KABANATA THREE

2114 Words
Kabanata 3 Pagdating ko sa condo ay wala pa si Homer. Malamang hindi pa ito bumabalik mula sa signing ng contract niya. Nakakatuwang pakinggan at isipin na napaka-successful na ni Homer. Kilalang-kilala na rin ito sa social media. Hindi na muna ako nagpalit ng damit. Pagod pa ako sa mga nangyayari sa akin kanina. Umupo ako sa couch at isinandal ko ang aking ulo. “Sobrang stress ng buhay.” Hindi ko mapigilang sambit. Minsan naitatanong ko sa sarili if may Diyos nga? But then I realized tayo ang gumagawa ng sarili nating problema. Napatingin ako sa aking phone nang bigla itong nag-ring. Sino na naman kaya itong tumatawag? Pagod na kinuha ko ang aking cellphone sa bag at tiningnan ang screen. "Oh?" Bahagya kong itinaas ang aking isang kilay ng si Homer ang tumatawag. May kailangan kaya siya? "Hello, Homer?" Sinagot ko na ang tawag. Baka importante ang sasabihin nito sa akin. "Veronica, where are you?" "Nandito sa condo, is there any problem?" Hindi ko naman maramdaman sa boses niya ang problema. Parang neutral lang itong nagtatanong kung saan ako. "No, nothing… just come to my agency. I have a good news for you." "OMG?! Are you serious?" Napatayo ako ng pagkakaupo sa ibinalita ni Homer. Alam ko ang ibig sabihin nito. "Yeah, my management is currently looking for fresh face para sa isang palabas. Well, this is not that big dahil supporting actress ang hinahanap." "Ano ka ba, Homer. Okey lang sa akin ang ganyan. Ang importante ay may trabaho na ako." Masayang wika ko sa aking kapatid. Sobrang swerte ko sa panganay namin! Mula noon hanggang ngayon nandiyan siya para sa akin. "Pumunta ka na dito ngayon din, dahil may audition rito." "Oh?" Medyo na-shock ako. Ang bilis naman yata. "Kaya mo ang role na ito. I'll text the address okey. You hurry up, Veronica." "Fine…I'll be there." Napangiti akong ibinaba ang cellphone, "yes!" Sobrang saya ko sa milestone na ito. I know some artists ay nagsisimula sa extra-extra lang hanggang sa nadi-discover sila. Sana ganoon din ang mangyari sa akin. Huwag naman sana maging mailap ang tadhana para sa akin ngayon. Sobrang tagal ko nang nangarap, kahit anong mangyari ay hindi ako susuko. Nagbihis na muna ako saglit at sinigurado kong maayos at presentable ang aking pagkakabihis. Nai-text na rin ni Homer ang address at room kaya nagmamadali akong lumabas sa condo. Nagpapasalamat ako dahil may taxi na dumaan. Agad akong sumakay at itinuro kung saan ako pupunta. Hindi ko mapigilang huwag kabahan. Physically, spiritually, emotionally, mentally ay hindi ako prepare! Bahala na! Baka, makakaya ko rin naman iyon. Nang makarating ako ay agad kong hinanap ang room. Mabilis ko iyong nakita kaya agad na akong pumasok. Nabungaran ko kaagad si Homer na nakaupo at sobrang daming tao. Conference room yata ito, ay iwan. Nakita ako ng aking kapatid kaya napatayo ito at lumapit siya sa akin. Mas lalo pa akong kinabahan dahil may ibang nakatingin sa akin. "I'm glad you came." Ani ni Homer at hinila ako. "Sandali lang." Sobra talaga akong kinakabahan. "May tubig ka?" Nanunuyo ang lalamunan ko dagdagan pa sa malamig na aircon. "Yeah, halika, magsisimula na rin. Galingan mo ha." Napabuntong hininga akong nagpahila kay Homer. Pumunta kami sa mas maraming tao. Sobrang daming gwapo, mukhang kasamahan niya ito sa modelling. "Homer, siya ba ang sinasabi mo sa akin" May baklang pangit na lumapit sa amin, malaki ang tiyan nito at parang si Dory ang labi. Hindi sa nanlalait ako, ha, pero ganoon na nga, totoo ang pagka-describe ko sa baklang ito. "Yes po, Barbie. Si Veronica pala kapatid ko. Veronica si Barbie." "Hi Veronica." At ito pa talaga ang unang naglahad ng kamay. Infairness mabait ang baklang ito kahit hindi bagay ang pangalan. "Hello, bit--Barbie." Muntikan nang madulas ang aking bibig. Nakipagkamay ako sa kanya. "Sumama ka sa akin, Veronica…may ibibigay akong script. Dito titingnan kung tanggap ka ba sa role mo." Ani ni Barbie. Kinakabahang tiningnan ko si Homer. Ngumiti lang ito sa akin, "kaya mo iyon, Veronica. You're strong woman, this is your dream diba?" Napatango lang ako at tipid na ngumiti, "yeah." At sumunod na ako kay Barbie. Dinala niya ako sa may kumpol ng mga babae. Bawat isa sa kanila ay may hawak na papel. At sa tingin ko'y iyon ang script. Sobra talaga akong kinakabahan, what if hindi ko kayanin? Mapapahiya ako nito at maging ang aking kapatid. "Veronica, ito ang ia-act mo sa harap nila." Ibinigay ni Barbie ang script sabay turo sa panel ng mga tao na nakaupo sa kanya-kanyang upuan. Mas lalo akong kinabahan dahil ang dami nila. Lagpas otso yata ang mga ito, di ko na magawang mabilang dahil nag-cramming na ako. "Huwag kang mag-aalala, huli kang sasalang." Si Barbie. Mukhang napansin niyang kinakabahan ako. "Salamat naman." Bulalas ko. Mamamatay ako kapag ako ang unang pupunta sa harap. "Halika, doon ka sa hindi mataong corner para makapag-concenrate ka, Veronica." Napatango lang ako sa kabaitan ni Barbie. Nagi-guilty ako dahil nai-judge ko ito kani-kanina lang. Binigyan niya ako ng upuan at umupo ako sa isang sulok na hindi madi-disturbo. "Tatawagin kita kung ikaw na." Aniya. "Maraming salamat, Barbie." Ngumiti siya sa akin at umalis na. Ako naman ay binasa ko na ang aking script. Hindi naman iyon gaanong mahaba ngunit parang kakaiba naman yata ang script na ito. Parang pang action ang labas. Ang ibig sabihin nito ay gugulong-gulong ako? Kahit ano paman ay gagawin ko kung ano ang nasa script lalong-lalo na kung paano ko dadalhin ang aking karakter. Mememoryahin ko na muna ang ang script tapos ibi-visualize ko ito. Medyo matagal-tagal pa naman ako kaya siguradong makakabisa ko ang bawat salita. Tahimik lang akong nagbabasa, nagpapasalamat ako dahil papaano ay naka-focus ako sa script at walang kahit anong disturbo. Nang sigurado na akong namemorya ko na ang script at sinunod kong inisip ang aking gagawin. Kanina pa nag-umpisa ang audition pero di ko hinayaang hilain ako ng kaba at takot. Alam ko na ang gagawin ko sa harapan nila. Sa unang eksena ay parang medyo masilan ang eksena. At sa mga susunod ay papatayin na ng babae ang lalaki ngunit hindi niya mapatay-patay ang lalaki kaya siya mismo ang napahamak. Kaya ko namang ibabalibag ang aking sarili dahil sanay ako roon. Mas grabe pa ang naranasan ko sa pagro-rodeo na hirap. "Veronica!" Tawag ni Babrie sa akin. Nagmamadali itong lumapit sa akin. "s**t!" Bulalas ko sa aking sarili dahil mas lalo pa akong kinabahan. "Ikaw na, halika ka na." Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo sa aking kinauupuan. Diyos ko, kaya ko naman ito! "Kaya mo 'yan." Anas ni Barbie at marahan akong tumango. Nagmamadali akong pumunta sa harapan ng panel. Nahihiyang ngumiti ako sa mga ito. Hinanap ng mga mata ko si Homer, agad ko naman siyang nakita at nag-thumbs up pa siya sa akin. "Anong pangalan mo at taga-saan ka?" Tanong nong babaeng panel. May katandaan na ito at sa tingin ko'y parang ito ang chairman. "I am Veronica Montecilio, I'm from Bohol." Sagot ko at kitang-kita ko kung paano umawang ang kanilang mga labi. Napatingin ang lahat kay Homer. Alam kong kilalang-kilala ng mga ito ang aking kapatid. Napangiti lang si Homer at nahihiyang kumaway sa mga taong nakatingin sa kanya. "Puwede ka nang magsimula, Veronica." Ani ng Ginang. "Thank you po." Wika ko. Bahagya akong napapikit at pilit na nilalagay ang aking buong sarili sa aking ia-acting. "Mahal kong Fernando." Nakakaakit na panimula ko. Pati kilos at pananalita ko ay sinigurado kong magagampanan ko ng maayos. "Fernando, mahal ko…angkinin mo na ako ngayon din. Ahhhhh." Bahala na, ganito ang nasa script. Nilalandi mo ang lalaking karakter. "Bakit Fernando? Bakit ayaw mo!" Nag-umpisa na akong magalit. "Ano? Lahat ginawa ko para angkinin mo lang ako tapos ayaw mo? Anong klase kang lalaki na ayaw mabighani sa akin?" Parang akong baliw. Nag-uusap na wala namang kasama. "Ang mabuti sayo mama---, ahhh!" Nagkunwari akong tumilapon ako dahil sinipa ako ng lalaki. Nyemas lang dahil ang sakit ng puwet ko bwesit! "Papatayin kita, Fernando! Papatayin kitaaaa!!!" Huling linya ko. Diko alam na umiiyak na pala ako. Di ko iyon namalayan. Tumayo ako at nagpalakpakan ang lahat. Medyo nakaramdam ako ng hiya at saya dahil sa tingin ko'y nagustuhan nila ang aking acting. "Magpahinga ka muna saglit, Veronica." Wika ng Ginong. Tumango lang ako at nagmamadaling nilapitan si Homer. Sobrang laki ng ngiti niya sa akin habang papalapit ako sa kanya. Inabot nito ang water bottle at tinanggap ko iyon, "thank you my brother." Tumongga na ako dahil umaarat ang aking lalamunan sa sigaw ko kanina. "You did a good job, Veronica." Compliment ni Homer. Well, ginawa ko lang ang kaya ko pero pakiramdam ko ay hindi yata iyon enough. "Do you think na matatanggap ako?" Gusto kong isipin na matatanggap ako ngunit ayoko namang umasa. Baka masaktan lang ako. "Ano ka ba, huwag kang mag-isip ng ganyan okey? Sobrang galing mong umakting kanina. I did not expect na gagawin mo ang ganoon. Iyong mga ibang nag-audition ay nakatayo lang. Ikaw may pagbagsak kapang nalalaman." Mahaba niyang wika. Kung ganoon ay mag tyansa ako na ako ang matatanggap. "Paano kung hindi nga ako makuha? Nganga ako ngayon?" Nawawalan na pag-asa kong wika. Deep in side iniisip ko na sanay makuha ako sa audition. Ayokong mag-isip ng advance bawat iniisip ko kasi ay magiging iba ang resulta. "Hey, ano ka ba? Sobrang galing mo kanina. At if ever na hindi ka matatanggap maraming kakilala si Barbie. Sigurado akong matutulungan ka niya." "Magdasal nalang tayo." Giit ko. Umupo ako sa tabi ni Homer at taimtim na nanalangin. Iyong panel ay nag-uusap pa at halatang kinukuha na nila kung sino nga ba ang karapat-dapat na makuha sa role. Kahit hindi iyon bida malaki parin na part iyon sa akin bilang baguhan. Halos isang oras lang hinintay namin kaya tinawag na kaming lahat at pinapunta sa harapan. Kabado akong tiningnan si Homer, ngumiti lang ito at katabi nito si Barbie. Mas lalo lang akong kinabahan sa ekspresyon ng mukha ng aking kapatid! "So we had our tough decision, may nakita kami sa inyo na potensyal. Actually lahat kayo magagaling lalo na sa pagbitaw ng linya. So we have decided na dalawa ang kukunin namin. Yong writer namin, she's currently writing action. At may nakuha na kaming possibleng bibida." Ani ng Ginang. Labis akong kinakabahan, naipikit ko ang aking mga mata. I was praying na kahit ano sa dalawa ay tatanggapin ko. "Miss Gwen please come forward." Dagdag nong Ginang. s**t, mas lalo akong kinabahan. Sigurado akong tanggap na ito. Pamilyar siya sa akin, nakikita ko na siya sa ibang programa. "Congrats, gusto namin na ikaw ang gaganap bilang bida sa isang action film." Napabuga ako ng hangin at pumapalakpak. Ang swerte naman niya, hindi ko nakita ang acting niya pero sigurado akong magaling siya. Kitang-kita ko sa mukha ni Gwen ang sobrang saya at tuwang-tuwa pa ito. "And Miss, Ezza please come forward." Halos panghinaan ako ng loob sa narinig ko. Napatingin ako kay Homer, nag sign lang ito na okey lang. Tumango ako sa kanya. Hindi rin masiyadong madali sa akin bilang isang baguhan. Ngunit kahit papaano ay nasaktan rin ako. "Ikaw Miss Ezza ang nakuha namin sa audition na ito." Tipid lang akong ngumiti at pumalakpak. Nang matapos kami ay bumalik ako kina Homer. Wala na sa tabi nito si Barbie. "Okey lang 'yan." Aniya. Hindi ako kumibo at yumakap nalang ako sa aking supportive model kuya. "Umuwi na tayo, Homer." Giit ko nalang. Parang nahihiya ako na hindi ako natanggap matapos sa ginawa ko kanina. "Okey, magpapaalam na muna ako." Wika niya at sandali akong iniwan. Habang hinihintay si Homer ay may babaeng lumapit sa akin. Hindi ko ito kilala at hindi rin ito nag-audition. "Hi, Miss Veronica, nasabi ng kapatid mo kanina ay first time mong mag-audition? Kumusta ang pakiramdam?" Now I can tell na isa itong reporter. May kinuha itong maliit na notebook. "Oo tama si Homer, sobrang kinakabahan ako kasi kanina pa ako dumating here sa Manila tapos wala akong kaalam-alam na may audition na ganito. Tinawagan lang ako ni Homer kaya kahit hindi prepared nagbabakasakali ako." "I see, will nakausap ko ang leading man ng movie na ito, sinabi ni Rafael Garcia ay sobrang ganda mo raw at sinabi niya hindi mo deserve ang maging extra lang." Extra? Rafael Garcia? -ATHAPOS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD