Kabanata 9

1630 Words
“Ayos lang ako, Papa. Kayo diyan? Si bunso?” “Ayos lang. Nasaan ka ba ngayon? Nasa kay Suzy ka pa rin ba ngayon? Sinasabi ko sa'yo huwag na huwag kang lalapit-lapit sa tiyahin mo na 'yan. Baka mamaya niyan malalaman ko na lang sumasayaw ka na rin sa bar?” “Papa naman! Wala ako kay Tiyang. Nandito ako sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Sa restaurant!” “Siguraduhin mo lang, ah. Pag nalaman ko, naku...” “Sige po, Papa. Babye na. Mahal ang landline nakikitawag lang ako.” “Okay sige. Ingat ka diyan!” Napabuntong hininga ako at napabaling sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Inventory niya ngayon kaya busy. Late na pero di pa umuuwi. Ang cute na nga ang sipag-sipag pa nitong si Baby Harry. “Salamat.” Naglapag ako ng bente pesos sa counter top. “Utang na lang ang kulang.” Napatingin ako sa labas. Gabi na. Tumingin din ako sa wall clock. 9 na pala. “Wala pa si Hades,”napanguso ako. Wala akong pera, e. Di ko pala kayang bayaran ang cake sa coffee shop na ito. Nagtututuro kasi ako ng kung anu-anong cake sa stante niya kanina tapos dollar pala ang presyo. “You can stay here until he comes.” Napabaling ako kay Harry. Nakakahiya, nagkunwari pa akong hihintayin ko si Hades at nagsinungaling na nasa kaniya ang pitaka ko. Pero ang totoo kulang talaga ang pera ko. Tsaka pulubi nga ako, e. Maliban sa ID picture ko, iba-ibang cards, tatlong piso. Iyon lang ang laman ng pitaka ko. Kaya mangungutang ako kay Hades ngayon. “Salamat.” “I have new cakes inside. Nage-experiment ako ng mga bagong cakes. Can you be my judge?” Namilog ang mata ko sa offer niya. Maliban sa patay gutom ako, curious din ako sa mga bagong gawa niya. Kanina namangha ako nang malaman kong siya pala ang gumagawa ng lahat ng cake na binebenta niya dito. Maliban sa siya rin ang gumagawa ng mga coffee at iba't-ibang beverages. “S-Sure!” Agad akong sumama sa kaniya. Tinulungan ko pa siyang ilabas sa ref niya ang mga nakaplatong mga single slice ng cake. Inihelira niya iyon sa counter. Nangingislap ang mata ko habang nakikita ang mga cake sa harapan ko. Feels like heaven! Inuna ko syempre iyong sobrang ganda ang design. Tsaka syempre walang kimi-kimi, sumandok ako ng sobrang laki. Pag free gano'n talaga. “Out of 10, bibigyan ko siya ng 8.” Tumango tango si Harry. Inilista niya ang pangalan ng cake sa note niya. Masarap siya. Pero sobrang tamis. Pwede 'to sa mga may diabetes. Maaga nilang makikita si San Pedro! Sunod naman ay iyong chocolate. Napapapikit pa ako noong matikman ko siya. Lasang Harry. Kasing yummy ng gumawa. “How about it?” Hindi na makapaghintay si Baby Harry. Teka lang. Ito naman. Ninamnam ko pa nga, e. Dumikit pa nga sa ngala-ngala ko apurado naman nito. “Out of 10, bibigyan ko siya ng 9.” Tapos naglista ulit siya. Iniisip ko baka idadagdag niya iyan sa babayaran ko. Kinabahan tuloy ako. Iniisip ko pa man din ngayon kung paano ko mauutangan ngayon si Hades. Tapos sunod ay mocha naman ang flavor. “Out of 10 bibigyan ko ng 10. Sobrang sarap!” Mana talaga sa gumawa. Mukhang natuwa siya sa sinabi ko. Sana pala binigyan ko na lang 10 points lahat ng cake niya. “Thank you. It's a big help.” Napatango tango ako. Ako rin it's a big help din sa part ko. Hindi na ako maghahanpunan ngayon, nabusog na ako sa cake. Nag-usap na kami pagkatapos. Kumportable siyang kausap. Kahit nagagwapuhan ako sa kaniya pero hindi ako nahihiya. Crush lang naman yata kasi. Hindi naman love. Ilang saglit ay biglang tumunog ang wind chime ng pinto sa entrance. Pumasok pala ang isa sa tauhan ni Hades. Nasa huli si Hades na pormang porma pa sa tux nito. Naabutan niya pa kaming may pinagtatawanan. Natigil lang kami dahil sa kanila. “Hades!” Tawag ni Harry at kumaway pa. Nanatili lang na seryoso ang mukha ni Hades. Nilibot nito ng tingin ang buong coffee shop. Tapos tumingin sa akin. Naalala ko kaagad ang babayaran ko kay Harry. Nag insist itong huwag ko na raw bayaran kanina. Pero dakilang ma-pride ako kaya magbabayad ako ngayon. “Hades nandito ka na pala!” agad akong lumapit sa kaniya. Hilaw akong ngumisi at bumulong sa tainga niya. “May cash ka ba diyan? Pautang naman.” Kumunot ang noo niya. Bumaling siya kay Harry. “Use my card. And let's go home.” Napangisi ako nang tanggapin ko ang itim niyang card. Agad kong inabot iyon kay Harry. Ngumiti siya sa akin nang tanggapin ang card kaya napatulala na naman ako. Parang gusto ko tuloy lustayin ang laman ng card ni Hades dito sa coffee shop para araw araw kong makita ang ngiti ng lalaking ito. “Keep safe. And thank you for helping me sa cakes ko.” Kagat labi akong tumango. Medyo wala pa sa sarili. My gesh! Parang ayaw ko pang umuwi. “Wife,”biglang nagsalita si Hades sa likuran ko. Namilog ang mata ko at bumaling sa kaniya sa likod. Saka ko lang naalala na kailangan na talaga namin umuwi. “B-Bye, bukas ulit.” Kumaway ako sa kaniya. Ngumiti siya at tumango. Nakasakay na kami ng kotse at may nadaanan ulit kaming balut. Kaya nanghingi na naman akong pambili kay Hades. Gusto ko nang kainin ang balut pero ayaw niyang doon ako kumain. Sa bahay na lang daw. Kaya wala akong nagawa. “Hades? May girlfriend na ba si Harry?” Kunot noo niya akong nilingon. “No, why?” Umiling ako at namula. Hindi ako aaminin na crush ko ang pinsan niya. Asa naman siya. “His only 18 so back off, wife. You're hitting a child.” Namilog ang mata ko sa narinig. “18 lang si Harry?!” Napalakas ang boses ko kaya't may iritasyon sa mata niya nang balingan ako. “What? Gusto mo siya, at na-discourage ka ngayon na bata pa ang pinsan ko?” Napanguso ako. Ate na pala ang peg ko kay Harry. Walangya! Hindi halatang 18 lang ang isang iyon. “Much better to focus your attention to our set-up. Ayokong nakikitang umaaligid ka sa ibang lalaki tapos alam ng lahat na asawa kita.” “Hindi, ah.” Napaiwas ako ng tingin. Tama naman siya. Nagpapapansin ako kay Harry samantalang may asawa ako. Pero hindi naman kasi kami totoong mag-asawa. Kasama lang sa usapan ito. “Don't make those people doubt our relationship. Play your part carefully.” Napayuko ako. Naiintindihan ko. Kapag hindi ako nag-iingat mabubulilyaso ang lahat. “Tomorrow we have a meeting with my father. He's the main reason of this all.” Napaawang ang labi ko. Ito ang nakaligtaan kong itanong dati pa. Ano nga ba ang dahilan ng lahat ng pagpapanggap na ito? Hindi ko na kailangan pang itanong ito. Dahil malalaman ko rin bukas. Si Maribel ulit ang kasama ko sa kwarto ng 9 ng gabi. Magdamag yata naming kakainin ang balut ngayon. “Magtawag kaya tayo ng ibang titira ng balut na 'to, Ma'am? Baka kasi bukas paglamayan na lang ako. Hindi ako high blood pero baka maging high blood na lang ako bigla.” Nakasampung balut na rin siya. Samantalang ako, bente na. Hindi ko alam pero takam na takam ako sa balut. Hindi naman ako ganito dati. Isang balut lang noon busog na ako. Ngayon lang ako naging ganito. “Tawagin mo si Manang Karing.” Namilog mata niya. “High blood 'yon!” Napanguso ako. “Si Mang Kanor?” “Lalo na 'yon!” Nagkibit balikat ako. “No choice, uubusin na'tin sa ayaw mo o sa gusto.” Maiiyak na si Maribel. “Sana 'di na lang ako umakyat dito.” Ayan kasi. Kapag pagkain paguusapan para agad siyang linta na inasinan diyan. Tapos ngayong pinapalamon mo ng isang ice bucket na balut biglang aayaw. “Nadadamay ako sa paglilihi mo,”aniyang sabay subo ulit ng balut. Natigilan ako. Naglilihi? Ako? Tapos balut talaga? Kinabahan ako. Baka magmukhang sisiw anak ko. “Ubusin mo na yan ayaw ko na,”sabi ko tapos iniwan si Maribel doon. Tumakbo ako sa banyo. “Ma'am! Ma'am! Walangya hindi ko kayang ubusin 'tong 50 piraso!” Kinabukasan hindi ko na nakita si Maribel na umakyat. Ibang katulong na. Nagka-phobia yata kagabi. Sa hapon ay dumating ang personal shopper ni Hades. May mga bitbit na klase-klasing damit. May mga nakakabit pa na mga tag na hindi ko kayang lunukin ang presyo. Seven daw ng gabi ang alis namin. Mga 5 nang simulan na nila akong ayusan. Limang tauhan ang nag-asikaso sa akin. “Lahat ng materials na gagamitin namin sa iyo ngayon, Ma'am ay safe para sa mga buntis. Don't worry.” Tumango tango lang ako sa bakla. Ngayon ko lang nalaman na may mga pampaganda pala na harmful sa mga buntis na tulad ko. Flat shoes din ang sinuot ko kapares ng puting above the knee night dress. Halos hindi ko makilala ang mukha sa salamin nang matapos nila ang pagaasikaso sa akin. Hindi ko rin aakalaing time consuming ang pagme-make-up. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Kung na-try kong maging pokpok sa bar ni Tiyang ay baka hindi na ako maninibago sa kolorete sa mukha ko. Pero kasi dalagang Pilipina yeh ako, e. “Naghihintay na si Sir Hades sa bababa. Pinapatanong niya kung tapos na kayo.” Isang lalaking tauhan ang nag-check sa amin sa silid. “Uh, pakisabi po na pababa na. Ready na si Ma'am.” Pormal na sabi ng babaeng kasama sa nagasikaso sa akin. Napabuntong hininga ako. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD