Kabanata 1
Halos liparin na ni Veronica ang Manila nang mapag-alaman niyang inoperahan si Angel at may anak sila nang kuya Douglas niya. Kung hindi siya sinabihan ni Peter ay hindi niya malalaman kung ano na ang nangyayari sa kanyang pamilya. Almost one month narin siyang sobrang busy sa buhay at wala siya ngayon sa Bohol. Nasa Cebu siya and take note, wala siyang paramdam sa kanyang pamilya kaya medyo outdated siya sa mga nangyayari.
Sobra siyang nag-aalala kay Angel dahil kahit papaano ay naging mas malapit siya sa babae. Lalo pa't ito ang dahilan kung bakit bumalik sa dating buhay ang kanyang pinsan.
At isa pang ikina-intriga niya ay may dalawang anak raw sila. Halos mabaliw siya sa kakaisip kung paano nangyari iyon! Sobrang dami niyang katanungan na tanging si Angel at Kuya Douglas lang niya ang makakasagot.
Pagkababa niya sa airport ay agad niyang hinanap ang kapatid na si Homer. Palingon-lingon lang ang kanyang ulo hanggang sa makita niya ito. Kumaway siya sa lalaki para makita siya nito.
Agad naman siyang napansin ng kapatid kaya nagmamadali itong lumapit sa kanya. Manghang-mangha si Veronica sa pagkakita kay Homer. Sobrang laki ng pinagbago nito. Mula sa malit na pangangatawan nito ay sobrang maskulado na niya.
"Iba talaga basta model." Pabirong wika niya sa kapatid.
Ngumiti ito sa kanya at kinuha ang mga bagahi, "alam mo subukan mong mag-modelo puwede ka naman."
"Naku, may iba akong pangarap no." Napairap siya sa kapatid at inayos ang buhok nang liparin ito ng hangin.
"Ay, sos kunwari kapa. Hindi mo ako maloloko, kapatid kita Veronica."
"Hay, naku, huwag na muna nating pag-usapan iyan, Homer. Ang mabuti pa ay dalhin mo nalang ako sa condo ni Kuya Douglas." Giit niya rito.
"Okey, princess." Ani nito at naunang humakbang. Nagdadabog na sumunod siya sa kapatid. Paano'y pangarap niya kasing maging modelo o artista noon pa. Ang kaso mas nabigyan ng oportunidad si Homer dahil tapos na ito sa pag-aaral siya naman ay hindi pinayagan dahil kailangan niyang makatapos muna.
Kaya nong nagtapos siya ay sinubukan niyang magmodelo ngunit pa extra-extra lamang siya sa Cebu! Kaya pinauwi siya ng abuelo at abuela para magtrabaho nalang sa business ng family. Sumumod naman si Veronica, nagtrabaho siya ngunit iba talaga ang dinidikta ng kanyang puso!
"Are you okey?" Napahinto si Homer at humarap sa kanya.
"Yeah, don't mind me." Giit niya. May marami lang siyang iniisip kaya lutang na lutang siya ngayon. "Lakad na." Tinulak niya pa ang kapatid. Minsan natatawa nalang siya dahil matanda pa siya kung umusta kay Homer. One year lang naman ang gap nila pero hangga't maaari ay nililimitahan niya ang pagiging bossy sa kapatid.
Nilagay ni Homer ang mga bag niya sa trunk at sumakay na sila sa kotse. Nang papaalis na sila sa airport ay napatingin siya sa kanilang mga dinadaanan. Wala pa ring pinagabago ang Manila, ganoon parin ito.
"How's your work sa Cebu?" Istorbong tanong ni Homer. Nainguso niya ang kanyang labi rito at tumungin sa unahan.
"Iwan ko, as always freelance lang ang beauty ko." Hindi niya alam kung may mali ba sa kanyang katawan at kagandahan dahil mailap sa kanya ang tadhana. Mas binibigyan pa ng pagkakataong ang mga kingkoy na mukha.
"Baka naman hindi para saiyo ang modelling at artista, Veronica. I mean why don't you focus sa business natin, malaki ang pera roon." Sulsol ng lalaki sa kanya. Napairap lamang siya sa kapatid.
Naisip niya rin iyon noong bumalik siya sa Cebu. Minsan hinahanap niya ang mga hayop sa hascienda dahil mas sanay siyang kasama ang mga ito. Ang gusto lang naman niya ay maghanap ng ibang kulay sa buhay. Iyong siya mismo ang bubuo sa kanyang sarili na walang anumang tulong na galing sa pamilya.
"Kung gusto mo talagang maging modelo, kakausapin ko aking manager. Baka matulungan ka niya." Dagdag na Homer.
Mabilis siyang napatingin sa kapatid. Nagliwanag ang napaka-stress niyang mga mata sa sinabi ng lalaki.
"Gagawin mo iyon?" Sa loob-loob niya gusto niya itong yakapin ang kaso nagmamaneho ito.
"Oo, kapatid kita kaya kung anuman ang plano mo saiyong buhay ay nandito lang ako."
"Oh Homer, ang sweet naman ng kuya ko." Bahagya niyang niyakap ang braso ng kapatid. Ang swerte niya rito dahil mula noon at hanggang ngayon ito lang talaga ang nakakaintindi sa kanya.
Pagdating nila sa condo ay nauna siyang pumasok kaysa sa kapatid. Naninibago siya sa condo ng kanyang kuya Douglas. Sobrang daming gamit na rito noong huling punta niya ay walang kagamit-gamit.
Palingon-lingon siya sa paligid ngunit wala namang tao. Ang akala niya ay nandito ang dalawang anak ng kanyang pinsan? Nadismayang tiningnan niya si Homer na papasok palang dala ang kanyang mga gamit.
"What's with that face?" Tanong nito sa kanya.
"I thought nandito ang dalawang bata?" Excited pa naman siyang makita ang mga ito. Nakita na niya sina Cedrix at Stanley sa picture pero iba parin kapag sa personal.
"They visit, Angel."
Oo nga pala. Bigla niyang naisip si Angel. Hanggang ngayon ay nag-aalala parin siya sa babae. Kahit tapos na ang operasyon nito ay kailangan parin iyong tutukan.
"Kailan ka pupunta sa ospital?" Gusto niyang sumama sa kapatid at makumusta si Angel. At baka doon niya rin makita ang dalawang bata.
"Maybe tomorrow." Inilapag ni Homer ang gamit niya sa couch.
"Bukas pa? Ang tagal naman non." Wala naman siyang gagawin rito sa loob ng condo. Hindi pa naman siya pagod kaya gusto niyang gumala muna.
"Kung gusto mo, ikaw nalang ang pumunta roon. Sumakay ka nalang ng taxi aalis ako ngayon."
Napasimangot siya sa kapatid. So wala itong plano na samahan siya ngayon?
"Ihatid mo nalang ako sa ospital, like i-drop mo lang ako at umalis ka na pagkatapos. Sasabay ako kina Kuya Douglas pag-uwi." Giit niya rito. Baka naman ay papayag na ito.
Nakita niyang pinag-isipan ni Homer ang sinabi niya rito. Hindi naman iyon abala rito dahil magpapahatid lamang siya.
"Okey, fine."
"Yeheyy!" Sigaw niya at nagmamadaling niyakap niya ang kapatid. "Maliligo na muna ako, okey?"
"What? Ayos na yang hitsura mo, mali-late na ako."
Napairap siya sa kapatid. Hindi naman siguro gaanong ka importante ang pupuntahan nito.
"Basta, hintayin mo ako, baka may gwapong lalaki roon sa ospital at makabingwit ako." Kinindatan niya ang kapatid at nagmamadaling pumunta sa shower room ng condo.
Pagsok niya para maligo ay nakalimutan niyang ihanda ang mga susuotin. Binuksan niya ang pinto at inilabas ang ulo.
"Homer, pakihandaan naman ako ng susuotin!" Sigaw niya sa kapatid dahil hindi niya ito makita.
"What the hell, Veronica!"
"Sumunod ka nalang!" Sinarado niya ang pinto at nagmamadaling naligo.
Halos dalawang minuto lamang siya sa loob. Napansin niya ang kanyang puting panty na hindi pa basa. Inabot niya ito at tiningnan.
"Mukhang fresh pa naman ito," inamoy niya ang panty, "okey pa ito." Ibinalik niya ang kanyang panty ng suot.
Lumabas siya na nakatakip lang ang tuwalya. Napansin niyang may damit sa couch kaya kinuha niya ito. Napangiti si Veronica nang ang inihandang damit ni Homer na para sa kanya ay iyon pang binili nila noong pumunta sila ng Thailand.
"Homer, saan ka?" Tanong ni Veronica nang hindi makita ang kapatid sa sala ng condo.
"Nandito ako sa kwarto, magmadali ka na dahil aalis na tayo."
"Sige!"
Wala na siyang sinayang na oras kaya mabilis siyang nakapagbihis. Napahanga siya sa kanyang sarili nang tingnan ito sa harap ng human size mirror. Sobrang bagay talaga sa kanya ang damit at mas naging sexy siyang tingnan dahil sa short-shorts na puti. Isa lang ang masasabi niya, may taste si Homer sa mga damit kaya mas pinalad ito sa modelling career nito. Noon paman ay maganda na talagang manamit ang kapatid.
"Tara na." Lumabas si Homer sa kwarto at bihis na bihis ito.
"Teka, saan ba ang punta mo?" Naiintriga niyang tanong rito. Kung hindi siya nagkakamali ay baka may dadaluhan itong photoshoot, meeting o whatever kung ano iyon.
"May signing of contract ako para sa aking agency." Sagot ni Homer.
Napangiti siya sa tuwa. Napaka-swerte ni Homer dahil abot na abot na nito ang pagiging modelo.
"Hoy, let's go. Nakatulala ka na naman diyan."
Hindi siya makapagsalita nang hilain siya nito. Napagisip-isip niya na sobrang importante ang dadaluhan ng kapatid.
"Wait." Huminto siya sa paglalakad. Kumunot ang noo ng kapatid niya nang hinarap siya nito.
"Why?"
"I guess, pumunta ka nalang sa pupuntahan mo, magta-taxi nalang ako. Mas importante iyan." Aniya.
Napailing lang si Homer at hinila na naman siya, "may thirty minutes pa ako kaya tara na."
"Sigurado ka?" Baka siya pa ang magiging dahilan kung malate at mapapahiya ito.
"Yes, at isa pa wala namang traffic kaya mabilis akong makakarating sa agency."
"Ikaw ang bahala." Wika ni Veronica at mas binilisan pa niya ang paglalakad.
Nang makarating sila sa labas ng ospital ay mabilis nang lumabas si Veronica. Hinintay niya lang muna umalis si Homer bago pa siya pumasok. Sobrang ikli ng kanyang short kaya kitang-kita ang maputing hita niya. May mangilan-ngilang nakatitig sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin.
“Oo nga pala, nakalimutan kong itanong kay Homer ang room ni Angel.” Wika niya sa sarili.
Napabuntong hiningang hinanap niya ang information disk ng ospital. Agad naman niya iyong nakita kaya nagmamadali siya lumapit.
Malawak ang kanyang ngiting humarap sa information ng ospital. May isang babae na nagbabantay, hindi siya nito napansin kaya bahagya niyang kinatok ang salamin.
"Yes?"
Nagulat si Veronica sa inakto ng babae. Itinaas nito ang kanang kilay. Napasinghap siya. Gaga yata ang babaeng ito.
"Magtatanong ako kung anong room si Angel Faith." Akala siguro ng babeng ito ay hindi siya marunong magtaray.
"Anong last name…pakibilisan."
Napailing siya dahil hindi niya alam kung ano ang apelyido ni Angel.
Humugot muna siya ng malalim na hininga, "hanapin mo, hindi ko alam." Pagtataray niya rito. Well, hindi niya uurungan ang babaeng ito. Inunahan na siya kaya aarangkada siya para matuto ang gaga!
"Room 45. 3rd floor." Wika ng babae at umupo ito.
"Thank you." She rolled her eyes at umalis sa information disk. Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil hanggat maaari ay hindi siya mastress. Hindi niya hahayaang sirain ng impaktang iyon ang araw niya.
Pumasok siya sa elevator at nagpunta sa 3rd floor. Medyo kinakabahan si Veronica dahil sa mahabang panahon ay hindi na niya nakakausap si Angel pati na ang pinsang si Douglas.
Sandali niya munang hinanap ang room kaya nang makita niya ito ay sandali siyang napabuga ang hangin at walang katok-katok na binuksan ang room.
Pagkabukas niya ay bumungad sa kanya ang dalawang tao na nagtatalik. Nagulat ang mga ito nang makita siya. Mabilis na lumabas si Veronica at tumakbo! Hindi iyon ang room ni Angel! Niloloko lang siya ng babaeng iyon. Biglang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo.
"Veronica?"
Napatingin siya nang may sumambit sa kanyang pangalan. Nagliwanag ang kanyang mukha nang si Kuya Douglas niya iyon.
"Kuya!" Tumakbo siya at yumakap rito. Sobrang na-miss niya ito.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka rito?" Wika ng kanyang Kuya Douglas nang kumiwala sila pagkakayakap.
"Si Homer lang ang pinaalam ko para surprise." Ani niya. Pero nawala lang talaga sa isipan niya na sabihan ito.
"Tara sabay na tayo pumunta sa room ni Angel."
"Mabuti pa." Inis na inis parin siya sa ginawa ng babae sa kanya. Balak niya itong gantihan mamaya. Magsisisi ito, mali ang kinalaban ng impakta.
Nakarating sila sa room 51. Muli ay nabuntong hininga si Veronica. Sobrang layo ng 45 sa 51. Bwesit talaga ang babaeng iyon.
"Hey, pasok na."
"Ahh, sige." Nakakatitig pa siya sa numero ng room kaya napatulala siya.
Nang makapasok na siya ay agad niyang napansin ang dalawang bata na nakaupo. Sa higaan ay nandoon si Angel na nakahiga pero gising ito.
Nakaramdam siya ng kaba nang iba ang tingin ni Angel sa kanya. Para itong papatay ng tao.
"Daddy, who is she?" Tanong nong batang parang may dugong foreigner. Napangiti siya sa mga ito. Ito na yata ang sinasabi ni Peter na anak ni Kuya Douglas at Angel.
"She's your Tita Veronica, the sister of your Tito Homer." Pakilala ni Douglas sa kanya.
"Hi kids." Ngumuti siya sa dalawang bata at isa-isang hinalikan ang mga ito. Ang isang bata ay manang-mana kay Kuya Douglas. Itong mukhang foreigner mas malaki ang nakuha nito kay Angel.
"Hello, Tita Veronica…I'm Cedrix."
"And I'm Stanley."
Ganoon paman ay sobrang cute at gwapo ng dalawa. Matapos harapin ni Veronica ang dalawang bata ay muli niyang tiningnan si Angel. Nakatingin ito sa kanya ngunit malambot na ang mukha nito.
"Hi, Angel." Kumaway siya sa babae. Marahan naman itong ngumiti sa kanya pero parang may mali. "Kuya, bakit ganyan siya?" Hindi niya mapigilang tanong.
-ATHAPOS