Kabanata 6

1489 Words
Kabanata 6 First Mission Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda sa pagdating ni Rosario. Sakto naman na luto na ang almusal nang dumating ito na pusturang pustura. Akala mo'y a-attend ng isang gala night dahil sa ayos at suot na gown. "Uh, sino hong may birthday?" wala sa loob kong naitanong. Lumuwang naman ang ngiti niya sa'kin at naupo sa katapat kong silya. Tumusok muna ito ng hotdog saka sinubo bago magsalita. "May gathering ngayon sa isang five star hotel ang mga politiko at ilang sikat na artista. Birthday kasi ng isa sa mga politiko ng isa kong friend, imbitado siya kaya isasama kita!" Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin ay hindi talaga kami ang mismong bisita doon kundi sabit lang sa handaan tapos ganito pa ang suot niya? "Magbihis ka ng maganda para naman masimulan na natin ang first mission natin!" Pumalakpak pa ito na tila mo'y excited. "Hindi ba nakakahiya? Hindi naman tayo invited sa party na 'yon?" "Ano kaba ako ang bahala, hindi naman ako magsusuot nang ganitong dress kung alam kong hindi tayo papasukin. Kaya bilisan mo na d'yan para maaga tayo." Tumalikod na ito at tiyak kong hihintayin ako sa may living room. Mabilis ko naman tinapos ang aking pagkain at naligo na. Isang kulay black slit gown ang napili kong suotin. Simple yet elegant at hindi rin agaw pansin kung sakali. Saka ko tinernuhan ng kulay itim din na heels. Humila din ako ng isang purse na kulay silvery grey at hinayaan nakalugay ang aking buhok. Lumabas ako at nahihiyang sumulyap kay Rosario. "Oh, my God! Sabi ko na nga ba't hindi ako nagkamali nang pagpili sa'yo. You remind of my friend Natalia. Ang ganda!!" Tumayo na ito at pinasadahan ako nang tingin. Bahagya naman namula ang aking dalawang pisngi. Alam ko naman na sasabihin n'ya 'yon pero hindi ko pa rin maiwasang mailang. "S-salamat," I utter. "So, let's go?!" Nagpatiuna na itong maglakad palabas na siya ko naman sinundan. Sa labas ay naghihintay sa amin ang isang itim na kotse, iba sa dala niya kahapon. Isa pa may driver na itong kasama ngayon. Hindi na ako nagsalita pa nang tumulak ang sinasakyan naming sasakyan patungo sa isang five star hotel. Pagpasok pa lang namin ay hile-hilera na ang mga mamahaling sasakyan. May pa-red carpet pa nga at may ilang media na kumukuha ng event. Sa tingin ko ay talagang bigatin ang may birthday ngayon. "Huwag kang aalis sa tabi ko," bulong sa'kin ni Rosario. Tumango lamang ako kahit pa malakas ang kabog nang aking dibdib. Humimpil ang sasakyan namin sa isang sikat na five star hotel. Halos star sttuded nga ang mga namataan kong imbitado. may ilan rin akong namataan kilalang tao mula sa politika. Hindi ko maiwasang pagpawisan ng malagkit habang nakasilip sa tinted na bintana. "Basta ang mga bilin ko saiyo, dapat firm and proper," bulong niya sa'kin habang papasok kami sa loob. Saglit na kinausap ni Rosario ang dalawang lalaking naka-suite na siyang nag-che-check ng mga invitation. Gumawi ang tingin ng dalawa sa akin na siyang binigyan ko naman ng matamis na ngiti. "Pasensya na ho kayo ma'am, pero hindi ko ho kayo pwedeng papasukin. Nasa policy ho namin ang "no invitation, no entry." Kami ho naman ang mapapagalitan kung magpapassok kami ng outsider. "Kaibigan ko naman ang may birthday saka hindi ba obvious sa suot namin na isa rin kami sa elite na bisita?" Pagpupumilit ni Rosario Pulang pula naman ang dalawang mukha ko sa hiya. Paano ay naantala ang pagpasok ng ibang bisita. Pinagtitinginan na rin kami at sinisipat mula ulo hanggang pa. "Hindi ho talaga pwede, pasensya na ho kayo." Doon naman tila na dismaya si Rosario at sumulyap sa'kin. Bahagya pa itong ngumiti at sumulyap sa paligid. "Anong nangyayari dito?" Isang mababang boses ang nagpalingon sa'kin. Galing iyon sa matikas na lalaki na sa tingin ko'y nasa mid forties. "Good evening ho, Mayor. Itong dalawa ho kasi nagpupumilit pumasok sa loob kahit na walang imbitasyon. Pero huwag na ho kayong mag-alala nagpatawag na ho ako ng back up para mapalabas sila," anang security guard dito. Mabilis kaming pinasadahan ng tingin nang may edad na lalaki ay nagtagal ang mga titig sa'kin. Masasabi kong kahit may edad ay alangang alaga pa rin nito ang kaniyang katawan at kutis. Matikas at may malalapad pa rin itong dibdib at balikat. Sa tingin ko nga ay mukhang may lahi pa ito dahil sa matangos na ilong at mpupungay na mga mata. Doon ko naman naramdaman ang pagsiko sa'kin ni Rosario. Kaya't napakurap ako at bahagyang ngumiti dito bago umiwas ng tingin. "Ikaw pala 'yan mayor, kami ho yung isa sa mga suporters n'yo noong nakaraang halalan, remember? Sa katunayan nga ho, kasakasama n'yo kami sa pangangampanya," ani Rosario. Hindi ko alam kung may katotohanan ang mga sinasabi ni Rosario pero tumango na lang ako dito at sumakay sa mga palusot n'ya. "Sige, papasukin mo at ako na ang bahala sa kanila," anang lalaki sa guard. Agad naman tumango ang guard sa huli at umatras upang bigyan kami ng daan. "Sabi ko naman saiyo kakilala namin ang may pa-party dito!" Taas kilay at nakangisi pang sinabi ni Rosario sa guard bago iyon iwanan. Minsan ko pang nilingon ang sinasabing mayor na tumulong sa amin para makapasok dito sa loob. May mga sumalubong kasing ilang bisita dito kaya't hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para magpasalamat dito. Mabilis akong hinila ni Rosario sa loob para matigilan sa ganda ng lugar. Hinid magkamayaw ang mga mata ko sa magagandang dekorasyon at pagka-elegante ng lugar. Sa malalaking pelikula ko lang nakikita ang mga ito. Lalo pa ang naggagandahang bulalak na binagay sa kulay puting mga lamesa. Mataas din ang ceiling kung saan may higit pa sa sampu ang mga chandelier na nakasabit. Halata rin na mayayaman ang mga bisita na nandirito. Halos magpatalbugan pa ang ilang babae sa suot na gown at pag pe0flex ng kanilang mamahaling alahas. Sa isang bakanteng lamesa namin piniling pumwesto ni Rosario. Hindi pa man umiinit ang pwet ko sa pag-upo ay dinulugan na agad kami ng baso ng champange. "Thanks," wika ko sa waiter. "Teka pogi, sino ba d'yan ang celebrant?" bulong na tanong ni Rosario sa waiter. Bahagyang kumunot ng waiter sa tanong na 'yon ni Rosario. "Ah, kasama kasi kami ni Mayor." Nginuso ni Rosario dito ang pwesto kung saan may kausap na ilang politiko ang sinasabing niyang mayor. "Si Mayor Mauricio Collymoore ho ang may birthday," anang waiter na tila hindi napigilan ang ngisi. "Ah, yeah! Si Mayor naman pala. Nakalimutan ko lang medyo gutom na kasi kami," aniya sa kaharap at simpleng hinigop ang champange sa baso. "Ihahain na ho ang main course." Tumango naman dito si Rosario at simpleng ininom ang alak sa baso. Nang makaalis ang waiter ay saka lamang ako hinarap ni Rosario. "Muntik na tayo do'n buti na lang ay tinulungan tayo ni mayor," aniya na maluwang pa ang ngiti sa'kin. Bahagyang tumikwas ang kilay ko dito. "Akala ko ba kilala mo ang celebrant?" Ngumiti ito ng bahagya sa'kin. " Chika lang 'yon. Pero ang totoo n'yan marami na akong mataan na kakilala ko." Tumaas na ang kilay ko dito. Kahit halata naman nagsisinungaling siya ay tumango na lang ako sa bandang huli. Nang dumating ang main course ay hindi na kami nag-atubili na lantakan ang steak na sobrang lambot. Tila nakalimutan na nga namin ang tamang posture na tinuro sa'kin ni Rosario nang malasahan ako ang steak. "Pwede pa kayang umulit?" bulong nito sa'kin nang maubos niya ang isang plato habang marahang nagpupunas ng tissue sa labi. Ngunit hindi pa man ako nakakatapos sa pagsubo ay kumaway na ito sa waiter na parating. Walang kagatol-gatol itong nanghingi ng isa pang plato ng steak. "Ikaw ba gusto mo pa?" tanong ni Rosario sa'kin. My lips slightly moved. Sa huli ay tumango ako. Ang totoo kasi n'yan ay bitin ang steak na hinain nila kaya hindi ako nasiyahan. "Saka dalawa ding baso ng wine, salamat." Napsandal na lang ako sa aking silya nang maubos namin ni Rosario ang pangalawang plato ng steak. Nilagok ko rin na parang tubig ang wine dahil sa sobrang sarap no'n. "How's the food?" Sabay kaming tumingla sa lumapit na lalaki at gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang mayor na siyang tumulong sa amin para makapasok dito at siyang m,ay kaarawan ngayon. "H-Happy birthday mayor!" Agad na tumayo si Rosariio upang kamayan ang bagong dating. "Salamat, mukhang nag-e-enjoy kayo sa pagkain marami pang magpapadala ako dito," aniya na bakas ang ngiti sa labi. "Naku, syempre po gustong gusto namin 'yan!" Doon ko na sinenyasan si Rosario para pigilan, ngunit hindi ito nagpapigil. "Sabayan n'yo na po kami. Gusto ko po kasi ipakilala sa inyo itong friend kong si Debinna." Hindi na ako nakatanggi pa nang ipakilala na ni Rosari. "Hi, nice to meet you, Mauricio Collymoore." Inilahad niya ang kamay sa'kin na atubili ko naman tinanggap. "Debinna Sandoval," pakilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD