Umiyak ang anak ko kahapon nang malaman niyang nagising na ako. Kahit no'ng sumakay na kami ng trysikel pauwi ay yakap-yakap pa rin ako na akala mo mawawala ako sa kaniya. Napangiti ako. Mahal na mahal talaga ako ng anak ko. “Sana hindi ko na lang dinala ang payong. E di sana di ka nagpa-ulan.” Sinisisi niya pa ang sarili na parati ko namang binabara. Masiyado niyang dinibdib ang nangyari. “Ayos na ako.” Parati kong sabi sa kaniya. Nag iwan ng tatlong libo si Tiyang sa akin. Pinag-grocery niya rin kami ng mga kailangan namin. At isang napakalaking ginhawa niyon sa amin. “Oh, magpahinga ka muna. Kahit tatlong araw lang. Baka mabinat ka pa. Pag-isipan mo ang offer ko, ah.” Bago umalis si Tiyang ay iyan ang bukambibig niya. Napaisip na nga rin ako na ibenta na nga ang pwesto ko sa pale