Agad akong lumapit sa table ni Hades. Nanatili ang mabigat niyang titig sa akin. Kaya lang wala akong pakialam doon. Dali-dali kong inilabas ang mga pagkain na dala ko. At mukhang habang padami nang padami ang inilapag ko sa mesa niya ay parang nagle-level up ang reaksyon sa mukha niya. Mukhang iritado na siya ngayon.
“What the hèll are you doing, Lady?”
Natigilan ako at napatingin sa ginagawa. “Hindi mo ako nakikita, Hades? Naglalapag ako ng pagkain mo.”
Tumiim ang bagang niya. “I'm not eating while at work.”
Namilog ang mata ko. “Kaya mo 'yon, Hades? Grabe! Ang lakas ng sikmura mo. Hindi ka nagkaka-ulcer?”
Napamura siya. Agad kong tinaas ang hintuturo sa harapan niya.
“Wag kang magmura, naririnig ka ni Baby.” Inilapag ko na ang iba pa.
Parang pinapatay niya na ako sa mga titig niya. Pero titig lang 'yan. Di niya pa naman ako tinututukan ng patalim, e. Tsaka ba't ba galit na galit siya e, nagdadala lang naman ako ng pagkain niya? Dapat nga magpasalamat pa siya, e.
Kumikinang sa paningin ko ang pagkain na hinanda ko. Wow! Ang dami pala.
“Charan!” Inilahad ko sa kaniya ang mga pagkain.
Pero si Hades sa upuan niya parang nagdidilim ang awra na nakatitig sa akin. Parang may invisible na itim na usok na lumalabas sa katawan niya sa imagination ko. Umuusok na siya sa iritasyon.
“Do you want to live? Or you want to die now, Lady?”
Napanguso ako. “Leave? Iyong L-E-A-V-E ba, Hades? O iyong L-I-V-E?” Spell ko.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Pumindot siya ng button sa gilid ng malaking table niya. Tapos nagsalita siya doon.
“Kunin niyo ang asawa ko dito sa office ko.”
Namilog ang mata ko. Napatingin ako sa mga pagkain sa table niya. Siguradong itatapon niya iyon kapag umalis ako. Kailangan kainin niya iyon.
Mabuti na lang may naisip agad akong idea.
Agad kong sinapo kunyari ang tiyan ko.
“Aw! Ang sakit,”tapos tumakbo ako palapit sa sofa at umupo doon. “Baby kumapit ka lang. Pinapalayas na tayo ni Daddy. Uuwi pa tayo. Please, kumapit ka lang.”
Sinikap kong maiyak pero ayaw tumulo ng luha ko. Kailangan ko pang sundutin ang mata ko para maluha lang.
Si Hades ay nanatiling malamig na nakatingin sa akin. Hindi niya man lang ako tutulungan diyan? Paano kung totoo nga na may mangyari sa amin ng bata so dedma lang siya, gano'n?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong naka black uniform na tauhan niya. Tatlo talaga? Kaya naman akong ilabas ng isang tauhan lang.
Akmang lalapitan ako ng tatlo nang bigla nagsalita si Hades.
“Let her stay. Bumaba na kayo.” Sa seryosong boses niya.
Natigilan ang tatlong lalaki. Nakapamulsa na siyang nakatayo ngayon. Nanatili ang nananantya niyang titig sa akin. Tumango ang tatlong lalaki bago lumabas. Huminga ako nang maluwag nang tuluyan nang naglaho ang tatlong tauhan niya.
“Hay buti naman-Maryusep!” Muntik na akong atakihin sa puso nang malaman na napakalapit ng mukha ni Hades sa akin.
Nakatuko ang magkabilang braso na tila kinukulong ako sa braso niya. Nakayuko siya't nakatitig ng mariin sa akin. Namimilog ang mata ko. My goodness! Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kita ko kung gaano kakinis ang mukha niya. Iyong ilong, mata, mapulang labi, iyong panga. Ang gandang lahi talaga!
Hindi ko namalayang nakatulala na ako.
“Tell me honestly, Lurena. Why are you doing this, huh?” Binigyan niya ako ng mapagdudang titig. Pero ang sexy ng dating ng titig niya. Kinakabahang napalunok ako.
“A-Ano... ano bang sinasabi mo?” Alanganin akong tumawa.
Tumagilid ang ulo niya at mas lalo pang inilapit ang mukha sa akin. Maryusep santisima! Hindi pa ako handang makipag-kiss ngayon.
“Anong plano mo?”
Napanguso ako. “Wala!”
Inilapit niya pa ang mukha. May gosh! Ramdam ko na ang mabango niyang hininga sa mukha ko. Mariin akong napapikit sa kaba.
Juice colored! Ilayo niyo ako sa tukso. Di pa ako napag-toothbrush. Ayokong masira puri ko for the second time. Marupok pa man din ako!
“Wala nga akong plano. Imagination mo lang 'yan. Tsaka maliban sa maganda ako, likas talaga akong mabait kaya huwag mo na akong pagdudahan diyan,”ani ko at mariin pa rin na nakapikit.
Umingos siya. Narinig ko pa ang nanunudyo niyang tawa. At umalis na siya sa harap ko. Ibinuka ko ang isang mata ko, naniniguro akong wala na talaga siya sa harapan ko. Nakapamulsa na siya ngayon malapit sa mesa niya. Tinulak ng hintuturo niya ang takip ng isa sa lunch box na akala mo diring-diri siya.
Ang OA naman nito. Umangat pa ang isang kilay niya na nakatingin sa pagkain.
“Huwag kang mag-aalala malinis yan. Walang lason iyan, kung iyan ang inaalala mo.”
Anong makukuha ko kung lalasunin ko siya? Maliban sa magiging kriminal ako, di ko pa makukuha ang pera ko.
Nanatili siyang nakatingin sa mga pagkain. Inisa-isa niya iyon. Gaano ba kahirap kainin ang mga niluto ko? Ayaw niya talaga maniwala na walang lason iyan? Napabuntong hininga ako. Oo nga naman. Ikaw ba naman kasi mayaman, e. Syempre iingatan mo buhay mo.
Padarag akong lumapit at kumuha ng tinidor para tusokin ang isa sa gulay na nasa lunch box. Walang pagdadalawang isip na sinubo ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay matapos kong nalunok iyon.
“See? Buhay pa ako. Kaya walang lason iyan kumain ka na.”
Naniningkit ang mata niya sa akin.
“No thanks.”
Namilog ang mata ko sa sagot niya. Iritado tuloy akong umuwi. Dinala ko lahat ng pagkain sa silid ko at kasama ko si Maribel, at kaming dalawa ang kumain no'n.
“Ang yabang-yabang. Bakit? Porke't may sarili siyang professional cook, ayaw niya nang kumain ng luto ko? Ayaw niya sa luto ng mahirap?”nagdadadakdak ako.
Nag-effort ako. Tapos hindi kinain? Sinong hindi maiinis no'n?
“Tsaka iniisip niya bang lalasunin ko siya? Hello? Malinis pa sa tubig niyo dito ang kunsensya ko ,'no!”
Napalingon ako kay Maribel na ngumangatngat ng chicken feet.
“Maribel ano ba? Magsalita ka naman. Pambihira ka, talak ako nang talak dito di ka pala nakikinig, e.”
Binaba niya ang manok saka nagsalita.
“Shommy amm sarammm saramm.”
Napangiwi ako. Nagsalita nga pero puno naman ang bibig kaya di ko rin maintindihan. Binigyan ko siya ng juice kaya ininom niya. Nakahinga siya ng maluwag.
“Vegan kasi si Sir. E ang dinala mo manok. Paano niya kakainin 'yan?”ani Maribel.
Kumunot ang noo ko. “Bakit di mo agad sinabi?”
“Nagtanong ka?”
Oo nga naman. Bigla-bigla na lang akong nagluto ng kung anu-ano sa kusina. Tapos vegan pala iyong tao.
“Marami akong alam na pagkain na madalas pinapaluto ni Sir sa cook niya,”ani Maribel pero ilang saglit ay parang napaisip siya. “Kaya lang hindi ko alam kung kakainin niya iyong luto mo. Sa cook niya kasi siya talaga may tiwala. May trust issues kasi si Sir. Ilang beses na kasi siyang nakaranas ng threat sa buhay niya. Kaya hindi ko siya masisisi.”
Napapatango ako. Kaya pala ganoon. Kaya ayaw niyang kainin ang dala ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may something na nagtulak sa akin na ibalik ulit ang tiwala ni Hades sa nakapaligid sa kaniya. At ang naisip kong paraan ay ang araw-araw na pagluluto para sa kaniya.
Magluluto ako hanggang sa kainin niya na ang pagkaing dala ko.
Sa pangalawang araw ay dinalhan ko ulit si Hades. Malamig ang mata niya nang balingan ako. Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak. Tsaka doble purpose din iyon kasi napapadaan ako sa coffee shop ni Harry. Ang crush ko!
“For Hades?” Tukoy niya sa bitbit ko.
Nagkasulubong kami dito sa labas ng building papunta rin siya ng coffee shop.
“Uh, oo.” Maarte kong hinawi ang buhok malapit sa tainga ko.
“Oh, wow. Ang swerte ng pinsan ko. Maalaga ang asawa niya."
Namula ako sa papuri niya. Kinilig na naman ako. Na-inspire pa akong magdala ng pagkain dahil sa mga ganitong banat ni Baby Harry.
Tapos pagkarating ko sa office niya madalas wala siya doon. May meeting daw. Noong isang beses na naabutan ko siya sa office ay ang babae niyang secretary ang sumalubong sa akin.
“Ako na po ang magbibigay kay Sir. Bilin niya sa akin huwag daw muna siyang disturbuhin.” Pormal na pormal ang pagkakasabi ng babae sa akin.
Umabot sa sampung beses na secretary niya ulit ang tumanggap ng pagkaing dala ko. Napapabuntong-hininga na lang ako tuwing aalis na hindi ko man lang nakitang kinain ni Hades ang dala ko.
Nakababa na ako at naisipang dumeretso sa coffee shop ni Harry. Pagbukas pa lang ng coffee shop. Bubungad agad ang nakaka-refresh na interior design ng shop. Lahat ng table ay occupied. Wala na akong maupuan. Akmang tatalikod na ako.
“Lurena?”
Gulat na napalingon ako sa nagsalita. Si Harry. Matikas na matikas sa suot na black shirt, ngunit may half epron na sout.
Nahihiya na nakagat ko ang ibabang labi.
“H-Hi. Gusto ko sanang mag-try dito. Pero mukhang...” Tiningnan ko ang paligid. “Wala nang bakante.”
Ngumiti siya. Lumabas tuloy ang dimple niya. Bahagya akong napanganga sa pagkakamangha. Ang gwapo at cute niya talaga.
“We have a VIP table. That's available.”
Napangiti ako ng maluwag. Tuwang-tuwa sa nalaman na pwede pa ako doon. Kaya lang noong tingnan ko ang papalayong si Harry, nakaramdam ako ng lungkot. Sayang, hanggang dito na lang ang magagawa ko para mapansin niya.
Wala na akong maipagmayabang sa sarili ko. Buntis ako, hindi sobrang ganda at walang pera. Kung ihahanay ako sa babaeng maaring magustuhan ni Harry. Paniguradong nasa pinakahuli ako.
Nakakalungkot.