“Oh ba't kunti lang ang kinain mo?” Ilang subo pa lang iyong nakita ko tumayo na agad si Tinay. Aba! Hindi 'yan pwede. Ako ang mag-o-overthink ng malala sa palengke kapag nagutom 'to. “Mama, dalawang pinggan na iyong naubos ko puputok na tiyan ko.” “Paanong hindi puputok? Kanin at ulam ang pinapakain ko sa'yo hindi iyong pinggan. Iluwa mo iyong pinggan na'tin!” Bumusangot siya. Di na mabiro 'to. Mana talaga sa ama na seryoso. “Oh, siya. Huwag mong kakalimutan ang payong, ha. Mahal bili ko diyan,”paalala ko sa kaniya. Umuulan kasi ngayon. Pahirapan na sa byahe papuntang palengke. Bumili lang ako ng payong para sa anak ko. Kaya ko naman ang sumugod sa ulan. Humihina kasi ang benta ko nitong nagdaang buwan. Kaya di ako pwedeng gumastos sa kung anu-ano. Kung ikukumpara ang tindahan