Kabanata 2
Veronica Montecilio
"Come on Angel, huwag mo nang takutin ang pinsan ko." Wika ni Kuya Douglas.
Napansin kong ngumiti si Angel at napatawa ito, "na-miss kita Veronica." Ani nito at dahan-dahang bumangon. Agad naman itong inilalayan ni kuya Douglas.
Nakahinga ako ng maluwag, akala ko ay hindi pa ito magaling buhat nang operahan siya. "Gaga ka, alam mo bang pinakaba mo ako, ha." Lumapit ako kay Angel at niyakap ito. Ngayon ko lang napansin na wala na pala itong buhok. "Kumusta ka na?" Tanong ko rito. Kumiwala ako sa pagkakayakap sa kanya at tumabi ng upo.
"Medyo maayos na ang pakiramdam ko. Iwan ko ba rito kay Douglas. Hindi pa raw puwede akong lumabas, ang tagal ko na rito." Nainguso ni Angel ang baba nito sa harap ni Kuya. Napangiti lang ako sa tinuran nito. Tama ang hinala ko noon, silang dalawa talaga ang magkakatuluyan. Hindi nga lang naging madali ang kanilang pinagdaanan. Nawa'y hindi magaya ang love story ko sa kanila. Kahit matapang akong tingnan at magsalita sa ibang tao sobrang lambot parin ng puso ko. Nagtatapang-tapangan lang naman ako dahil ayokong maging kawawa at inaabuso ng ibang tao.
"Hindi ka pa puwede i-discharge. Kailangang tingnan muna iyang sugat mo bago ka makakalabas. At isa pa, may mga last laboratory exam ka pang gagawin. Hindi kita puwedeng pauwiin nalang basta-basta." Seryosong wika ni Kuya Douglas.
Sa tingin ko'y mukhang malakas na naman si Angel. Maayos na nga itong tingnan at napakasaya. I wonder dahil iyon kay Kuya Douglas at sa dalawa nilang anak.
"Sundin mo nalang siya Angel, doktor mo 'yan." Natawawang wika ko.
"Kaya nga, eh. Advantage niya iyon." Ngumiti siya sa akin. Angel was still beautiful. Kahit kalbo na siya ay sobrang ganda niya paring tingnan. I wonder kung dalaga pa siguro siya until now I mean 'yong wala pang anak, sigurado akong she's in showbiz industry. Hindi lang ito nadi-discover.
Napatingin ako sa dalawang bata medyo curious parin ako kung bakit magkaiba sila ng mukha. Hindi naman sa naghihinala ako pero isumpa pa man ni satanas, wala akong kaalam-alam. Sobrang pinag-iwanan na ako ng balita.
"Kuya, Angel." Sambit ko sa pangalan nila. Naikagat ko ang aking ibabang labi baka hindi nila magustuhan ang itatanong ko, "bakit si Stanley mukhang foreigner? May albanism ba siya?" Wala naman kasi akong problema kay Cedrix. Kay Stanley lang talaga ako naiintriga. Ibang-iba ito sa kanyang kapatid.
"She's the product of In Vitro Fertilization." Si Kuya Douglas ang sumagot. "The surrogate mother died after giving birth to Stanley." Medyo lumungkot ang mukha ni Kuya. Maging si Angel din ay ganoon.
Wala sa sariling napalunok ako ng laway. Alam ko kung ano ang In Vitro Fertilization. Bakit kailangan pang gawin nila iyon? Naguguluhan ako, bakit parang magka-edad lang itong dalawa? Kaya pala sinabi sa akin ni Eskel noon na wala sa mood si Lolo at Lola na kausapin ako sa telepono dahil kay Kuya Douglas. Pero iyon ba talaga ang dahilan?
"Naguguluhan ako, wait muna…" Ani ko. Napasentido ako sa akoing noo. Ayokong mag-isip mg kahit na ano.
"Ganito kasi 'yon." Si Angel na ang nagsalita, "hindi ko alam na si Douglas ay kumuha ng eggs sa akin. It was fertilized in a tube with his you know na, alam mo na 'yon. Maging ako ay walang alam, ideya lahat iyon ni Douglas. Umuwi nalang siya rito na dala ang anak naming branded." Masayang wika ni Angel. Hindi yon big deal sa babae.
Lutang parin ako! Naintindihan ko ang paliwanag ni Angel ngunit bakit ginawa iyon ni Kuya Douglas na hindi nalalaman ni Angel? Sobrang curious akong nakatitig kay Kuya. Gusto ko siyang marinig na nagpapaliwanag. Gusto ko sa kanya mismo manggaling.
"I know what you are thinking, Veronica." Seryosong wika ni Kuya Douglas. Narinig kong napabuntong hininga ito, "I am desperate, if ever na hindi kami magkakatuluyan ni Angel in at least bibigyan niya ako ng anak."
Diyos ko! Napalunok na naman ako ng laway. Hindi ko inisip na magagawa iyon ng pinsan ko. Pero sa tingin ko ay masaya naman na sila ngayon.
"Paano mo 'yon natanggap, Angel?" Kung sa akin kasi nangyari 'yon ay parang mawiwindang ako. At in fact parang nagagalit ako sa ginawa ni Kuya Douglas.
"Gaga ka, anak ko si Stanley. Kahit hindi 'yan nanggaling sa tiyan ako parin ang orihinal na ina ng bata." Tinapik niya ako ng mahina sa balikat.
Tumango ako. Naloloka ako sa dalawang ito, "bakit hindi naman magkamukha sila ni Cedrix?" Nakikita ko kay Stanley ang mahabang pilik mata nito which is sa amin 'yon. Ang labi naman nito ay kay Angel. The rest, yong buhok at kulay ng balat, branded nga, kanong-kano itong tingnan.
"Ganyan kasi 'yan, hindi maiiwasang may makuha ang bata sa nagdala nito pero magbabago naman 'yon kapag lumalaki na ang bata." Paliwanag ni Kuya Douglas. Naiintindihan ko na pero hindi parin ako makaget-over. "By the way, Veronica, nakausap mo ba sina Lolo at Lola?" Lumungkot ulit ang mukha ni Kuya.
Napailing ako, "noong tinawagan ko sila sa mansyon ayaw nila akong kausapin sabi ni Eskel ay may kasalanan ka raw sa kanila. Hindi ko naman alam iyon kaya nagtaka ako. Hindi ko nalang sila kinulit hanggang kinabukasan tumawag si Peter sa akin. Sinabi niya na umuwi ka na raw at may dalawang anak kayo ni Angel. Kaya wala na akong sinayang na oras, lumipad na ako paparito mula sa Cebu." Sa totoo'y sawa na ako sa buhay roon, limitado ang exposure ko bilang freelance model.
"Ganoon ba, until now di parin nila ako kinakusap. Araw-araw na akong tumatawag sa kanila."
Naaawa ako kay Kuya Douglas. Pero may kasalanan rin naman siya, hindi na sana nito ginawa ang In Vitro Fertilization. Once kasi na nag-fertilized na ang semen at eggs may buhay na iyon. Isa lang ang kukunin don at ilalagay sa sinapupunan ng surrogate mother.
"Alam mo, Kuya Douglas…hindi ka matitiis nila Lolo. Hayaan mo muna silang makapag-isip, nandiyan na 'yan, tapos na at noon pa. Mari-realize din nila iyon, maghintay ka nalang muna for now."
"Alam ko iyon pero hindi ako sanay na nagkakasala sa kanila, Veronica. Alam ninyo iyon, ako dapat ang role model ninyo dahil ako ang pinakamatandang apo."
"Kuya, tao ka rin, nagkakamali at patuloy na magkakamali. Huwag ka nang mag-isip pa ng kahit na ano. Ang importante na gawin mo ay maging mabuting ama kay Cedrix at Stanley." Nawa'y nakatulong itong aking mga pinagsasabi. Kahit papaano ay naaawa ako sa sitwasyon nito.
"Hihintayin na muna namin si Angel na mag-graduate, isang semester nalang ang hihintayin niya. Siguro sapat na panahon na iyon para mapatawad nila ako."
Ngumiti ako rito, "mahaba na ang isang semester, Kuya. Hindi matatapos ang buwan na ito ay sila na mismo ang kusang kakausap saiyo." Kilalang-kilala ko ang aming abuelo at abuela.
"Douglas, puwede ka namang umuwi muna para makausap sila. Iwan mo muna ang dalawang bata rito. Mayroon naman akong makakatulong, nandito sina Tiyang Abel at Manong Mario." Ani ni Angel. Tama ito sa sinabi niya, mas mainam if personal na kakausapin ni Kuya Douglas sina Lola.
"Hindi pa ako handa at isa pa ayokong iwan kayo. Gusto ko, sabay-sabay tayong uuwi ng Bohol. Doon tayo titira."
"Ikaw ang bahala, Douglas." Si Angel.
Medyo matagal-tagal rin akong nanatili sa ospital kaya napagpasyahan kong umuwi muna sa condo ni Kuya Douglas. Mag-isa lang akong lumabas sa room kasi ang dalawang bata ay doon matutulog kina Angel. May susundo raw sa mga ito, si Kuya naman ang magbabantay.
Pagkasakay ko sa elevator ay sumagi sa isip ko ang babae sa information disk. Hayop talaga ang impaktang iyon, humanda siya sa akin.
Pagkalabas ko sa elevator I quickly went sa direksyon ng information. Agad kong napansin ang impakta sa upuan nito. Gusto ko siyang turuan ng leksyon, iyong magkaroon ito ng mabuting asal.
"Hi, Miss." I throw a fake smile at her. Obviously mahahalata niya ang pagngiti ko ng peke rito.
"Hello, Maam." Aniya at inikot nito ang dalawang mata. Nakakatawa lang siya dahil para itong nasapian ng maligno. Napakapalakera ng babaeng ito.
"Would you mind na mag-sorry sa akin?" Ngumingiti parin ako rito pero sobrang peki na talaga niyon. Hell! I don't know how to act basta nadedemonyo na ako.
"Sorry? Para saan po, Ma'am? Wala po akong kasalanan sainyo." Nagkukuwaring itong may ginagawa.
Nakakabwesit lang dahil nagawa rin nitong ngumiti ng peki. Mas lalo pa akong nakaramdam ng pagkademonyo sa kanya.
"Ay, kailangan ko pa bang sabihin saiyo na mali ang numero ng room ang ibinigay mo?"
"Ayy? Talaga po ba? Naku sorry po, ha." Sa halip na maging sinsero ang mukha ng impakta ay mas lalo pa itong ngumiti.
"Alam mo, kanina pa ako bwesit na bwesit saiyo, ha." Sa galit ko ay inabot ko ang buhok niya at hinila ito. Dinala ko siya sa maluwag na lugar. Iyong mapapatay ko ang babaeng ito.
"Aray!" Sigaw nito, "guard!"
"Kanina ka pa, sabihin mo ngang inggit na inggit ka sa kagandahan ko dahil sobrang napakapangit mong impakta ka!" Walang kahirap-hirap na itinapon ko siya sa matigas na tiles ng ospital.
"Hayop ka!" Ani nito. Mabilis siyang sumugod sa akin ngunit naunahan ko siya. Walang pakialam na sinuntok ko ito sa mukha. Napahiga ito sa sahig.
"Kung ang mga baka nga namin sa hasciends ay natumba ko mag-isa, ikaw pa kaya, ha?" Sisipain ko sana ito ngunit may mabilis na nakaawat sa akin. "Ano ba!" Nagpupumiglas ako nang malakas nitong hinawakan ang aking braso.
"Calm down, Miss."
Tiningnan ko kung sino ang umawat sa akin. Biglang napaawang ang aking mga labi ng gwapong ito, pero hindi ko pinahalata.
"Doc, bigla nalang po siyang nanugod sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nakagawa kong kasalanan."
Napatingin ako bigla sa impakta! Sobrang OA nitong magsalita.
"Ahh, bigla pala ha!" Susugod na naman sana ako ngunit napigilan na naman ko ng lalaki! "Ano ba! Bitiwan mo nga ako para maturuan ng leksyong ang babaeng ito." Tumaas ang boses ko sa inis!
"Miss, hindi mo puwedeng saktan ang nagta-trabaho rito." Wika ng lalaki.
Nainis ako sa sinabi nito kaya nailagay ko ang aking dalawang kamay sa bewang. "So sinasabi mo bang ang mga pasyente rito o ang mga bumibisita sa ospital na ito ay puwedeng sakatan, ha?" s**t! Bwesit lang dahil naiinis ako sa kagwapuhan niya!
"It's not what I mean, just calm down."
"Wow ha, so kinakampiham mo ang impaktang ito?" Walang prenong wika ko. May marami nang nakatingin sa amin, the hell I care!
"Hayop ka, sinaktan mo na nga ako, tinawag mo pa akong impakta! Bwesit ka!" Galit na galit nitong sigaw. Talagang nagpapakita ito ng totoo nitong ugali.
"Totoo naman diba? Hindi lang pangit ang pag-uugali mo, mas pangit pa ang mukha mo!" Akala siguro niya ay hindi ko siya uurungan.
"Hey, that too much, alam mo bang puwede ka naming ireklamo?"
Naagaaw ang atensyon ko ng magsalita na naman ang lalaking ito! Gwapo nga pakialamero naman ang gago. Ang sarap niyang sampalin ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili.
"Alam mo, kung sino ka mang hinayupak ka, why would you teach this witch ng magandang asal kung paano makitungo sa mga nagpupunta sa ospital ninyo."
"Pag-u----." I cut him.
"Shut up! Mas lalo niyo lang sinisira ang kagandahan ko." Giit ko rito at umalis na. Kung mayroon mang dapat pangaralan ay ang babaeng impakta na iyon. Isang siyang napakalaking pangit!
Nagmamadali akong lumabas sa ospital at eksakto namang may taxi na nakaparada. Agad akong sumakay rito.
"Ma'am may nauna po sainyo." Ani nong driver na ikinakunot ng mukha ko.
"Ganoon po, ba? Nakakabwesit naman, kuya. Ako nalang ang pasakayin ninyo doble ang bayad ko." Nakakahiya kung baba pa ako.
Mukhang nag-aalinlangan ang driver sa aking offer kay mas tinaasan ko pa.
"Triple na, Kuya. Tara na para makaalis na ako sa bwesit na ospital na ito." Ani ko.
Walang nagawa ang driver kaya sumunod ito sa akin. Baka rin kasi nagagandahan sa akin kaya pumayag na.
Habang nakasakay sa taxi ay hindi parin ako makaget-over sa nangyari kanina. Hayop talaga ang babaeng iyon, napakawalang modo na empleyado. Kapag nagkataong ako ang amo ng impaktang iyon at hindi ko na paaabutin ng isang buong araw ang trabaho nito.
At iyong doktor, hindi ko maitatanggi na gwapo siya.
-ATHAPOS