That was three months when I suddenly notice the changes. Parati akong nagsusuka at may mga pagkain na ayaw kong maamoy at kainin. Napakatamad ko rin gumalaw-galaw at gusto na lang na matulog. Pero paano iyon kung kailangan kong kumita ng pera? May maintenance pang gamot ang kapatid ko. Hindi pwedeng hindi ako makapagpadala.
“Magpa-check ka na. Jusko, Lurena!”si Tiyang sa kabilang linya.
Tinawagan ko siya matapos mapansin ang kakaibang nararamdaman sa katawan.
“Naku! Baka buntis ka na. Baka nagbunga ang-”
“Tiyang, hindi mangyayari iyon! Isang beses lang iyon.”
“Ano bang alam mo? Ni wala ka ngang boyfriend. Hindi mo malalaman iyan kung di mo ipapa-check up iyan bukas.”
Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho pagkatapos ng pinag-usapan namin ni Tiyang. Nang pauwi na ay lutang na lutang pa rin ako. Kung anu-ano ang iniisip ko. Kailangan kong malaman ang lahat. Hindi pwedeng parati na lang akong nag-o-overthink dito.
Dyusko naman! Mamamatay ako kakaisip. Pero paano kung buntis ako? Ang gwapo siguro ng baby ko-este! Patay talaga ako sa Papa ko!
Kumakain akong cup noodles kinagabihan. Wala na akong masiyadong pera sinuklian pa ako ng candy no'ng tindera. Pang ice water na lang sana iyon. Ngumuso ako at nang susubo sana ulit ng noodles ay naalala na naman ang sinabi ni Tiyang.
“Baka buntis ka na!” Nag-echo sa utak ko ang sinabing 'yon ni Tiyang.
Parang gusto ko nang umiyak habang sumusubo ng noodles. Dumeretso nga ako sa drugstore kinabukasan para makabili ng PT.
“P-PT, Miss.” Parang ayaw ko pang banggitin. Nakakahiya.
Nang tingnan ko ang paligid. Saka ko lang napansin na nakatingin ang ibang matatandang bumibili yata ng maintenance nilang gamot.
“Hay naku. Mga bata talaga sa panahon ngayon. Dapat iniisip muna kinabukasan at pag-aaral bago magpabuntis.”
“Minor pa yata 'yan, e. Di na nahiya. Kawawa naman ang magulang niya.”
Nagbulungan pa kuno sila, e. Dinig na dinig ko naman. Ito talagang mga matatandang 'to. Alam naman nilang kunting araw na lang ang natitira nila sa mundo gumagawa pa talaga ng kasalanan.
“One hundred,”ani pharmacist.
Dumukot akong one hundred. Pati peso napasama sa one hundred na papel kaya nahulog sa sahig.
“Ay! Nahulog ang pera ng 23 years old na babae na napagkamalang minor dahil sa height niya. Ganoon talaga baby height, e.” Nilakasan ko ang boses ko.
Kumunot tuloy ang noo no'ng mga matatandang tsismosa sa tabi. Nagbulungan na naman sila. Pagbuhulin ko nguso niyo, e.
Nagdasal ako ng ilang beses habang hinihintay ang result sa CR ng silid ko. Alam ko grasya ang pagkakaroon ng baby. Pero please, pass po muna. Ibang grasya po muna ibigay niyo sa akin. Wala po akong ulam ngayong gabi, pera po muna ibigay niyo. Wala akong ipapakain sa anak ko pag nagkataon. Iyong pera may tao pero iyong tao walang pera.
Mariin akong napapikit bago ko tiningnan ang resulta ng PT na hawak. Muntik na akong mahulog sa bowl nang malaman na positive.
“Tiyang!” Ngumangawa na ako kinagabihan.
“Bakit? Positive, 'no?” Hula niya.
“Paano mo po nalaman?”
“Umaatungal ka na riyan, e.”
Mas lalo akong umiyak habang nasa tainga ang phone ko.
“Tiyang anong gagawin ko?”
Bumuntong hininga siya. “Humingi tayo ng tulong sa ama ng bata.”
“Ayoko, Tiyang. Baka pag nalaman niyang may anak siya sa akin. Baka kunin niya ang bata sa akin tapos luluhod ako para magmakaawa na hindi niya kunin sa akin ang baby ko, tapos mai-inlove kami sa isa't-isa tapos pakakasalan niya ako, tapos-”
“Umamin ka. Sabog ka ba?”
Namilog ang mata ko. “Tiyang naman! Matino naman ako!”
“Pwes! Magseryoso ka. Hindi ko alam kung anong ginawa mo noong gabing iyon at nabuntis ka ngayon.”
“Nag-sèx kami, Tiyang. Kaya nabuntis ako.”
“Isang banat pa, Lurena. Babalatan na kita.”
Nanahimik na ako. Nakinig na lang ako kay Tiyang. Baka magalit pa. So ayon nga, advice niya na lumapit kami sa ama ng bata. Mayaman iyon kaya malamang tutulungan ako no'n. Pero ayaw ko. Nalalason pa rin utak ko sa mga nababasa ko sa novel na baka bawiin sa akin ang anak ko. Ganito set-up no'n, e. Mayaman ang ama tapos mahirap ang ina ng bata. Ganitong-ganito 'yon!
Hindi ako nakinig kay Tiyang. Bahala na. Pero hindi talaga pwedeng ipakilala ko ang anak ko sa ama niya. Kahit pa tubuan ako ng pigsa sa pwèt hinding-hindi ako aamin sa lalaking iyon.
So ayun nga sasakay na dapat ako ng barko pero bigla akong hinarang ng mga tauhan ni Mr. Mondejar. Pinagbintangan pa akong itatakas ko raw ang anak ng taong iyon. Nasa stage of being 'lutang' pa ako noong sinakay nila ako ng sasakyan at sa mismong byahe ko na-realize na baka ang tinutukoy nila ay ang nakajugjugan ko noon.
“Saan niyo po ako dadalhin? Mukha lang po akong buntis pero busog lang po talaga ako. Maniwala kayo.” Naiiyak na ako.
Hindi nila ako pinansin sa likod. Hinanap ko rin iyong gwapo nilang kasama. Dapat bantayan ako no'n dito sa likod, hindi ito makatarungan! Bakit puros panot itong kasama ko sa kotse?
“Mambabarang po Lola ko. Actually magkikita dapat kami ngayon, e. Nakapatay na po siya ng dalawang panot, binarang niya tapos pinalobo ang tiyan.” Dapat matakot ang dalawang ito. Dapat palabasin na nila ako sa sasakyan.
Biglang huminto ang sasakyan at sabay na lumingon ang dalawang panot na tauhan dito sa banda ko. Sa wakas napansin na rin nila ako. Kaya lang mukhang galit yata.
“Gusto mong sabay kayo ng lola mo na humarap kay San Pedro?” sabi ng isa.
Hilaw akong natawa. “Iba naman po kayo. Pogi po kayo, e. Hindi tumatalab ang barang ni Lola sa mga pogi.”
Nakahinga ako ng maluwag nang nagpatuloy na sila sa pagda-drive. Ayoko na magsalita. Mga pikon itong mga panót dito, e.
Mga ilang minutong byahe nang makarating kami sa isang napakalaking mansyon. May malaking gate na parang sinasaniban kasi automatic na bumubukas. Dinala nila ako sa loob ng mansyon na iyon at bulwagan pa lang... napabuntong hininga ako. Parang gusto ko na doon tumira. Sobrang laki at sobrang linis ng paligid. Ang kintab-kintab pa ng sahig na parang dinilaàn ng isang milyong sawa. May chandelier pa na nakasabit sa high ceiling. Parang gusto ko tuloy mag-uwi ng bombilya no'n.
Ilang pasilyo pa ang dinaanan namin bago namin narating ang napakalaking library. Ang bongga pa ng entrada kasi sabay na nagbukas ang malalaking doble door no'n.
“Boss nandito na po siya,”imporma ng tauhan niya.
Napakurap-kurap ako. Nasaan na siya? Invisible ba amo nila? Buweno, iyong gate nga nila, e. Nagbubukas kahit walang tao. Magugulat pa ba ako kung pati amo nila hindi nakikita?
“You may leave.” Isang baritunong boses ang pumailanlang.
“Opo, Boss.”
Isang lalaking naka-roba ng maroon ang sumulpot. Namilog ang mata ko nang mamukhaan siya. Ito iyong lalaking, gwapo, hot, yummy, masarap kahit walang sauce!
At ang kaisa-isang lalaking sumira ng perlas ng silanganan ko.
“I-Ikaw?”mahina kong usal.
“Plan to escape?”
Tumakas? Alanganin akong napakamot sa batok. Hilaw akong ngumisi. Patay! Kapag nalaman niyang binalak ko nga'ng itakas ang anak niya ay baka ano ang gawin niya sa akin. Seryoso siya, parang galit, kaya baka nga galit sa akin.
“Ano ka ba? Anong tatakas? Kanino naman ako tatakas? Di ba pwedeng nagbabakasyon lang? Takas agad?”
Namaywang ako at patawa-patawa pa.
“Good. I have a proposal for you.”
Namilog ang mata ko. “T-Teka! Propose po agad-agad?”
Di pa nga siya nanliligaw magpo-propose agad?
“Yeah, what are you thinking?” Naningkit ang mata nito tila pinagduduhan pa ako sa sagot ko.
“Hindi pa po kasi ako handa!”
Akala ko anak ko lang ang habol niya pero pati pala katawan ko. My Gosh! Isang napakalaking plot twist ito! Dapat made-develop muna siya sa akin bago niya ako alukin. Pero nauna ang propose bago ang love. Ganoon ang nababasa ko sa mga novels, e.
“You don't have to. You're now pregnant with my child. Hindi na mahirap sa'yo ang trabahong ito.”
Madrama kong inilahad ang daliri ko.
“Tumaba ako ng slight baka di magkasya ang sing-sing.” Napanguso ako.
Natahimik siya. Nang tingnan ko ay nakakunot na ang noo niya.
“Babayaran kita.” May kaseryusuhan pa rin sa mga mata niya.
Agad kong binawi ang kamay ko. Na-turn off ako agad.
“Ay naku! Hindi nababayaran ang pag-ibig. Kung akala mo mabibili mo ang pag-ibig ko, pwes! Nagkakamali ka po.”
Hinahabol pa nga ng mga male lead ang mga bidang babae sa novel, e. Kasi mahal na mahal nila. Tapos siya babayaran lang ako para pakasalan?
“Thirty Million, Miss whoever you are.”
Agad akong napalingon sa kaniya. “Kailan?”
Naningkit ang mata niya sa akin. “Anytime you want.”
Napapangiti ako. Ini-imagine ko pa lang na magiging instant yaman ako parang ayaw ko nang magising. Pero kalaunan natigilan ako nang may maalala.
“Tayka!” May pagdududa sa mata ko nang titigan siya. “May balak ka bang kunin ang anak ko sa akin?”
Binigyan niya ako ng malamig na titig.
“Sayong-sayo na ang bata. Just make sure na gagawin mo ang trabaho mo ng tama.”
Napanguso ako. “Hindi mo kami hahabulin?”
Kumunot ang noo niya.
“What?”
Natauhan ako. “W-Wala! Ang sabi ko okay, deal.”
Napabuntong-hininga ako. Baby ayaw ni Papa mo sa atin. Final na raw hindi niya raw tayo hahabulin. Nakaka-hurt.