad kong binigay sa kaniya ang isang baso ng tubig. Pinangalahati niya ang laman ng baso bago siya nakahinga. Kung maka-react siya parang muntik na siyang mamatay. Pinasak ba naman iyong buong karne sa bunganga, e. “N-Nalunok ko ang buto niya, Ma'am.” Tulala si Maribel. Patay kang bata ka! Good luck sa butas ng pwet mo bukas. “Maribel, iilan lang ang naka-survive sa mga nakakalunok ng buto ng baboy.” Tinakot ko siya. Bigla siyang umatungal. “Ma'am ayaw kong mamatay na virgin.” Nagpaluto ako mga bandang 11:30. Ako pa mismo ang nag-ayos sa lunch box. May mga carrots na hinulmang bulaklak pa sa kanin. Pinigilan nila ako pero nagpumilit akong magluto ng sinarsahang manok. Kaya wala nang nakapalag. Subukan nila. Magwawala ako! Sinasahuran sila no'ng amo nila hindi man lang nila inaasikaso? Hay naku! Maayos na lahat ng pagkain sa lunch box. Nagdala pa ako ng fresh juice. Nagkukumahog ako sa mga bitbit ko nang lumabas ako ng bahay. Sinusundan ako ng katulong. “Dyusko naman, Ma'am. Dahan-dahan, buntis ka pa man din!” Hindi ko siya pinakinggan. Nakakairita na, ah. Ang daming bawal. Agad akong sinalubong ng driver akmang babawiin sa akin ang dala ko pero nakapasok na ako ng sasakyan na nakahanda sa paradahan. Alam nitong aalis ako ngayon. “Saan tayo, Ma'am?” “Sa office ni Hades, Kuya.” Deretso kong sabi. Biglang bumaling sa akin ang driver na parang nababaliw na ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Oh, ano? May angal ka na naman? Natakot siya sa pandidilat ko ng mata. Kaya tumango na lang siya at sinunod ako. Kapag patuloy na nagpapagutom iyang si Hades, baka manghina iyan at magkasakit tapos matsuge pa. Paano na ang 30 million ko? E di thank you na lang din iyon? Aba! Hindi pwede iyon. Matanggal na ang isang itlog ni Hades huwag lang ang 30 million ko. Nang makarating kami sa kompanya niya ay napanganga ako. Grabe! Ang laki ng building. “Kita mo iyan, baby? Papa mo ang may-ari niyan!” Proud akong tinuro ang malaking gusali sa harapan ko habang hawak ang tiyan. Kinuha ko ang lunch box sa may upuan at taas noo akong naglakad sa entrada ng building. Mayaman ang Papa mo baby kaya dapat na'tin alagaan. Siya ang key of success! “Hoy, sino ka? Anong kailangan mo?”sita agad ng body guard na akala mo nanakawan ko sila. Tinaasan ko siya ng kilay. “Gutom na ang hubby ko. Kaya nandito ako para dalhan siya ng pagkain. Bakit?” Kumunot ang noo niya at may mapang-insultong tingin. “Sinong hubby? Iyong bagong janitor? Mamaya pa ang out nila. Bawal ka dito. Hindi ka pwedeng mangistorbo sa mga trabahante dito.” Kumunot ang noo ko. Parang nag-ugat ang sentido ko sa narinig. Napagkamalan pa akong asawa ng janitor. “Sige na, Miss. Mamaya ka na bumalik. Mapagalitan pa kami, e.” “Papasukin mo ako kung ayaw mong masesanti ng bongga,”ungot ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Bakit sino ka ba? Asawa ka ba ng may-ari? Kung makapagsalita ka akala mo kung sino-” “Oo, asawa ako ng may-ari. Kaya papasukin mo na ako.” Ilang saglit ang dumaan bago ito bumunghalit ng tawa. Kumuyom ko ang kamao ko sa iritasyon. Kunti na lang at mahahampas ko na ng lunch box ang pagmumukha ng isang 'to. “Okay, nababaliw ka na nga. Umalis ka na. May number pa man din ako ng mental dito baka doon ang bagsak mo ngayon sa kakailusyon mo, Miss.” Ibinaba ko ang lunch box ko at namaywang sa harapan niya. Nakatingala ako. Kung bakit ba kasi lahat ng kinakain ko napupunta sa pwet at dyoga ko. Hindi man lang nadagdagan ang height ko. “Papapasukin mo ako? O papapasukin mo ako?” Inangatan ko siya ng kilay. “Anong klaseng tanong 'yan?” “May problema po ba, Ma'am?” Biglang nagsalita ang driver sa likuran ko. Namilog ang mata ng body guard nang makilala ang lalaking nasa likuran ko. “M-Ma'am?” Napamaang ang body guard. Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ng driver. “Oo, asawa ni Sir Hades. Magdadala lang ng pagkain niya.” Ano ka ngayon? Gulat na gulat pa rin siyang nakatingin sa akin. Kalaunan, tumabi rin siya at nag-sorry. Iritado akong pumasok. Napapatingin sa akin ang ibang nasa lobby. Sa front desk ako dumeretso. “May appointment ka po ba? Nasa meeting pa kasi si Sir,”ani naman ng babaeng nasa front desk. Pagkain lang naman ang dadalhin ko. Bakit ang daming hadlang? Pag namatay iyang boss niyo wala na kayong sasahurin. Ako na lang ang makakapagligtas sa buhay niya. Kaya papasukin niyo na ako! Ngumuso ako. “Maghihintay na lang ako.” Tinuro ko ang malaking sofa sa lobby. Hindi ko alam kung bakit pero ngayong buntis ako ang dali-dali kong mairita sa mga maliliit na bagay. Napabuntong-hininga ako. “She's with me,”ani boses sa tabi ko. Napatingin ako sa gilid ko. At parang tumigil ang mundo nang makita ko kung sino ang lalaking nagsalita. Para siyang anghel, ang gwapo-gwapo. Matangkad, malapad ang dibdib at balikat. Maganda ang mga mata, may dimple na lumabas ngayong nakangiti siya, mapula ang labi na manipis. No'ng nagpaulan ng kagwapuhan paniguradong batya ang bitbit niya. Nasalo niya lahat ng kagwapuhan sa mundong ibabaw. “O-Okay po, Sir.” Namula pa ang babae sa front desk. “Come with me. Paakyat din ako,”aniya. Napakurap-kurap ako. Parang hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako. “O-Oo, sige.” Siya pa mismo ang kumuha ng dala kong lunch box. Dahil sa pagkatulala ko hindi ko na namalayang nasa kamay niya na ang bitbit ko lang kanina. Sumunod agad ako sa kaniya. Ang tangkad-tangkad niya. Pinagmasdan ko ang likuran niya. Napaka-manly talaga. Lalaking-lalaki kahit ang paglalakad. “I heard, ikaw ang asawa ni Hades?” Hindi agad ako nakapagsalita. Matagal pa bago ako natauhan. “O-Oo,”ani ko na tila pinagsisihan ko pa. Parang ayaw kong aminin. Parang sinasabi ko na rin na wala na siyang pag-asa sa akin. Wow! Para namang may gusto ang isang 'to sa'kin. Asa naman akong magugustuhan niya. Halata naman na hindi ako ang tepo. At never akong magiging type nito. “Harry, Hades's cousin. You?” Namilog ang mata ko. “Pinsan mo si Hades?!" Seryoso? Kaya pala kanina pinapasok agad siya. Iyon naman pala ang dahilan. Hindi nga? Bakit mukhang friendly ang isang 'to? Samantalang iyong pinsan niyang si Hades mukhang pinaglihi sa sama ng loob. “Yes, may coffee shop ako next from this building. Pumunta lang ako dito para sa contract. Gusto ko kasing mag-renew.” Tumango-tango ako. “Lurena nga pala.” Nag abot ako ng kamay. Inabot niya ang kamay ko. My goodness! Ang init init ng kamay. Maugat pa at matigas. My God! Hihimatayin na yata ako. Paypay please! “Nice meeting you, Lurena.” Napanganga ako. Pati pagbanggit niya sa pangalan ko nakaka-in love. Ang ngiti ko abot na hanggang tainga sa kilig. Hinatid niya ako sa mismong office ni Hades. Ang bait-bait niya talaga. “Salamat,”ani ko sa kaniya nang makarating kami sa mismong office ni Hades. Ni hindi ko agad napansin ang presensiya ni Hades dahil sa kaniya. “Your welcome,”aniya at ngumiti sa akin saka tumango sa pinsan niya na nasa likuran ko. Para akong nakalutang nang bumaling ako sa mesa niya. Sumalubong sa'kin ang nananantiyang titig ni Hades. Estrikto na naman ang mukha na nakatingin sa akin. Tila may kasalanan ako parati kapag siya ang kaharap ko. “H-Hi!” Ngumisi ako sa kaniya. Mula sa akin ay lumipat ang mata niya sa lunch box na nilapag kanina ni Harry sa mesa niya. “What do you want, wife?” Matigas ang boses nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD