KABANATA FOUR

2086 Words
Kabanata 4 "Well, nagpapasalamat ako sa compliment ni Rafael " Giit ko. Hindi ko alam na ang sikat na aktor ang bibida sa palabas na ito. Well, one time ko palang siya nakita at matagal na iyon. "After what happened na hindi ka natanggap, will you still pursue your dreams?" "Yes of course, you know we can work in our company anytime we like. We are financially stable, we can live without working in one decade but since this is my happiness I'll work for it. This is just the beginning, I know darating rin naman ang para sa atin." Nakangiti kong sagot. Sana lang ay tama itong pinagsasabi ko. Matapos akong interbyuhin nong babaeng reporter ay bumalik na si Homer. Meron naring mga umuwi kaya hindi na masiyadong nakakahiyang lumabas. Naunang lumabas si Homer sa akin kaya sumunod lang ako. May mga media sa labas at kuha lang ng kuha ang mga ito ng litrato. Agad na kaming dumiritso sa kotse na nasa parking lot nakaparada. "My gosh, so tiring day." Di ko mapigilang sabihin nang isandal ko ang aking likuran sa upuan ng kotse. "I thought ikaw iyong makukuha. I can sense na kinuha nila iyong kakilala lang." Ani ni Homer at pinatakbo na nito ang kotse. "Ha?" "You know what I mean." Napabuntong hininga ako. Sabagay, ganoon naman talaga, eh. Kung sino ang mas malapit siya ang kukunin. Okey lang naman iyon, marami pang paraan at pagkakataon para sa pangarap ko. Think positive lang kumbaga! "Bahala na sila, sa tingin ko mas magaling pa sila sa akin." Ani ko. Di ko naman kasi mahuhusgahan sila dahil hindi ko nakita ang acting ng mga natanggap. "Well, nakita ko." "Hayaan mo nalang kasi 'yon. May mga pagkakataon pa naman, eh." Narinig kong napabuntong hininga si Homer. Hindi ko ito masisisi dahil siya ang mas nakakaalam sa lahat. Wala na kaming pinag-usapan pa hanggang sa makarating kami sa condo. Gusto kong matulog para makapagpahinga na. "Magpasalamat ka dahil doon si Kuya Douglas at ang mga bata nakatira ngayon sa bahay ni Tiyang Abel. Kung hindi kukuha ka ng condo unit mo." Bulalas ni Homer ng humiga ako sa malaking kama. "Oo nga ano…alam mo hindi ko naisip iyon, sanay naman na kasi tayo na natutulog magkatabi kahit noon pa." Napatingin ako sa puting kisame. Nakakamiss ang mga panahong wala kang ibang iniisip. Sobrang sarap maging bata. "Alis na muna tayo, kailangan nating mag-grocery muna dahil wala ng laman ang ref at may mga bibilhin pa ako." "Mamayang gabi na." Diyos ko, kakahiga ko palang tapos aalis na naman kami, "sana ay dumaan nalang tayo kanina." "Kailangan ko pa kasing magbihis. Pero kung ayaw mo dito ka nalang. I-text mo nalang ang gusto mong ipapabili sa akin." Napasinghap ako at napabalikwas ng bangon, "sasama nalang ako. Mabo-bored lang ako rito." "Okey fine then, lumabas ka muna dahil magbibihis ako." "Maliligo na muna ako, noh." Maarte kong wika rito. Nakakaramdam na ako ng panlalagkit sa aking katawan. Sa tingin ko'y dahil ito sa ginawa ko kaninang audition. "Naligo ka na kanina diba?" Napasimangot si Homer sa akin. "Ay basta maliligo na muna ako, di pa naman madilim, noh." Ani ko at tumayo. Kumuha na muna ako ng damit sa aking bag. Haist, diko pa pala naaayos ang aking mga gamit. Mamaya nalang siguro pagkauwi namin. Pumasok na ako sa shower room at mabilis na binasa ang katawan. Ngayon ay mas binagalan ko na ang aking kilos dahil gusto kong malinis talaga ako. Hindi pareha kanina ay sobrang bilis ng aking ginawa. Nagbabanlaw na ako ng sabon nang kumatok si Homer sa pinto. Sobrang lakas niyon. "Hindi ka pa ba tapos?" "Hindi pa, malapit na ako." Grabe naman ang lalaking ito. Lahat minamadali! "Huwag ka na lang kaya sumama." "Tapos na!" s**t, magsasabon pa sana ako ulit. Pinatay ko ang shower at inabot ang towel at pinunasan ko ang aking basang katawan. Paglabas ay naabutan ko si Homer na nanood na ng tevee, bihis na bihis na ito. Hindi niya ako napansin kaya nagmamadali kong kinuha ang aking damit na inihanda kanina at pumasok sa kwarto. Nagmamadali na akong nagbihis at hindi na ko nagawang maglagay ng make up. Sinuklay ko nalang ang aking basang buhok at lumabas na. "Tara na." Anas ko. Napatingin siya sa akin at napakunot ng noo. Napatingin ako sa aking suot, wala namang problema, ah? Nakashort-shorts lang naman ako at white sando na damit. "What's wrong?" "Alam mo mas mabuti kung hindi ka nagsusuot ng make up. Mas maganda kang tingnan and look at you, para kang si Mommy." Nakangiting wika ni Homer tiyaka pinatay nito ang tevee. "Talaga?" Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Napangiti ako nang tama si Homer, para nga akong si Mommy noong dalaga pa ito, mas lumitaw ang natural kong ganda. "Tara na baka mabasag mo ang salamin." Napasimangot akong tiningnan siya, "nakakainis ka." Pero seriously, para nga akong si Mommy, iba nga lang ang kulay ng buhok ko dahil nakuha ko ito kay Daddy na parang dark brown at makapal na wavy. Sabay kaming lumabas ni Homer sa condo at nagtungo sa parking lot. Pagkasakay namin ay agad din kaming umalis. Wala kaming pinag-usapan ni Homer habang nagmamaneho ito kaya itinuon ko nalang ang aking sarili sa pagtingin sa aming mga nadadaanan. Haggang sa makarating kami sa mall. Sabay kami nitong naglakad papasok sa loob. Nang makapasok kami ay agad na nakaagaw ng atensyon si Homer. May maraming nakatingin sa kanya at maging ako ay tinitingnan rin ng mga tao. "I must say na sobrang sikat mo na talaga." Ani ko ko rito at mahinang tinapik ang balikat ng aking kapatid. "Well, minsan naiilang nga ako." "Ayy sos, ilang taon ka na ba sa pagmo-modelo, sigurado akong sanay na sanay ka na, noh." "Haist, hindi talaga ganoon kadali, unlike you na mahilig sa social life noon kaya madali lang saiyo. Alam mo namang di ako gaanong nakikipaghalubilo." "Sabagay." Noon pinipilit ko pa itong lumabas! Nasa second floor na kami ng mall nang may lumapit sa aming grupo ng mga dalagita. Sa tingin ko'y nagwi-window shopping ang mga ito. "Kuya Homer, puwede po bang pa-picture?" Ani nong isa. Anim lahat sila at sa tingin ko'y nasa 15 to 19 ang edad ng mga ito. "Sure no problem." Nakangiti si Homer. Napaatras ako para mabigyan ng space ang mga dalagita. Nakakahiya naman kong sasali pa ako sa pictorial. Di naman ako kilala. "Wait sino ang magpi-picture?" Tanong nong isa na may hawak na cellphone. "Ikaw nalang muna tapos ako naman pagkatapos mo." "Ako nalang." Presenta ko. Napatingin ang mga ito sa akin. Hindi yata napansin ng mga ito ang kagandahan ko! Mga bwesit to! "Sigurado po kayo, ate?" Ani nong may hawak ng cellphone. "Oo naman, para sa kapatid ko." Kinindatan ko si Homer at napatingin ang mga dalagita kay Homer. "Kaya po pala parang magkamukha kayo." Kinuha ko ang cellphone at kinunan ko na sila ng litrato. Pagkatapos ay umalis na ang mga ito at dumiritso na kami sa aming pupuntahan. "May make up ka pa ba?" Tanong ni Homer sa akin. "Oo, kakabili ko lang sa Cebu." "Halika, bumili ka pa ng mga gusto mo, ako ang magbabayad." "Ha?" Hindi niya ako sinagot at hinala ako papasok sa isang botique ng beauty product. Pagpasok ko ay agad kong nakita ang sikat na product ni Tito Alvin. Agad akong lumapit roon at kumuha ng moisturizer. Iyon ang favorite ko sa lahat ng product ng aking Tito. Mas lalo pa akong napangiti nang si Tita Louisa ang model ng product. Hindi ko na pinansin si Homer dahil humiwalay ito sa akin. Pumunta ako sa ibang brand at tumingin kung may magugustuhan ba ako. Ngunit wala na akong nakita pa, bumalik ako sa mga brand ni Tito Alvin ay kumuha ng iba pa. Nasiguro ko na aking mga bibilhin kaya hinanap ko na si Homer. Patingin-tingin ako sa bawat sulok ngunit wala ang kapatid ko. Napagpasyahan ko nalang na magtungo na sa cashier. Napansin ko sa may bandang corner ng mga make up ang isang babae at lalaki na nag-uusap. Napangiti ako nang si Homer iyon. Kaya pala! May iba itong dahilan para lang pumasok kami rito. "Ma'am one thousand five hundred-fifty po lahat." Inilayo ko na ang tingin ko kina Homer at nagbayad gamit ang credit card ko. "Miss, girlfriend na ba 'yan ni Homer?" Pasimple kong tinuro ang gawi nila. "Naku Ma'am, magkaibigan lang po daw sila. Iyon ang sabi sa amin ni Myla. Pero ayaw naman naming maniwala dahil halos araw-araw nandidito si Sir Homer." "Ahh, I see." Napangiti lang ako. Now alam kong may tinatago pala ang kapatid namin! Nang matapos kong bayaran lahat ay hindi ko na muna inabala sina Homer at Myla. Nagtungo nalang ako sa labas ng Botique at doon hinintay ang aking gwapong kapatid! Nakakahiya naman kong i-isturbohin ko. "Tita Veronica!" Napatingin ako nang may tumawag sa aking pangalan. Napalawak ang tingin ko nang si Cedrix 'yon. Ngunit nawala din ang aking ngiti ng mamukhaan ko ang kasama ng bata. "Tita!" Yumakap si Cedrix sa bewang ko at ginulo ko ang buhok nito. Galit na tiningnan ko ang doktor na medyo nagulat din nang kilala ako ni Cedrix. "Anong ginawa mo rito sa mall?" Ibinalik ko ang atensyon kay Cedrix. Baka kinidnap ng lalaking ito ang bata. "Sumama ako kay Tito Steffan para bumili ng food at mamasyal." Nakangiting wika ni Cedrix. "Oh?" Napatingin ako sa doktor, kilala pala nito si Cedrix. Malamang magkakilala sila ni Kuya Douglas. "Nasaan si Stanley?' Tanong ko. "Ayaw sumama, eh." "Ahh." Patango-tango lang ako. "Steffan." Napalingon ako sa aking likuran nang lumabas na si Homer. Sandaling nagyakapan and dalawa, napakunot lang ang noo ko nang maging si Homer ay kakilala ng bwesit na lalaking ito. Bigla ko tuloy naalala ang impaktang babae kanina! "Tito, Homer!" Lumipat si Cedrix kay Homer at yumakap ito. "Hi, Cedrix…saan ang kapatid mo?" "Ayaw sumama, Tito, eh." "Baka naninibago lang si Stanley sa akin kaya ayaw sumama." Ani ni Steffan. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila at hangga't maaari ay ayaw kong makisali sa mga ito. "By the way." Nakangiting tumingin sa akin si Homer, "this is Veronica kapatid ko and Veronica, this is Steffan." Napatingin lang ako sa mukha ni Steffan. Sobrang gwapo nito at ang kulay ng kanyang mga mata ay brown, may ibang lahi yata siya. Hindi ko namalayang nagtitigan na pala kaming dalawa. "Hmmm." Biglang basag ni Homer. "Nice meeting you, Veronica." Inilahad niya ang kanyang kamay. Ngumiti ito sa akin na tila ba walang nangyari sa amin sa ospital. Kahit ayaw kong makipagkamay ay tinanggap ko nalang. "Nice meeting you." Ani ko at nakipagmakay. Nagulat ako ng parang may naramdaman akong kuryente nang dumampi ang mga kamay ni Steffan. Maging ito ay ganoon din kaya mabilis kaming napabitaw sa isa't-isa. "Kumain na ba kayo? Kung hindi pa ay samahan niyo nalang kami ni Cedrix." Si Steffan. At napaka-confident nito. "Sige, maganda nga 'yan. Medyo gutom na rin ako." Si Homer. Napatingin ako rito. "Di'ba bibili pa tayo ng grocery?" Ayokong makasama ang lakaking ito sa pagkain. Baka mawalan lang ako ng gana, kahit gwapo ito ay naiinis parin ako sa kanya. "Ha? Sinabi ko ba 'yon?" Patay malisyang ani ni Homer. I knew it! Pumunta lang kami rito sa mall para makita at makausap ni Homer ang Myla na iyon. "Tara na po, gutom na ako." Reklamo ni Homer at nagtawanan sila. Wala akong nagawa kaya sumama nalang ako. Naunang naglakad ang mga ito at nagpahuli ako. Nanggigil ako kay Steffan. Iwan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaki. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganitong feelings! Pagkapasok namin sa restaurant ay kanya-kanya na kami ng upo. Malas lang dahil magkatabi sina Cedrix at Homer. Sa harap ng dalawa ay si Steffan at isang bakanteng upuan. Wala na akong choice dahil iyon lang naman ang available! "Ladies first." Biglang bigay ni Steffan sa menu. Dalawa lang ang menu, ang isa ay hawak-hawak ni Homer. Tumingin ako sa kanya bago hinawakan ang menu. Hindi ko maitatangging gwapo talaga si Steffan, para itong si Dr. Mike. "Matutunaw ako niyan." Bulong niya sa akin at ngumiti ito ng nakakaluko. "f**k off." Nakakainis ang lalaking ito. Hinablot ko ang menu at itinuon nalang ang aking sarili roon. Narinig kong mahina itong tumawa! Bwesit! -ATHAPOS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD