“Magkano dito?” Nagtanong iyong babaeng naka-heavy make-up kahit tanghaling tapat. Akala mo pók-pók na naabutan ng umaga. Pinisil niya iyong talong na kanina lang ay tinuro niya. Makapisil naman 'to akala mo pumipisil ng bayàg. May pwesto ako dito sa palengke. Iyong nakuha kong pera kay Hades ay binili ko ng pwesto dito sa palengke. Ito na rin ang bumubuhay sa amin ngayon. Kung anu-ano na lang ang binebenta ko dito. Isda, karne, gulay, tuyo. Basta ba alam kong makakabawi ako sa puhunan ko. “40 isang kilo.” Nagpatuloy lang ako sa paghihiwa ng gulay na gagawin ko ring sari-sari. “Ang mahal naman. Iyong sa kabila 30 na nga, e.” Napanguso ako. Bakit di siya doon bumili? Total mura naman pala doon. Paano ko mababawi ang puhunan ko kung isasagad ko pa ang presyuhan ko? “Huwag na nga l